Maaga kaming pinakawalan ng teacher namin sa Biology. Nagpatawag daw kasi ng faculty meeting ang head ng Biology department. May mga kaklase kaming sumabay ng labas sa teacher. Iyong iba ay umalis sa proper seat nila para makipagkuwentuhan muna sa mga kaibigan nila. Sabay-sabay naming binalinggan na tatlo ang kaniya-kaniyang bag. Parehas na wallet ang nilabas namin ni Elio. Isa lang ang tumatakbo sa utak naming dalawa. Sasaglit kami sa cafeteria para kumuha ng kahit na anong puwedeng inumin o kainin. Iyong macbook naman ang hinila ni Rizza palabas sa bag niya. "May assignment ba tayo sa practical research?" Napaupo ulit ako. Iyon na kasi ang sunod na subject. "Wala. Nag-iisip lang ako ng topic at title para sa research natin," anito habang binubuhay iyong laptop. Mabuti na lang at

