Seven more hours until the hand of the clock reaches twelve midnight. Bukod sa paghihiwa ng mga sibuyas, bawang‐--maraming-maraming sibuyas at bawang para sa pancit, spaghetti. Pagbabalat ng carrots at patatas para sa mga ulam, paghiwa ng hotdog at paggawa ng hotdog at mushroom. Wala na akong iba pang ginawa pero pakiramdam ko mawawasak na sa pagod ang bawat hibla ng laman ko. Si Yael at Kuya Mino ay panay ang labas para sa mga utos ni Tita Meredith gamit iyong tricycle. Simula kaninang alas dos ay dalawang beses na silang galing na magkapatid sa Bayan. May mga nakakalimutan kasing ipabili si Tita. Wala naman silang choice kung hindi ang sumunod. Busy rin naman kasi si Tito sa likod bahay. Kasama ang mga kumpadre niya ay nagli-lechon sila ng manok doon sa labas. Habang nagpapahinga si

