Kinaumagahan, pagkatapos naming masabi kay tita Amara ang tungkol kay Travis ay pumasok na kami ni kuya. Pagkarating namin ay naabutan namin ang mga teachers na abala sa pagkabit ng mga disenyo sa paligid. Ang dami ring estudyanteng nagaayos. Nakita ko ang ilang officers na abala sa kani-kanilang ginagawa kaya hinanap agad ng mga mata ko si Wil. Nakita siya ni kuya na nasa taas ng hagdan habang nagdidikit ng mga lobo. "Anong meron?" Tanong namin sakaniya nang makababa siya. "A welcome party for the Director of this school." "Ito yung pinag meeting-an niyo kahapon?" Tanong ko. "Sort of." Napakamot na lang ako saaking ulo dahil dito. "Lauren, Ken, listen. I think we need Katharine and Kyla. Because this event will be done at night. And you two guess what might or most likely will happ

