“Dana, pakidala mo nga ang mga orange sa kabilang table. I want someone to start making the fresh juice now,” tawag ni Thara habang abala sa kusina. “Alright!” sagot ni Dana. Muntikan pa nitong mabangga ang isang katulong. Napangiti si Thara, saka muling bumalik sa paghiwa ng mga kamatis. Sino nga ba ang mag-aakalang ang simpleng family dinner ay magiging ganito ka-stressful? Matagal na niyang pinaplano ang gabing ito. Simula pa noong dumating sa buhay nila sina Elara at Thaliene, ang kanilang kambal. Four years have passed, eksaktong ika-anim ng Hunyo. Dalawang munting anghel na babae na parehong kopya ni Rozein. So much for wanting a baby boy, naisip niya habang napangiti ng bahagya. Ngayong araw ay ikaapat na kaarawan ng kambal. She and Rozein planned to make it special. Isang mala

