For a moment, silence filled the room. Nag-iwas ng tingin si Rozein habang nakaigting ang mga panga, his chest rising and falling too fast. “Hindi ka naniniwala sa akin. Because everyone in your life made you think you were incapable of being loved,” patuloy niya. “Thanks for the reminder,” he muttered sarcastically. She took a step closer. Nang hindi umatras si Rozein, hinawakan niya ang braso nito at marahang hinaplos. “You need to be reminded of certain things before you start thinking clearly again. Hindi lahat iiwan ka. Dahil lang sa sumuko sa iyo ang mga tao sa nakaraan mo, hindi ibig sabihin susuko rin ako.” Huminga siya nang malalim, at naglakas-loob sabihin ang nilalaman ng kanyang puso. “I love you, Rozein. At hindi ako titigil sa pagmamahal sa iyo, kahit ano pa ang sabihin

