Kumikilos nang walang tigil ang mga daliri ni Rozein sa keyboard ng laptop niya, ang matitinis na tunog ng pagta-type ang pumupuno sa katahimikan ng opisina. He was buried under so much work, lahat dahil sa walang kwentang pahinga na muntik nang magpabagsak sa negosyo niya. Kung hindi lang dahil sa mga taong sumusuporta sa kanya, he could have completely broken down. That’s why, this past week nilunod niya ang sarili sa trabaho. Ito lang ang tanging paraan para hindi niya maisip si Thara. Sinubukan niya nang paulit-ulit na kamuhian ito. Na ibalik ang parehong matinding galit na nararamdaman niya tuwing nababanggit noon ang pangalan ni Freiah. But this was different. No matter how hard he tried, wala siyang maibalik na galit. You’re doing it again, Rozein. Napailing siya, saka pinindot a

