He was pissed. Kung may mas matinding salita pa kaysa nagagalit, iyon ang dapat gamitin para ilarawan ang nararamdaman ni Rozein. Allesandro stuck to his words, tinawagan nito si Thara. Determinado itong sirain ang relasyon nila. But he wasn’t going to let that happen. Dadaan muna ito sa mga kamay niya bago magtagumpay sa plano nito. Dumaan na silang dalawa ni Thara sa maraming pagsubok. They fought through their differences, natutunan na nilang tanggapin ang mga kahinaan ng bawat isa. Their relationship wasn’t perfect, but it was promising. Leading to something perfect. And now… Allesandro. Parang ang tadhana mismo ang ayaw na maging sila. Lagi na lang may banta, may puwersang sumusubok na paghiwalayin sila. Kahit noong simula pa lang. The secrets. Mga sikreto na masyadong mabigat para

