Chapter 2
Lahat ng mga pangarap niya ay naglahong parang bula.Ang babaeng minamahal ay mas pinili ang ambisyon kesa sa kanya.
Itinapon niya ang ilang taong pagsamahan nila para lamang dito.
Bakit pa siya nakaligtas...?according to what he heard he was saved by a stranger.Ang babaeng yon....parang nakita na niya ito sa kung saan.
Ito pa raw ang nagdala sa kanya sa ospital.Ito pa raw ang nag-alaga at nagbantay sa kanya buong gabi.
Bago ito umalis ay nagbilin pa ito sa mga nurse.
Sinubukan niyang tanungin ang pangalan ng babae at kung taga saan subalit wala ring nakakaalam.
Gusto sana niya itong pasalamatan ng personal.
Hindi niya hinayaang umuwi ang mga magulang at sinabing nasa maayos lang siyang kalagayan.
Medyo naapektuhan ang isa niyang binti subalit nakuha naman sa operasyon.
Dahan-dahan siyang umakyat sa rooftop kahit paika-ika siya.
Tumayo siya sa pinakatuktok at dito ay ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.Mas masakit pa ito sa mga labanang naranasan niya.
Mom,dad.....I'm sorry.....I'm not a good son...I'm so selfish ....but I can't endure the pain anymore.....he's shoulder was shaken as tears fall down from his eyes.
Hay nakakainis.....!bakit ba siya magpapakamatay ng dahil lang sa babaeng yon?!Tsssk....!ano bang ginagawa ko dito?kausap niya sa sarili.
Teka hindi lang naman siya ang babae sa mundo?bakit ko ba iiyakan ang isang yon....?Isa pa napaguwapo ko naman at marami pang magkakandarapang babae sa akin?
Hay Marrione nababaliw ka na....
Ohhh....!Isa pa ang taas nito.....pag bumagsak ka diyan siguradong durog ang mga buto mo at wasak ang kaguwapuhan mo...?pinahid niya ang luha sa mga mata.
Teka....!sandali mister!huwag mong gawin yan!narinig niya ang boses ng isang babae.
Nagulat siya dahil sa biglang pagsulpot nito sa kung saan.
Nagkamali siya ng galaw!
Ohhh......!!!!aaahhh.....!
Mabuti at maagap ang babae at nahila ang kamay niya.
Ohhh .....!!!bumagsak sila sa lapag at nasa ibabaw siya ng babae.
Natitigan niya ito ng malapitan.
Maganda ang babae kulang lang sa ayos.
Napakaplain nito tulad ng isang taong kilalang-kilala niya dati.
Muntik na....!
Mister.....Baka pwede ka ng tumayo kasi ang bigat mo eh....hindi ako makahinga....!reklamo ng babae.
Ohhh.....!sorry miss....!ikaw naman kasi bakit ba bigla ka na lang nanggugulat diyan?
Tumayo sila pareho....Kung Hindi ako dumating baka tumalon ka na diyan.
Mahal ang pambili ng kabaong at gagastusin sa burol isa pa ang sarap kayang mabuhay no?!Kung babae ang problema mo sus!marami diyan hindi ka mauubusan!sermon nito.
Wait miss ang dami mo ng sinabi ha?
O bakit hindi ba totoo?nakataas ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.
Ahem.....!ah....Hindi naman masyado...
Hay naku....Hindi porke iniwan ka o di kaya niloko ay katapusan na ng lahat.....Hindi lang ikaw ang may problema sa mundo yong iba nga nga diyan halos pasan na ang lahat.
Tulad mo?putol niya sa sasabihin ng babae.
Natigilan naman ito.
Tsssk.....pareho pala tayo.....Hindi naman ako tatalon diyan no?Hindi ko sasayangin ang buhay ko para lang sa kwentang babaeng yon!
Palusot eh anong ginagawa mo rito aber?
Ahhh....ano nag-eemote lang masama ba?teka nga kanina pa tayo nag-uusap dito pero hindi pa natin kilala ang isa't-isa....I'm Marrione....Marrione Hainsworth Asuncion Tuazon and you are....?
Ma.Annedrew Gomez Cassanova....Drew na lang....
Nice meeting you Drew.....nakipagkamay siya sa babae.Ang lambot naman naman ng kamay....bulong niya dito.
May sinasabi ka?nakataas-kilay na tanong ng babae.
Ahhh....wala naman!Nagkwentuhan silang magdamag sa rooftop at napag-alaman niyang nasa ospital ang lola nito dahil inatake sa puso.Ang ama nito ay isang magaling na alagad ng batas.Bigla na lang itong nawala at hanggang ngayon ay wala pang lead ang mga pulis sa kinaroroonan nito.
Nagsimula ang magandang samahan nilang dalawa at naging matalik na magkaibigan silang dalawa.Naging magkasangga sila sa lahat ng bagay.
Pagkalabas niya ng ospital ay nagbitiw na siya sa serbisyo at nagpasyang hawakan ang kanilang kompanya ang Tuazon corporation.
Lalo na ang foundation na pinamamahalaan ng mga magulang ay napunta sa pamamahala niya.
Inalok niya ng trabaho si Drew ng trabaho sa restaurant na pag-aari niya na nasa 4th floor ng kanyang building.
Gusto niya itong gawing manager ng Resto niya subalit mas pinili nitong magsimula bilang waitress.
Hoy Kristine....!kinikilig ang kaibigan niyang si Marianne.
O anong meron?tanong niya habang umiinom ng softdrinks sa canteen ng kanilang campus.
Gosh beshy halika na!yong crush mo si Marrione Tuazon maglalaro ng tennis!
Namilog ang kanyang mga mata pagkarinig sa boses ng lalaki!
T-talaga?!
Oo magsisimula na ang match nila kaya bilisan mo....?!teka nasaan na ang kausap ko?Hoy....!tignan mo ang lukaret at mabilis pa sa daga na iwan ako....
Ang kausap niya hayun malayo na natatakbo!naiiling na lang siyang sundan ang kaibigan.Tutal suportado niya ang pantasya nito.
Hintayin mo ako Kristine!
Kumakabog ang dibdib niya dahil sa labis na kaba at excitement.Hindi na niya nahintay ang kaibigan at sumiksik sa mga naroong estudyante.
Ano ba yan ....!inis na bulong ng mga ito ng makita siya ng mga ito.Sanay na siya sa mga panlalait ng mga ito.
Nerd....yon ang taguri ng mga ito sa kanya.May makapal na eye glasses at may mga pimples sa mukha.Isama pa ang braces niya sa ngipin.
Pero wala na siyang pakialam pa.Ang importante mapanood niya ngayon ang crush niyang si Marrione Tuazon ang heartthrob ng kanilang campus.
Una niya itong makita noong nakuha siyang scholar ng foundation na pagmamay-ari ng mga magulang nito.
Doon na nagsimula ang paghanga niya sa lalaki.Guwapo at matangkad.Narito na lahat ng pinapangarap ng isang babae.
Kanina pa ako daldal ng daldal wala ka na pala sa tabi ko ang bilis ah?!
Sorry besh excited lang hehe....inayos niya ang eye glasses niya at nagtitili ng lumabas si Marrione.
My gosh Marrione!ikaw na.....aaaaay.....!!!
Hay naku jologs.....umikot ang eyeballs ng kaibigan.
Napakalakas talaga ng s*x appeal nito lalo na ng tumira na ito.Hiyawan ang mga babae sa swabeng galaw ng binata.
At the end nanalo ito.
Nakita mo yon besh!ay mamamatay ako sa kilig!guwapo na nga magaling pa sa sports!hay naku!
Oo na hmmm....ngumuso ang kaibigan.Sinundan niya ito ng tingin at nakita ang campus queen na si Rowena habang pinupunasan ang pawisang mukha ni Marrione.
Nakaramdam siya ng lungkot habang nagtitilian ang mga estudyante.
Bagay na bagay sila ano?,parehong guwapo at maganda!sabi nong mga nasa tabi nila.
Bigla siyang hinila ng kaibigan.
Hmmmm.....dapat pala hindi ko na lang pinakita sa'yo.
Ngumiti siya ng pilit dito.
Ayos lang yon....Alam ko naman kung saan ilulugar ang sarili ko....Isa pa imposibleng magustuhan niya ang tulad ko.
Yon ang akala niya na hindi siya mapapansin kailanman ng isang Marrione Tuazon.