Chapter 12
Hay.....ang sarap talaga ng buhay dito sa probinsiya.....nakataas ang kamay niya habang nakapikit.Narito sila sa nga ngayon sa burol.
Tapos na ang bakasyon mo kailangan mo ng bumalik ng opisina....
Hay naku po!pati ba naman sa bakasyon ko sumasama ang pagmumukha ng lalaking yon?!kainis!
Ate ...!halika dito....picture tayong dalawa!
Oo na! nilapitan niya ang kapatid at kumuha ng pictures kasama ito.
Ilang araw na lang ay babalik na sila ng Manila.Ilang buwan na lang at matatapos na si Kenneth sa kursong criminology.
Makapagtapos na siya ng isang pulis.
Napagpasyahan niyang palipatin na ito sa apartment niya para isahang gastos na lang.
Kung minsan ay sinusundo siya ng kapatid mula sa trabaho at ihahatid siya sa apartment niya.
Ate....kelan ka ba magkakaroon ng boyfriend?
Sa sinabi ng kapatid ay nabilaukan siya mula sa kinakaing tinapay.
O tubig ate....hay ikaw talaga ....naiiling na sabi ni Kenneth.
Uhhh....!nakakagulat ka naman kasi!
Ano bang masama sa sinabi ko?tanong ng kapatid sa kanya at napakamot pa ito sa ulo.
Ikaw na bata ka huwag mong problemahin ang lovelife ko ang isipin mo yang pag-aaral mo?!hay....hinubad niya ang suot na salamin.
May mga nanliligaw naman sa kanya pero wala pa sa plano niya ang pakikipagrelasyon.Meron din siyang mga naging boyfriend in the past pero hindi nagtagal.
Yong last niyang boyfriend na si Maverick ay hindi na siya nahintay at nagpakasal sa iba.Ayaw pa niyang magpakasal dahil priority pa niya ang pagtulog sa magulang niya.
Nasaktan din siya pero agad ding nakamove-on.
Pero kasi ate...thirty two ka na at hanggang ngayon wala ka pang boyfriend o asawa....gusto naman kitang makita na masaya....
Kenneth .....ang true love dumarating sa tamang panahon kahit hindi mo hilingin.
At Alam kong may tamang panahon para diyan.....
Nahihiya na kasi ako sa'yo ate.....
Halika ka nga....niyakap niya ang kapatid at hinaplos ang likod nito.
Huwag mong alalahanin si ate....masaya ako sa kung anong meron ako ngayon.Basta isipin mo ang makatapos ka...tandaan mo ilang buwan na lang at graduate ka na.
Pangako ate.....tutulongan kita sa mga gastusin pag may trabaho na ako......
Sige ate....tama na ang drama at kumain na tayo....mamaya lang darating na sina nanay at tatay sa bahay.
Buong maghapon ay naglibot sila sa bayan at namili na rin ng grocery para sa bahay nila.
Ohhh....!sandali....kinuha niya ang cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag.
Hello....?
Bruha ka kumusta ka na???!tili ng boses sa kabilang linya.
Marriane ikaw ba yan?!
Haler?may kaibigan ka bang kasingganda at kasing seksi ko?!
Ikaw nga!kelan ka pa dumating?!tanong niya rito.
Yesterday....kasama ko ang boyfriend ko....
After ng graduation ni Marriane noon ay nagpaalam itong sa States na maninirahan.
Sobra ang lungkot niya dahil hindi na niya ito nakita mula ng lumipat sila ng tirahan.
Mabuti at kabisado niya ang numero nito at nakikitawag siya noon sa tindahan dahil nga nawala niya ang cp niya.
Sa ilang taon ay nanatili silang may contact sa isa't-isa.
Hoy magkita tayo ha?marami akong gustong itanong sayo wika ni Marriane.
Sige pagbalik ko ng Maynila magkita tayo.
Teka nasaan ka ba...?tanong nito.
Dito sa probinsiya .....binigyan ako ng leave ng boss ko.....napakagat-labi siya ng maalalang hindi niya nasabi na si Marrione ang boss niya.Na ang lalaking pinapantasya niya dati noon ay walang iba kundi ang boss niya ngayon!
Sige magkita tayo....
Okay tatawagan kita miss you bruha....
Miss you too...
Napangiti siya ng maibaba ang cellphone niya.
Sino yon ate?tanong ni Kenneth.
Ang ate Marriane mo bumalik na ng bansa gusto niya akong makita.
Ay ok tara na ate...
Hoy hindi laptop yang lamesa mo....kanina pa yang daliri mo sa kakatipa sa lamesa....untag ni Darren.
Friday na ngayon di ba?wala sa sariling tanong niya.
Oo it's weekend and by Monday narito na si Kristine....may diin sa pagbanggit nito sa pangalan ng dalaga.
Ano bang sinasabi mo?tinanong ko lang araw....you know I'll need to attend the opening ceremony to congratulate all the graduating participants sponsored by the foundation.
Sinabi mo eh.....naiiling na wika ni Darren .
Ano ba kasing iniisip mo diyan?tanong niya rito.
Wala.....Sa buong gusali na to hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto sa'yo si Drew.....ang iba nga akala kayong dalawa na....
Mukhang nalilito na ang puso mo kaibigan wika ni Darren.
Magkaibigan lang kami ni Drew .....mahalaga siya sa'kin....mahal na mahal ko siya....Nong panahong nasa kadiliman ang isip ko siya yong nandiyan sa tabi ko....Si Kristine naman....wait a minute bakit ba nasali nanaman sa usapan si Kristine?!
Nasanay lang kasi akong nandiyan siya lagi sa tabi ko....Walang gumagawa ng ng mga schedules ko,wala akong tagatimpla ng masarap na kape!walang nag-aayos ng table ko pag makalat!she organised everything!that's all.
Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay ng makitang naroon nanaman ang itim na kotse sa ibaba.
Oo na....!ang dami mo ng sinabi!teka bakit ba lagi ka na lang nakatingin sa ibaba?tanong ni Darren.
Ahh wala....wag mo na lang akong pansinin.
Okay....Hindi ka ba lalabas ngayon?
Hindi..mauna ka ng umuwi....
Okay kita na lang tayo sa Monday paalam ni Darren at iniwan na siya.
He took his phone and dialled Drew's number.
O....?tanong nito.
Tapos na ba kayo?Tara labas tayo.....kain tayo sa labas ...
Hindi ako available ngayon....may lakad kami nina Lea....
Where?bakit hindi ata ako inform?tanong niya rito.
For girls only no boys allowed.....ayoko ring lumabasa mapilit lang ang mga babaeng to.
Hoy!huwag kang iinom!as if hindi ko naman alam ang ugali mong babae ka pag nakainom ka!
Oo na...!sige na babye na!
Ahhh ....!tignan mo tong babaeng to!
Makauwi na nga lang.....
Ang plano niyang pag-uwi ay naudlot.
Dinala siya sa kitchen ng kanyang restaurant.
Nagsuot siya ng apron at kumuha ng mga ingredients ng lulutuin niya.
He was craving for lasagna.
Ganito siya sa tuwing nakakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa.
Sa pagluluto niya ibinubuhos.
He prepared all the ingredients and started to cook.
Sa kabila ng ipinapakita niyang kakulitan sa harap ng marami ay nakatago ang kalungkutan at pag-iisa.
His parents called him sometimes.There's something missing in his life that he can't find.
He took a deep sigh and bring the lasagna into the oven.
He set the time and wait until it cooked.
Ng matapos ay kinuha niya ito mula sa loob.
It's smells good and the aroma was spread.
Kumuha siya ng plato at tinidor at nagsalin sa plato.
He took some champagne in the cooler and opened it.
He eat alone...this is you Marrione.....he smiled bitter while eating.