Warning: Explicit scenes ahead. Not suitable for readers under 18 years of age. “I already told you how to do this, Ariadne. Pangwalong beses mo na ‘to na uulitin. When will you even learn?” Napalunok siya nang makita ang pagkainis sa mga mata ng kanyang amo. Totoo naman kasi ang sinasabi nito. Ilang beses na siyang uulit sa pinapagawa nito at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin iyon naaayos. Report iyon na madalas nitong ipagawa kay Pierre ngunit ibinigay nito sa kanya ang tungkulin na iyon dahil abala na ang matanda sa ibang pinapagawa ng kanyang amo. “Uulitin ko na lang ulit...” nahihiyang tugon niya bago kinuha ang folder. “I’ll be back--” “Huwag mo nang ulitin. Ako na lang ang gagawa,” maawtoridad na utos nito bago nito tinapik ang lamesa nito. “Put it back here.” She hesitated

