Ariadne listened as the doors in the villa slammed shut, Damon’s footsteps slowly softening. Hanggang sa tuluyan na iyong mawala. Doon niya lamang hinayaan ang sarili niya na pakawalan ang iyak na kanina niya pa pinipigilang lumabas. Hindi madali na paniwalaan ang sinasabi ng lalaki ngunit mas hindi madali para sa kanya na magpanggap na... hindi niya na ito mahal. Mahal na mahal niya si Damon. Mahal na mahal na sa tuwing nakikita niya ang mukha nito, nararamdaman niya ang kanyang mga tuhod na unti-unting nanghihina. Sa tuwing nakikita niya ito na nasasaktan ay tila ba gusto na lamang niyang yakapin ito at hagkan nang paulit-ulit hanggang sa makalimutan nito ang sakit sa dibdib nito. Pero hindi niya magawa. Dahil alam ni Ariadne na kapag sinabi niya ang lahat, ang lahat-lahat, mas lalong g

