“Bakit titig na titig ka sa ‘kin, Damon?” Mahina siyang tumawa bago ito kinabig papalapit sa kanya. “Parang hindi tayo kinasal, a. Damon lang tawag mo sa ‘kin, wala man lang ka-sweet-an na kasama. Samantalang ako...” Iningusan siya ni Ariadne bago umunan sa dibdib niya. “Bakit, ano bang gusto mong tawag ko sa ‘yo, baby?” “Oo.” She softly laughed. “Hindi bagay sa ‘yo. Kalaki-laki mong damulag.” Pabiro niya itong kinunutan ng noo. “Gan’yan ba talaga kapag nagbubuntis? Masama ang tabas ng bibig?” Ngumiti lamang ang dalaga at ipinikit ang mga mata nito. Siguro ay pagod pa rin ito sa naganap na kasalan kanina. Nalaman niya rin mula kay Marcus na halos tatlong araw raw na hindi kumain ang dalaga dahil sa kanya. Just imagining what kind of hell she has been through makes his heart ache. Pe

