“Miss Cabaya, go in my office within a minute, pronto.” Umalingawngaw ang tinig ni Damon mula sa intercom ng floor na kinaroroonan ng opisina nito. Bahagyang napangisi si Ariadne. Kaagad siyang nagpaalam sa kausap at naglakad pabalik ng opisina ng lalaki. Wala pa kasing isang oras na lumabas siya mula sa opisina nito at ngayon ay hinahanap na naman siya nito. Hindi niya malaman kung ano ang ipapagawa sa kanya ni Damon ngunit tila may ideya na siya kung ano iyon. Sarado na ang mga Venetian blinds ng bintana ng opisina nito. Lalo siyang napalunok. Hindi niya talaga mabasa minsan ang lalaki. Ito na rin ang mismong nagsabi sa kanya na itago ang koneksyon niya sa lalaki habang nasa opisina dahil ayaw nito ng tsismis. Sa katunayan, hindi niya rin malaman kung ano na ang estado ng relasyon niya

