“Angel, look who’s here!” Napasinghap sa galak si Ariadne nang makita si Damon at Everett. Pinaghintay kasi siya ng mga ito sa isang restaurant malapit sa Lockhart Enterprises. Kasama niya si Pierre dahil walong buwan na rin ang pinagbubuntis niya at ayaw ng kanyang asawa na naiiwan siya nang walang kasama. She and Damon were granted the right by the law to adopt Everett. Ngayon ay nakatira pa ito sa isang foster home ngunit sa susunod na linggo ay titira na ito kasama nila sa villa kapag naproseso na ang mga papel nito. Hindi naman malikot na bata si Everett at sa katunayan ay mabilis nilang mag-asawa na nakapalagayan ito ng loob. Yumakap ito sa kanya at humalik sa kanyang pisngi bago inilapat ang maliit na kamay nito sa kanyang tiyan na may kalakihan na rin. Babae ang kanyang isisilan

