Diaper 4

4249 Words
"Maupo muna kayo diyaan Joyjoy. Maghihilamos muna ako at tatawagin ko lang ang lolo mo. Naunuod kasi iyon ng pelikula ni Fernado Poe sa itaas." "Upo la." "Youre lola si weird and this house looks haunted." Kinikilabutang saad nito habang nakakapit pa rin sa braso ko. "Tigil tigilan mo nga iyan. Walang multo dito kaya huwag kang duwag. Bitiwan mo na ko, pupuntahan ko lang si lola." "What? Youre gonna leave me here alone?" Inis na tanong nito sakin. "Alangan namang tawagin ko pa si Sadako para may kasama ka dito." Naiirita ko ding saad. Kalalaking tao, takot sa kay sadako! "Don't you dare say her name right here. I Swear, I will really kill you If you'll left me here alone." Napanguso naman ako dahil doon. Paano ko na makakausap ng masinsinan si lola nito kapag hindi siya umaalis sa tabi ko? Paano ko na masusulosyunan ang problema ko sa kanya kapag kakapit siya sakin buong oras dito? "Anong ulam natin mamaya?" Tanong ko bigla kasi hindi ko din alam eh. Ang hirap naman ng may buhay asawa. Mayaman na sana siya eh kaso wala man lang katulong kaya ako pa ang magluluto para sa senyoritong ito. Nakakagigil! "You decide." Tipid na sabi nito at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Napakafeeling close naman ng hinayupak na to eh. "Sigurado ka?" Nakangisi kong tanong kasi may naiisip ako eh. "Yeah." "Walang bawian huh!" Napangisi pa ako na parang asong ulol. "Just spill it." "Gusto ko ng friedchicken, liempo, at saka adobong baboy at manok." "Okay, we'll buy that later." "Teka, nakalimutan kong sabihin ang Jumbo hotdog with cheese hehe." Paborito ko kasi iyon eh. "I have that already. You can eat my hotdog anytime that you want to." Serysosong sabi nito habang nakahilig pa rin ang ulo sa balikat ko. Oh My Kulangot!! Mga mare narinig niyo ba iyon? Hotdog niya daw kakainin ko?! "Manyakis ka talaga!!" Naiilang na reklamo ko. Bigla naman itong umupo ng tuwid at tumingin sakin kaya saglit na nagtama ang mga mata namin. Ito na naman ang mga matang to eh. Ang lalim! Hoo!! Help me mare, salbabida please! Parang malulunod ako kahit na wala namang tubig! "Why is that? Is there anything wrong about eating my hotdog? Were married and you can do it any time. From now on, what's yours is mine and what mine is yours. Simple as that." Tinitigna pa ako nito na tila'y binabasa kung anong nasa isip ko. Tinampal ko naman ang balikat niya dahil sa inis. "So kung kakainin ko ang hotdog mo ibig sabihin—'natigilan ako saglit at nag iwas ng tingin' KAKAININ MO DIN ANG TINAPAY KO?!" Napahawak pa ako sa puso ko na tila'y muntik ng atakihin kahit na wala namang umaatake. "Yes? I can eat your bread anytime too." Napasinghap pa ako at napatingin ulit sa kanya. "Hindi ako papayag na kainin mo ang tinapay ko Brixcen!! Kasal lang tayo sa papel at hindi sa simbahan kaya hindi puwede!! Tsaka ayoko sa hotdog mo! Kahit na jumbo pa iyan never kong titikman iyan!" "Fine, I can eat bread without you. No big deal." Mahinahon nitong sabi kaya mas lalo akong nainis. "So titikman mo ang ibang tinapay ng mga babae kahit na kasal ka na? Ganoon ba?" "I can't understand you. I can't even read your thoughts. 'Kumunot pa ang nuo nito' What are you talking about? Bakit ako titikim ng ibang tinapay ng mga babae? I have money, I can buy in the bakeshop anytime that I want to." Ako na naman ang naguluhan sa sinabi nito sakin. "Teka nga lang. Nasaan ba ang hotdog mo na gusto mong ipakain sakin?"Tanong ko na parang detective sa kanya. "It's in the ref. Nasa bahay natin." Nakatitig pa rin ito sakin at nakamatyag sa mga kilos ko na tila'y sinusubukang basahin ang isip ko kahit na hindi naman ito libro. "Ahhh hehehheh. Ganoon ba? Hindi mo naman kasi sinabi eh. Akala ko kasi ang hotdog na--." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil napatingin ako sa ano niya. Napatingin din siya doon at napangisi. "Now I know what youre thinking. Youre a p*****t silly brat." Nakakalokong sabi nito sakin. Tumingin naman ito sa tinapay ko at ngumisi. "Don't worry. I will eat your bread soon." Sabi nito kaya nag iwas ako ng tingin. Sakto naman ang pagdating nina lolo at lola. May baston pa si lolo habang nakangiting naglalakad papunta samin kasama si lola na wala nang tapal na kulay itim ang mukha. "Apo namimis na kita." Bungad sakin ni lolo pagkadating niya sa harap namin kaya binitawan na ako ni Brixcen. Agad ko namang niyakap si lolo kaya naamoy ko na namang ang maasim niya kilikili. Napaisip tuloy ako na parang genius. Bakit kaya mas lalong umasim ito kay kaysa sa nakaraan. "Anong pangalan mo toy?" Tanong ni lola kaya tumayo naman si Brixcen at agad na nagmano kay lola. "Brixcen Montereal po." "Ikaw ba ang boyfriend ng apo ko?" Tanong ni lola sa pagmumukha ni Brix kaya napansin kong bigla itong namutla at tila'y nasusuka dahil sa baho ng hininga ni lola. Parang amoy patay na daga kasi eh. "I-I'm her husband." Pigil hiningang sambit nito na tila'y nahihirapan na huminga. "Talaga?! Kailan pa? Maya asawa na ang apo ko? Paano na ang pag aaral niya? Buntis ba siya? Nako Brix huwag mo namang buntisin kaagad huh. Pa graduaten mo muna siya ng college." Sunod sunod na sabi ni lola sa pagmumukha nito kaya alam kong na totorture na ito sa baho ng hininga ng lola ko. Lumapit naman si lolo sa kanya ta ngumisi at nakita kong mukhang napaatras pa ito ng kaunti ng makita niya ang ngipin ni lolo na may lumot na. Tinapik naman ni lolo ang balikat niya at nakita ko na mas lalo pa siyang namutla dahil naghalo na ang amoy nila. Parang combo powers na nina lolo at lola iyan eh. Naku, kawawa naman siya. "HAHAHAHHA, namumutla ka hijo ahh. Hindi naman kami galit sayo eh. Tsaka guwapo kang binata at bagay kayo ng maganda kong apo. Pero teka, natatae ka ba? May CR naman doon ooh." Tumawa pa si lola kaya mas lalong maamoy mo talaga ang hininga niya. Bigla namang nahimatay si Brixcen at mabuti na lang ay sa bangko siya napahiga. Nagpanic na ako lalo pa ng nagsalita si lola at inilapit ang mukha niya sa mukha ni Brixcen. Baka hindi lang siya himatayin sa baho. Baka mamatay pa mare. Ayoko pa namang ma byuda kaagad no. Gutso ko muna ng annulment paper bago siya mamatay. Tsaka paano na si Brenda kapag nagkataon nga. "La, ako na pong bahala sa kanya. Pagod po kasi siya sa biyahe eh." Umupo naman si lola at lolo sa kabilang bangko at ako namay nilagyan ng maliit na unan ang uluhan ng lalaking kulangot. Napatingin naman ako kay na lolo at lola at pareho silang nakatingin sakin. "Bakit hindi mo kami ininvite sa kasal mo Joyjoy? Nakakatampo ka naman eh." Malungkot na sabi ni lola sakin. "Pasensiya na la. Ayoko namang mapagod kayo sa biyahe kaya hindi ko na kayo inabala pa at tsaka biglaan kasi eh." "Pero okay lang Joyjoy kasi mukhang mabait at guwapo naman ang napangasawa mo. Magalang din siya at sa tingin ko'y mapapabuti ka naman sa kanya." "Huwag mong kalimutang ipagpatuloy pa rin ang pag aaral mo apo. Last year mo na ngayon kaya sana huwag muna kayong gumawa ng milagro hangga't maari." Dagdag pa ni lolo na tila'y nag aalala sakin. Kaya ko sila mahal ng sobra eh kasi nga sobrang mahal din nila ako at palagi silang concern sa kinabukasan at sa buhay ko. Kahit na gaano pa sila ka baho o kahit na mawala na ang mga ngipin nila ay mahal na mahal ko pa rin sila at hindi mababago iyon. Kahit na minsan ay nahihilo na ako sa amoy eh tinitiis ko. Ganoon ko sila ka mahal eh. "Huwag kayong mag alala la, lo. Ga graduate po ako at hindi ako mabubuntis." Napangiti naman sila sa akin at kay sarap lang pagmasdan na kahit nakikita ko ang naninilaw at nilulumutan at may mga cavities nilang ngipin ay masaya na ako. "Nag Bratatat na ba kayo Joyjoy?" Tanong ni lola at may pumormang pilyong ngiti sa labi niya. "Anong bratatat lola?" "Ginagawa iyan ng mga mag asawa. Nag babarilan Joyjoy. Kagaya samin ng lolo mo noon. Kaya nga nabuo ang nanay mo eh." Nakuha ko naman ang sinabi ni lola. Ganoon pala ang bratatat. "Hindi la no. Virgin pa rin itong apo niyo." Confident kong sabi ngunit hindi ko na sinabi pa ang from head to toe kasi wala na ang first kiss ko eh. Nawala na iyon dahil sa lalaking to na natutulong ng mahimbing. Nakaupo lang ako sa paanan niya kaya medyo nahihirapan ako kasi nakadantay ang paa niya sakin. Masyadong mabigat kaya lumipat ako banda sa ulo niya at kinuha ang unan. Swerte niya nga eh. Papaupuin ko pa siya sa legs ko. "Nga pala la. May problema po ako. Sana po matulungan niyo ako." Iyon naman kasi ang ipinunta ko dito eh at nagpapasalamat ako kasi nga nahimatay siya kaya makakausap ko si lola ng hindi niya naririnig kasi alam kong wala naman siyang balak na bitiwan ako kanina eh. "Mukhang malaking problema iyan apo huh? Ano ba iyan? Nambababae ba itong asawa mo?" Nagsasalubong pa ang kilay ni lola habang nagtatanong. "Hindi pa siya tuli? Maliit ang putotoy niya? Ano apo? Sabihin mo na, nag aalala na kami ng lola mo sa iyo." Bumibilog naman ang mata ni lolo habang nagtatanong kaya nag mukha tulo'y siyang kuwago na nasa bingit ng kamatayan. Sa katunayan nga'y puwede ng isali si lolo sa mga horror movies. Hindi na kailangan pa ng make up. Napakamot naman ako sa batok ko kahit na wala namang buni doon dahil sa mga katanungan nina lolo at lola. Umiling naman ako kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin. "La, lo, makinig kayo sakin." Sabay naman silang tumango na parang mga uto uto. Pero parang lang naman eh. Ano ba mare, mahal ko sila no! "Ganito kasi iyon, ang kaibigan ko ay uhmm..'napatingin pa ako sa kisame at nakakita ako doon ng butiki. Alam niyo naman kasi kapag nag iisip ako eh sa kisame ako tumitingin'.. Ang kaibigan ko ay kinuha ng isang kulto sa kanilang bahay tapos hinipnotismo nito ang mga magulang niya. Pinakasalan siya ng kulto at dahil birhen siya ay kukuhanin nito ang dugo niya para eh alay sa isang ritual. Anong gagawin ng kaibigan ko?" "Naku, kawawa naman ang kaibigan mo. Pero hayaan mo na, problema niya iyan. Huwag ka ng makisali pa Joyjoy baka madamay ka." "Lola naman eh, hindi puwede iyon. Paano kung mamatay ang kaibigan ko?" Bumuntong hininga naman si lola kaya nalanghap ko ang mabahong amoy ng bunganga niya. "May kahinaan ang mga kulto ayon sa mga kuwento sakin ng lolo ko noon." Sabi ni lolo sakin kaya nabuhayan ang loob ko kahit hindi naman ito patay. "Ano po iyon lolo?" "Ang mga kulto ay grupo ng mga taong sumasamba sa mga demonyo. May kanya kanya silang mga ritual na ginagawa kada bilog ang buwan. Nag aalay sila ng mga bagay na naayon sa kagustuhan ng pinuno nila. Mahirap kalabanin ang mga kulto dahil kapag nasaktan mo ang isa nilang kalahi ay kakalabanin ka nilang lahat apo. Pero para maiwasan at lumayo sila sa iyo ay kailangan mong silang pakainin ng--." "Nang ano lolo?" "Kulangot Joyjoy. Kailangan mo silang pakainin ng tatlong kulangot. Isang kulangot sa lunes, Miyerkules at sa biyernes. Kapag nagawa mo iyon ay lalayuan ka na nila dahil kung hindi ay magkakaroon ka ng kakayahang ma kontrol sila. Dahil ang kulangot ng tao ay makapangyarihan joyjoy at naayon iyon sa pagpapakain mo sa kanya." Napangisi naman ako dahil sa narinig kong makokontrol ko sila. So ibig sabihin ay makokontrol ko si Brixcen. Ang kailangan ko lang gawin sa lalaking kulangot na ito ay pakainin ng kulangot. Ang kailangan ko lang gawin ay alamin kung anong paborito niyang kainin ng malagyan ko ng kulangot. Bwahahhaha!!! Pero kailangan ko munang sipunin para magkaroon ako niyon. "Lo, gaano karaming kulangot ba?" "Kahit kunti basta't mapakain mo lang sa kanya apo." "Mag iingat ka apo dahil kapag nalaman ng kulto iyan ay papatayin ka niya." Seryosong sabi naman ng lola ko sa akin. "Sige po lo, sasabihin ko sa kaibigan ko iyan. Salamat po!" "Naku, walang ano man Joyjoy. Basta ikaw, malakas ka samin. Lagi mong tandaan na kapag kailangan mo ng karamay eh nandito lang kami ng lolo mo." "Upo la." "Napatingin naman ako kay Brixcen ng gumalaw siya at bumangon. Nag inat inat pa ito at ng makita niya sina lolo at lola ay napalunok siya at ngumiti kahit na medyo namumutla siya. "Gising ka na pala hijo." Sambit ni lola at ngumiti kaya napatingin si Brixcen sa ngipin nito. "Uhmmm..La, lo, kailangan na po naming umalis. Gabi na kasi eh. Dadalaw na lang ulit kami dito." "Oh siya sige, mag iingat kayo ahh." "Upo." _____ Naglalakad na kami ngayon palabas sa bahay nina lola. Nga pala mare, ang pangalan ng lola ko ay, Bosya at Ambrosyo naman si lolo. Sila ang sikat na Ambosya couple ng high school pa lang sila. Kikuwentuhan ko kayo ng kuwento ni lola at lolo kapag may time na ako mga mare. Oo, dumadami na ang mga imaginary friend ko. Kayo na lang ang mag adjust mga mare. Sa susunod ko na lang eh kukuwento, kailangan na kasi naming umuwi baka mahimatay ulit itong si Brixcen. "La malamig na po sa labas. Pumasok na kayo sa loob ni lolo." Nag paalam na din si Brixcen sa kanila at nasa labas na kami ngayon ng gate. Na isara na din ni lola ito. Tumango naman sila sa sinabi ko at pumasok na sa bahay nila. Napatingin naman ako sa tela na naiwan sa itaas ng gate. Kukunin ko ito kasi balak ko pang sulsihin ang shorts ko. Syempre ganyan talaga kapag laking hirap. Natututong maging creative no! Mahal kaya ang mga shorts. "Mauna ka na sa loob Brixcen. Kukuhanin ko lang ang tela na naiwan sa itaas ng gate. Tsaka matanong ko lang, may sewing kit ka ba sa bahay mo? Balak ko kasing magtahi bukas." "You will climb again? You naughty brat!" Inis na sabi nito at hinawakan ang palapulsuhan ko. "Bitiwan mo nga ako! Ang baba lang niyan ahh, sandali lang ako." Hinila ko na ang kamay ko sa kanya pero hinila niya naman ito ulit kaya napasubsob ako sa dibdib niya. "We will go now." Tipid na sabi nito. Agad naman akong napatingala sa kanya at tinignan siya ng masama. "Sabing bitiwan mo ako eh!! Kukuhanin ko pa kasi iyon. Naiintindihan mo ba?" Nakakairita ang lalaking to. Eh untog ko siya sa boobs ko eh! "Hoyy bitiwan mo ako!!" Bigla na naman ako nitong binuhat at binuksan ang kotse. My Gosh mare! Tinapon niya ako na parang basura sa loob at isinara ang kotse. Nauntog pa nga ako eh. Bwesit na lalaking to! Wala man lang sa vocabulary niya ang "I'll Be Gente". Humanda talaga siya sakin dahil papakainin ko siya ng kulangot ko at gagawing alipin!! "Hindi mo ba alam na nauntog ako dahil sa ginawa mo! Gusto mo eh untog din kita sa boobs ko?!"Errrr..Nakakairita! Nandiyan ba si ma'am? May P.E ba ngayon? Zumba na naman? CHHAAROOTTTT!! Mare naman eh, huwag kang judgmental! Nasa matinong pag iisip pa ako no. Ganyan talaga kasi mag joke ang genius no. "Shut up!" Napipikon na sambit nito sakin. Isa pa talaga at inuutog ko na siya sa boobs ko! May alambre pa namang kasama itong bra ko kaya panigurado patay kaagad to. Dead on arrival to sa hospital, putahan tayo!! JOKJOK! Galing ko mag joke no, akala mo totoo mare? Nag iisa lang akong genius na joker sa balat ng lupa no! Walang ka ng makikita na kagaya ko! Habang nasa biyahe ay tahimik lamang kami. Syempre walang nagsasalita eh. Napatingin naman ako sa labas ng bintana at nakita ko ang mga street lights at mga lights na galing sa mga sasakyan. Nakakarelax talaga tuwing gabi. Gusto ko talagang bumayahe ng gabi. Wala lang, I'm a night person eh. Pero hoy mare! Hindi ako aswang ah. Baka kasi isipin mong ano eh. Nakakarelax lang kasi nilakasan niya pa lalo ang aircon sa loob. Naiinitan din kasi ako eh. Hot ko no?! Ano ba iyan, napakaboring talaga. Kumanta na lang kaya ako? Tama, maganda naman ang boses ko no kaya okay lang iyan. Bahala siya, nabobored ako eh! "There are times, that I just want to cook at you eyes. In the cold stars. I just can't forget that I am mine yours!! You were just a cream that I once know! Never fought I would be light to you!! Hmm..hmmm..Forevermoree ohhhh!! Yeaahh!" "Youre lyrics are damn irritating." Saway nito sakin habang nakangiti. Uyyyy, napangiti ang kuyaaa niyo ohh!! Baka in love na sakin to heha!! Charoott! "Ayieee..Ngumingiti siya!" Pang aasar ko at sinundot sundot ang abs niya. Ganya ako mang asar mare, abs ang sinusundot ko hindi gilid. "Stop." Masungit na sabi nito at nakasimangot na. Naku naku! Napaka moody nito!! "Sungit mo!" Inirapan ko na lang siya at napahikab na ako. Hindi ko namalayang naka tulog ako. Pero naiikukuwento ko pa diba? Tulog nga ako pero nasasabi ko pang hindi ko namalayan. Diva mare! Genius ako no! Heha! Hindi mo naintindhan? Balakajan! Charoot!! ____ Pagkagising ko ay minulat ko ang aking mga mata. Syempre ano pa ang imumulat ko diba? Bumangon din ako sa kama, alangan namang gumulong ako papuntang sahig mare. Ikaw talaga! Pagbangon ko ay nag stretching muna ako. Ano ba iyan, lahat ba talaga sasabihin ko sayo mare? Tsk, Oo na Oo na. Ito na ako naglalakad na palabas ng kuwarto. Alangang gumapang ako eh hindi naman ako ahas no! Nagpalinga linga pa ako sa paligid na parang sira ulo kahit na kami lang naman ang tao dito. Malay ko ba! Baka kasi nagbago ang isip niya at kumuha na ng katulong. Nang wala akong makitag tao sa taas ay bumababa na ako. Syempre naglakad ako ulit no. Nang makarating ako sa baba ay tumungo ako sa sala ngunit wala doon si Brixcen. Nasaan kaya iyon? Hindi ko siya namimiss ah. Baka umasa kayong na in love na ako kaagad. Nagugutom na ako eh! Tsaka bumili kaya siya ng mga ulam na sinabi ko kanina o inuto niya lang ako. Dali dali naman akong pumunta sa kusina at tinungo ang ref namin dito. Oo no! Namin, sabi niya kasi what's his is mine and ah basta iyong kahapon. Hinalughog ko naman ang buong ref! Wow! Pulis lang ang peg mare! Okay! Halughugin ang buong ref! Hanapin ang criminal! Chos! Napangisi naman ako ng medyo cute dahil nga cute ako at tsaka nakita ko doon ang lahat lahat ng pinabili ko sa kanya. May luto na ding hotdg na jumbo doon kaya kumuha ako ng isa at agad na isinubo. Hindi ko muna nginuya. Inipit ko muna sa kissable lips ko at isinara ang ref. Paglingon ko'y nakita ko si Brixcen na naka topless at basa. May tuwalya pa sa balikat niya na naka patong. Natulala naman ako sa abs niya mare. Parang kumikintab kasi at kumikislap na parang bituin sa langit. "Why are putting my hotdog in your mouth? I thought that you won't like it?" Nakakunot pa ang nuo niya habang nagtatanong sakin. Plantsahin ko kaya ng hindi na kumunot. Hindi ko pinansin ang sinabiniya at tumingin naman ako sa hotdog niya mismo. Ang hotdog niya na nakakabit sa katawan niya ahh. "Your drolling." Agad ko namang napagtanto na nakaipit pa rin pala ang hotdog sa bibig ko at hindi ko pa nginuya. Pinunasan ko naman ang laway ko. Nahipnotismo niya yata ako! Nakakainis! "San ka galing? Bakit basa ka? Tsaka magdamit ka nga!" Oh my kulangot mare!! Nagbablush ang cute kong face! Pakyu talaga tong si Brixcen! Pakyu men! Pereng terentede te. Nagblush tuloy ako ahihi! Gag* hindi ako malandi ahh! "It's none of your business." Tumalikod na ito kaya napatitig ako sa puwet niya. "Wowooottt!!"Sumipol pa ako na animo'y isang chixx ang nakita ko. Hindi niya naman pinansin kaya binuksan ko na ang TV sa salas. Pero hindi ko naman pinasok. Binuksan ko lang. Manunuod muna ako ng movies habang naghihintay kay senyorito kulangot. Hayyyysss!! Buhay may asawa talaga oh! Ang hirap! Pinag ikis ko pa ang mga braso sa aking dibdib dahil nga nag fefeeling pensiyonada ako ngayon kahit wala naman akong pensiyon. Hayop na iyan! "Arcellia!! Sandali lang, nakipagbreak na ako sa kanya! Ikaw ang mahal ko!" Sabi ng lalaking maraming itim na bigote sa TV. Hinahabol niya ang babaeng umiiyak. "Bakit Rardo? Lolokohin mo ako ulit?" Niyakap naman ng lalaki ang babae kaya mas lalo pa itong umiyak. "Maryusep naman oh! Niloko ka na niya girl! Bigote niya pa lang hindi na maasahan!" Inis na sigaw ko at binato ng unan ang TV. Ganito ako manuod mare, kapag naiinis ako pinupokpok ko ang TV namin ng bangko o di kaya't kawali! JOWWKK! Ito naman di mabiro. Eh mas mahal pa nga yata ng nanay yang TV namin kaysa sakin eh! Alaga niya iyon eh. Lagi niya kasing sinusubaybayan ang eat bulaga. Crush niya kasi si Vic Sotto eh! Tapos si tatay naman crush niya si Pauleen. Nakalimutan ko ang apelyido. Basta iyon! Akala ko nga kapag matanda na ay hindi na nagkakacrush. Hayyyss, ewan ko ba sa mga gurang na iyon! Napatingin ako ulit sa TV. Syempre, alangan naman sa chandelier dito. "I love you too Rardo." Jusmiyo por santo naman oh! Nakipagchikahan lang ako sa mga mare ko tapos pinatawad niya na! Tengene nemen oh! Ang rupok ng babaeng to! Kairita! Charot lang mare! Napatayo naman ako at kinuha ang unan at niyakap. Nakita ko namang dinala ni Rardo sa isang kubo si Arcellia. Asus! Alam ko na iyang mga galawan ni Rardo! May balak iyan eh! Bigote pa lang niya sumisigaw na ng pagiging babaero niya. So iyon, heto sila. Nagkikiss! Kairita naman. Ang cheap huh, sa kubo pa talaga gagawa ng kababalaghan. Sana kahit sa motel na lang para sosyal ng kaunti! Napatakit naman ako ng unan sa mukha ko ngunit hindi ko tinakpan ang mata ko no! Gusto kong makita ang kababalaghan nila mare eh! Bakit ba? Napasinghap naman ako ng umungol si Arcellia! Oh my gosh mare! "Ayan na! Ayan na! Arcellia huwag mong isuko ang bataan!" Sigaw ko ng umungol ulit si Arcellia. Bigla namang namatay ang TV. Oh my gosh! Napatayo ako sa inis ng makita ko ang nakasimangot na mukha ni Senyorito Kulangot! Nakakainis huh! Napakapakialamero! "Bakit mo pinatay?" Inis na tanong ko dito. "I'm hungry." Tipid na sabi nito at naglakad na papuntang living room kaya padabog akong naglakad at sumunod sa kanya. Hindi ko tuloy nakita kung anong ginawa nina Rardo at Arcellia. Natuloy kaya iyon? ____ "Pahinging hotdog mo." Akmang kukuha na ako ng hotdog niya ng pinitik niya ang kamay ko. "Ang damot mo naman!" Inis na sambit ko at sumimangot habang ngumunguya ng kanin at fried chicken. "You shout at me lately. You said that you won't eat my hotdog. Then why are you trying to steal it away from me?" Kumuha naman ito ng hotdog at kumain. "Si Sadako!" Sigaw ko kaya dali dali siyang napalingon doon at kaagad na kumuha ako ng tatlong hotdog para I love you mare. Itinago ko ito sa ilalim ng pinggan ko na may lamang maraming kanin. Nang mapagtanto niyang niloloko ko lang siya ay tinignan niya ako ng masama pero nag peace sign lang ko. "You fool me." Sabi nito at napatingin sa pinggan ko na tambak na ng mga ulam at pagkain. Umiling pa ito at ngumiti. Ayon na naman siya mare! Ngumiti siya pero hindi ko siya crush no! No way! Nang matapos na kaming kumain ay kaagad niya akong iniwan sa mesa. "Hoy senyorito! Ako na lang palagi ang naghuhugas ng plato ah! Tulungan mo naman ako! Ang unfair mo at ginawa mo pa akong alipin dito!" Sigaw ko pero hindi niya ito pinansin at umakyat na sa taas. Padabog ko namang niligpit ang pinagkainan namin at hinugasan ang lecheng mga pinggan! Nakakairita! Basagin ko kaya ang mga plato sa ulo niya para happy. Ay hindi, sa abs niya na lang total matigas naman iyon! Nang makatapos na akong maghugas ay umakyat na din ako sa taas at pumasok sa kuwarto ko. Pagpasok ko ay kaagad ko sinara ang pinto. "Guwapo kana sana Brixcen Montereal!! May abs ka na at mabango pa ang hininga mo!! Pero napaka--." Napatigil naman ako sa aking mga sinasabi ng makita ko siyang natagilid sa kama at nakatingin sakin habang nakangisi. Agad naman akong nagblush mare. Takte naman eh, syempre baka mag feeling na siya! "Anong ginagawa mo dito?"Inis na tanong ko sa kanya. "Let's have our honeymoon here in your room." Nakangising sabi nito at naglakad papunta sakin kaya napatakbo ako papunta sa CR at ni lock iyon. Narinig ko naman ang pagtawa niya na parang sira ulo sa labas kaya binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng bigla siyang pumasok doon at ni lock ito. Humakbang naman siya papalapit sakin kaya napaatras ako hanggang sa na corner niya ako sa pader. Nanlaki naman ang mga mata ko ng slight lang. "A-Anong gagawin mo?" "I will make love with you tonight love." : )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD