Diaper 11

3900 Words
"Sandali! Anong ginagawa mo?" Naiinis kong tanong kay Senyorito Kulangot dahil akmang ibababa sana nito ang garter ng shorts ko. "Isn't it obvious? I'm taking off your shorts and underwear." Masungit nitong sagot sa 'kin. "Huwag! Akala mo ba papayag akong mag bratatat tayo matapos ng lahat lahat?" Saad ko habang nililingon siya mula sa likuran ko habang nakaupo sa kama. "Can you please be quite? Even for just a minute?" Nagkakasalubong ang kilay na tanong nito sa 'kin. "Ayoko nga! Sinigaw sigawan mo pa ako kanina tapos si--- AHHHHH!! Itigil mo iyan! Harassment iyan!" Hiyaw ko habang pilit na hinihila pabalik ang shorts at underwear ko na hinuhubad niya sa'kin. "Do you want your ass to be more swollen?" Sambit nito at pinitik ng kaunti ang parte ng puwet ko na tumama sa sementong nakabukol. "Aray! Ano ba!" Reklamo ko at nabitawan ang short ko kaya tuluyan niya na itong naibaba hanggang tuhod ko. Napaiktad naman ako ng kaunti ng may inilapat itong malamig na bagay. "Ano iyan?" Nagtatakang tanong ko. "Ice cube." Tipid na sagot nito. Tumahimik na lang ako dahil mukhang guminhawa ng kaunti ang pakiramdam ko dahil doon. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ulit. _______ Pagising ko'y suot ko na ang shorts at underwear ko. Medyo masakit pa iyong puwet ko pero kaunti na lang. Bumangon naman ako at kaagad na bumaba. Nakita ko naman si Senyorito sa salas habang nanunuod ng Fast and Furious sa Netflix. Napanuod ko na 'to dati pa eh. Sa bahay pa nga iyon nina Sukiro. Umupo naman ako sa tabi niya. Hindi naman ako nito pinapansin kaya saglit akong napatitig sa kanya. Bakit ba kasi ang sungit ng lalaking 'to? Parang masaya pa kami ng nakaraan eh. Matapos kong maisuko ang bataan eh bumait na siya pero ng makilala nito si Kaizer sa Mall ay bigla na lang siyang naging masungit ulit. Don't tell me, nagseselos ito dahil may gusto din siya kay Kaizer at Bakla siya. Kaagad naman akong napatakip ng palad ko sa bibig dahil sa naisip. Baka nga bakla pala talaga siya 'tsaka mag besty lang sila nung Cheska na iyon. Hindi naman siguro, o baka in love na siya sa 'kin? Siyempre naman, sa ganda ko bang pang diyosa, hindi siya maakit? Napahagikhik naman ako ng kaunti dahil sa naisip. "What are you staring at? Do you want to say something?" Saad nito at biglang tumingin sa 'kin. Napaatras naman ako ng kaunti ng mapansin kong may dugo ang plain white shirt nito. 'Bang! Bang! Bang!' Bigla namang nabasag ang mga painting na kaharap ng telebisyon. Kaagad naman akong nataranta at dumapa sa sahig. Pansin ko ding tumatagak na ang dugo mula sa tiyan ni Senyorito dahil may tama siya ng baril. Kaagad ko naman siyang inalalayang makaalis sa sofa at kaagad na dinala upang magtago sa likod ng cabinet. "Run for your life, brat." Saad nito at pinagtulakan ako papalayo subalit ayaw ko siyang iwan dito. Nagsimula ng lumuha ang mga mata ko sabay iling. "Hindi, hindi kita iiwan dito. Sasama ka sa 'kin." Pilit ko siyang kinukumbinsi pero hindi siya sumasang ayon. 'Bang! Bang! Bang!' Sunod sunod na mga putok ang narinig ko kaya napapikit ako sa takot. Hindi ko alam kung nasaan at sino ang kalaban kaya wala akong magawa. Hindi ko din maaring iwan dito si Senyorito Kulangot dahil baka kung anong mangyari sa kanya. Hindi pa kami annulled kaya asawa ko pa rin siya at hindi puwedeng ma byuda ako ng maaga. "Leave me here, please." Nagmamakaawang saad nito. Napatingin naman ako sa tiyan niya at patuloy lang din sa pagdugo iyong sugat niya. "If I'm gone, please take good care of Brenda." Hindi ko naman napigilang mapahagulhul ng iyak dahil a mga sinasabi nito sa 'kin. Bigla ko namang hinanap ang pinanggalingan ng putok at nagulat ako ng galing ito sa kilikili ko. Putok! Bad odor! Bang! Bang! Bang! Joke! Kaagad namang naagaw ng pansin ka ang telebisyon. Nasa action scene ito ngayong kung saan tinutugis ang mga bida ng kalaban. Doon mismo nanggagaling ang putok. Lumalabas sa telebisyon ang bala. 'Careless whisper song playing' Napasinghap ako sa gulat ng biglang tumugtog ang carles whisper at lalong lalo na ng tumayo si Senyorito na naka lip bite at nag sexy dance sa harap ko kahit na puno nan g dugo ang shirt niya. Naapatras naman ako dahil hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Napasigaw na lang ako sa pagkalito at takot. "WAAAAAAAAHHHHHHH!!!!" Napabalikwas naman ako ng bangon. Panaginip lang pala ang lahat. Pinapawisan ang nuo ko dahil doon. Nyeta! Muntik na akong ma heat stroke dahil sa sobang init sa loob ng kuwarto ko. Naka off pala ang aircon. Nakakainis! Dali dali kong in-onn kaya at pagkamaya maya'y nakaginhawa naman ako ng maayos. Maryusep naman oh! Anong klaseng panaginip iyon? "You're awake. Let's have dinner, then." "Ay pitoy mo!" Hiyaw ko sa gulat dahil hindi ko napansin ang preseniya nito. Kaagad naman itong lumapit sa kama at kaagad na binuhat ako in a bridal way. "Teka, kaya kong maglakad." Reklamo ko at kaagad naman ako nitong binaba. Sa unang hakbang ko'y medyo sumakit iyong puwet ko. Nagulat na naman ako ulit ng binuhat niya ulit ako kaya hindi na din ako nagreklamo. Nang makarating kami sa kusina ay pansin kong nakahanda na ang lahat. Maraming pagkain ang nakahain at may naghihintay na babae doon. Babaeng maputi, mayroong kulay mais na buhok na bumagay naman sa kanya. Medyo singkit ang mata nito, shoulder length ang buhok at may bangs pa. Nagmukha siyang koreana lalong lalo na ang balat nitong makinis. Nang makita niya kami ay ngumiti siya ng malapad. Kasing lapad ng Earth. Nang makaupo ako kay tumabi naman sa 'kin si Senyorito. "Brat, this is my cousin, Cas--." Hindi na natuloy ni Senyorito ang sasabihin ng biglang sumabat ang pinsan niya daw. "Cassandra Montereal." Nakangiting saad nito. Mukha din siyang mabait kaya gusto ko siyang eh lips to lips. Siyempre joke lang. "Joy Jimenez." Pagpapakilala ko at ngumiti din hanggang tenga. "I like your name." Nakangiting saad nito kaya ngumiti din ako. I wonder how, I wonder why, Yesterday you told me about the blue blue sky—charot! I wonder why she smiles every second? Hindi kaya nangangawit ang panga niya? "Ah hehe, pangalan ko lang pala ang gusto mo. Hindi ako hehe." Bigla naman siyang humalakhak sa tuwa dahil sa sinabi ko. Mukha ba akong nakakatawa? Baka sira ulo din ang babaeng ito at nasa lahi iyon ng mga Montereal. "You're one of a kind. A simple, pretty and funny woman." "Let's eat, stop complimenting her, Cass." Anito sa pinsan niya. Pero pretty daw ako, kind pero funny? What the Pak? Ako funny?Hayys, kung hindi lang talaga siya mabait sa 'kin, inaway ko na 'to. Mahilig din kasi ako mang away, nasa na akin na kasi ang lahat. In short, nasa iyo na ang lahat, minamahal kitang tapat. Pero kahit nasa iyo na ang lahat, mare, bakit ka iniwan ng ex mo? Joke! No hurt feelings, alam mo na, hindi lang ako joker, heart breaker din ako. "So how's Brixcen as a husband?" Tanong nito sa 'kin at ngumiti ulit. "Uhm, para siyang may mood swings lagi. Kapag naging babae nga siya, baka mapagkamalan siyang nag m-menopause eh. Tapos alam mo ba—" Bigla naman nitong binagsak ang kutsara sa plato na tila'y naiinis at hindi niya matanggal ang kapangitan ng ugali niya. Hayys. "Can you please stop saying those nonsense?"Iritang saway sa 'kin nito. Humagalpak naman kakatawa si Cassandra kaya tumawa na din ako. Bigla namang tumayo si Senyorito sa inis at iniwan kaming kumakain doon. Hindi pa rin natigil ang tawa ni Cassandra pero sumakit na iyong panga ko kaya tumigil na muna ako kakangiti. Ibang klase din itong si Cass eh, baka relatives niya yata si Alice Bungisngis, hindi mo kilala iyon mare no? Google mo na lang, problema mo na iyan. Nagpatuloy lang kami sa pagkain ni Cassandra habang panay pa rin ang kuwento at ngiti niya sa 'kin. Ngumingiti na lang din ako kasi ayaw ko namang magmukha siyang sira ulo kaka ngiti ng walang karamay. "Paano ba kayo nag kakilala ni Brixcen?" Tanong nito sa 'kin. Bigla naman akong napatigil sa pagkain at tinarak ang kutsara ko sa bunganga ni Cassandra kaya nalunok niya ito. Tumawag ng ambulansiya si Senyorito Kulangot at joke! Huwag ka ngang magpapaniwala sa 'kin, binibiro ka lang naman, mare. Huwag masyadong mainit ang ulo, sige ka, kakapal ang pubic hair mo niyan. Hindi dapat malaman ni Cassandra na nagkakilala kami dahil sa hinayupak na diaper na iyon. Napaisip naman tuloy ulit ako na parang genius. "Ganito kasi iyon, hehe." Ngiti ko pa ng malawak, kasing lawak ng nuo ng ex mo, mare. Charot! "Come on, tell me." Saad ni Cass at uminon ng kaunting tubig mula sa crystal glass. "Uhm, habang nang g-grocery ako sa mall ay nagkabangga kami ni Senyo—este ni Brixcen. Tapos biglang natumba ako kaya sinalo niya naman ako kaagad sa pamamagitan ng paghawak sa bewang ko." Napatingin naman ako kay Cass at mukhang interesado talaga itong malaman ang lahat lahat. "Nang napatingin siya sa 'kin ay bigla na lang tumibok ng malakas ang puso niya kasi nga narinig ko, hehe. Tugs! Tugs! Tugs! Ganern! Parang sound system, mwehehehhe!" Dinagdagana ko pa ng cute na tawa para maniwala talaga siya. "Y-You sure?" Nag aalangang tanong nito sa 'kin. "Oo naman! Tapos nga napatitig pa siya sa 'kin, siguro na love at first sight siya. Akmang hahalikan niya ako kaso naamoy ko ang mabahong hininga niya." Pagkukuwento ko pa na animo'y nandidiri talaga ng sobra sobra. Tumawa naman ng malakas si Cassandra. Sinabayan ko na lang din ang tawa niya. "You're such a joker, Joy." Saad nito at kaagad na bumalik sa pagkain. Hindi na lang din ako nagkuwento dahil ayaw niya namang maniwala. Magsasayang lang ako ng oras kapag nagkataon. Nang matapos kaming kumain ay hinampas ko sa ulo ni Cassandra ang mga plato dahil ayaw nyang maghugas nito. Nahimatay naman siya kaagad. Bagay nga sa kanya! Charot! Hindi ko magagawa iyon no. Mabait naman siya kaya dapat mabait din ako sa kanya. Nang matapos kong hugasan ang lahat ng plato ay paika ika akong maglakad dahil sa buwesit na puwet na 'to. Nagkanda pasa pasa na yata ito. Kainis! Nalungkot naman ako ng maalala ko si Kaizer. Kailangan naming mag-usap. Kahit LDR kami, mahal na mahal namin ang isa't isa. Kaagad naman akong umupo sa sofa upang humingi ng pabor kay senyorito. Mukhang mahihirapan akong umakyat nito sa hagdan papunta sa taas dahil sobrang kumikirot pa ng kaunti ang puwet ko. Nandito kasi siya ngayon, kumakain ng marsmallow na isang bowl habang nanunuod ng TV. Fast and Furious iyong palabas. Tapos naka white shirt siya ngayon. Napatakip naman ako sa puwet ko dahil sa gulat. Joke, siyempre sa bibig no. Baka Dejavu ito! Baka magkatotoo ang panaginip ko. Nasa pool area yata si Cassandra ngayon dahil pansin kong may kausap siya sa phone kanina. "Senyorito." Tawag ko sa kanya ngunit hindi ito lumingon. "Senyorito!" Tawag ko ulit sa malakas na boses at kinalabit siya habang malakas ang pagkabog ng puso ko dahil sa kaba. Baka magkatotoo iyong napanaginipan ko kanina. Bigla naman itong lumingon sa 'kin habang magkakasalubong ang kilay at lumulubo ng kaunti ang pisnge dahil sa maraming marsmallow na nginunguya niya. "Awr you towking to meh?" Medyo hindi ko maintindihan na saad nito dahil nga puno ng marsmallow ang bibig niya. Kaagad naman akong tumayo at mabilis na hinatak ang braso niya kaya nabitawan niya ang bowl at nagkalat sa sahig ang marsmallow. Pansin kong dumilim ang tingin nito kahit na umaga naman at maliwanag ang paligid. "WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU?!" Sigaw nito sa 'kin habang nagsisilabasan na ang ugat sa leeg niya dahil sa inis. "Kailangan nating umalis dito! Mamatay ka kapag hindi tayo umalis dito!" Nag aalalang saad ko at kaaga na hinanap ang remote at pinatay ang TV. "STOP THIS NONSENSE!" Iritang hiyaw nito sa 'kin habang namumula na sa galit. Bigla naman akong nakaramdam ng takot dahil sa inaasta niya. Alam kong hindi ko ugaling matakot sa mga ganitong sitwasyon lalong lalo na kung sigaw lang naman ang binabato sa 'kin kahit na hindi naman ito bato. "Makinig ka sa 'kin! Lalabas ang mga bala sa telebisyon at matatamaan ka! Makinig ka kasi sa'kin!!" Inis na pag papaintindi ko sa kanya. Bigla naman nitong hinila ang braso ko ng mahigpit habang nanlilisik ang mga mata. "How dare you meddle with my own business here?! Damn you! Hindi mo ba alam na sinayang mo ang marsmallow ko?!!" Nanlilisik na mga matang sambit nito sa pagmumuka ko. Bakit ba siya nagaglit eh gusto ko lang namang iligtas siya! Paano kung magkatotoo ang panaginip ko? Pero bakit ako nag aalala? "Nagmamagandang loob lang naman ako ah! Tara na! Umalis na tayo dito!" Pag aaya ko subalit mas lalo pang humigpit ang paghawak niyo sa braso ko kaya nasaktan na ako sa puntong iyon. Bakit ni hindi ko siya magawang saktan ngayon? Bakit hinahayaan ko lang siya. Sa katunayan eh kaya ko siyang ibalibag ngayon at tanggalin ang braso ko mula sa kanya. Mare! Bakit? Naiiyak ako! "Listen to me clearly! You're just my wife in paper! I don't love nor care about you! Palalamunin ka lang sa bahay ko kaya puwede ba? Huwag mo akong pakialaman!" Sigaw nito sa 'kin na siyang mas lalong ikinaluha ko. "Edi maghiwalay na tayo! Bakit? Sino ba ang namilit na magpakasal tayo? Huh?!" Inis na hiyaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis. Bigla naman itong natauhan na tila'y nagsisi sa mga sinabi niya. "Darn! I'm sorry, I-I—" Bigla kong winaksi ang kamay niya sa braso ko dahil ramdam kong lumuwag na ang paghawak niya dito. Bigla naman akong naglakad ng mabilis kahit na pa ika-ika nga lang. Nagsibagsakan naman ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bakit? Siguro dahil malaki ang utang na loob ng pamilya naming sa kanya kaya ganoon. Hindi ko naman kasing pinangarap makasal ng maaga at masabihang palalamunin. Hayop na lalaking iyon! Bakit niya ako napaiyak ng ganito? Si Kaizer lang ang nakakagawa sa 'kin nito at ang pamilya ko. Tuluyan na ba akong napasailalim ng mahika niya? Eh aalay niya na ba ako sa ritwal? Hindi naman na ako virgin kaya siguro hindi niya na ako iaalay. Nakakainis! Mas mahalaga pa sa kanya ang marsmallow! Ngayon na nga lang ako nagmalasakit sa kanya, Oo, alam kong panaginip iyon pero paano kapag nagkatotoo? Wala namang masama kung gusto ko siyang subukang iligtas kahit papano, diba? Napadpad naman ako sa pool area ng hindi ko namamalayan. Nilublob ko naman ang mga binti ko sa tubig at umiyak. Inis kong pinunasan ang mga luha ko na walang tigil sa pagdaloy. Bakit ba kasi ako umiiyak? Bakit hindi ko 'to mapigilan? "Pakyu ka! Panget mo! Mukha kang kulangot!" Inis na sigaw ko sa inis. Pansin ko namang may tumabi sa 'kin, si Cassandra. Wala naman akong pakialam kung nakikita niya akong umiiyak. Paki niya ba? Baka lunurin ko siya sa pool eh. Hindi joke! Galit ako! "I saw what happen earlier." Bumuntong hininga pa ito na tila'y naawa sa 'kin na siyang ikinainis ko. "Oo na, palalamunin lang ako dito." Inis na saad ko. "No you're not. It's just that, you ruin his mood dahil sa marsmallow." Biga naman akong napatingin kay Cassandra. "Marsmallow lang iyon!" Hindi makapaniwalang saad ko. "It's because, Marsmallow is his favorite food. Nang buhay pa si tito Benito, simula pagkabata ni Brixcen ay sabay silang kumakain ng marsmallow habang nanunuod ng fast and furious. Pareho nilang paborito ang pelikulang iyon." Tumawa muna ng malungkot si Cassandra. "Sa katunayan nga ay pa ulit ulit nila itong pinapanuod sa tuwing kaarawan ni tito sabay kain ng marsmallow. Today' is tito Benito's Birthday. Kaya ako napunta rito, kahit na wala na si tito. Brixcen often do that alone. Dahil siguro'y namimiss niya ang ama ng sobra. Simula kasi ng umalis sila ni tita Eliza for a business trip sa Singapore, the plane crash unexpectedly. They died." Ramdam kong umiiyak na si Cassandra habang nagkukuwento. Kaya pala mukhang galit na galit siya sa 'kin kanina. Naiintindihan ko pero naiinis pa rin ako! Bahala siya sa buhay niya. Simula ngayon, hindi na ako kakain sa bahay niya. Hahanap ako ng paraan para makakain araw-araw. Hmmp! Nakakaawa naman si Senyorito Kulangot. Alam kong kasalanan ko naman iyon. Bumuntong hininga na lang ako kahit na naiinis pa rin talaga ako. "I think, you two need to talk. I'll go now, see you soon again, Joy. It's nice to meet you." Ngumiti ito sa 'kin at umalis. Ngumiti na lang ako sa kanya. Iyong hindi na plastic this time. Namimiss ko tuloy sina itay. Sana nga okay na siya ngayon. Si Francisco kaya? Siguro naglalaro na naman iyong ng online games. Nakakamiss din iyong sermon ni inay tuwing umaga. Iyong hininga niyang amoy kape at sinangag. Si Lolo at lola, namimiss ko din sila pero iyong amoy nila ay hindi. Nakakalungkot pala talagang malayo ka sa pamilya mo at ikasal sa taong hindi ka mahal at hindi mo naman mahal. Pinunasan ko na lang ang luha ko dahil nalulungkot talaga ako ngayon. Tapos, si Kaizer, baka galit na sa 'kin iyon. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Oo na, nasa akin na ang lahat. Sinungaling din ako! Madaling magsinungaling pero nakakatakot naman pala ang kalalabasan nito. "Can I sit beside you?" Bigla naman akong napatingla sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Senyorito. "Hindi ko naman bahay 'to. Nakikitira lang ako at palalamunin kaya puwede mong gawin lahat ng gusto mo." I said coldy para ginawin naman siya at maramdaman ang inis ko. "Look, I'm sorry. Let me explain." Malamlam na boses na saad nito at umupo din sa tabi ko. Binabad niya din ang kalahating binti niya sa pool. "Huwag na. Hindi na kailangan, asawa mo lang naman ako sa papel." Inis kong saad habang nakatitig sa mga paa kong nakababad sa tubig. "I'm sorry. I was carried away by my emotions. I didn't mean it." Pagpapaliwanag nito. "Tapos na ang lahat, wala ng magagawa iyang sorry mo." Iritang sagot ko sa kanya. Ma pride din kasi ako at ma ariel, ma bonux minsan at ma surf. Bigla naman akong tumayo mula sa pool at naglakad paalis doon. Ayokong makita ang pagmumukha niya! Akala niya huh! "Wait." Saad nito at sumunod sa 'kin. "Tell me, what do you want me to do para magkabati na tayo?" Tanong nito na inisnob ko lang. Akala niya naman hindi ako nasaktan sa ginawa niya kanina. Hindi sapat ang sorry niya sa isang ma pride na kagaya ko! Nang makarating na ako sa harap ng hagdan ay napalingon ako sa likod ko at nandoon pa rin pala siya. Nakabuntot lang sa'kin. "Buhatin mo ako. Masaki tang puwet ko." Malditang utos ko sa kanya. Bigla naman itong sumunod na parang uto uto. "Listen to me, I--." "Shh! Huwag ka ngang ma ingay. Hindi pa rin tayo bati, inuutusan lang kita." Tinaasan ko pa siya ng kilay. Pansin kong nagpipigil ito ng ngiti dahi kinagat niya ang labi. Sipsipin ko iyan eh! Kaloka naman 'to! Nang makarating kami sa itaas ay binaba na ako nito sa kama. Pansin kong napatingin ito sa kamay ko at napansin niyang nag beberde iyon. Ano ba, siyempre namumula. "Sorry." Sambit nito at umiyak sa harap ko. Aba'y sira ulo 'to ah! "Hoy bakit ka umiiyak diyan?" Inis na saad ko. "I just miss my dad. I'm sorry." Saad nito at tumalikod na. Naawa naman tuloy ako. Alam ko naman kasing birthday ngayon ng daddy niya at namimiss niya na ito kaya malungkot siya tapos sinira ko pa ang mood niya kanina. "Sandali." Bigla naman itong tumigil sa paglalakad at lumingon sa 'kin. "Why?" Pinunasan nito ang mga luha. "Magkuwento ka na sa 'kin. Halika dito." Kaagad naman itong lumapit at umupo sa tabi ko. Napasinghap naman ako ng sinandal nito ang ulo niya sa balikat ko pero hinayaan ko lang. "You already saw this side of me. It's a gayish thing, right?" Bumuntong hininga pa ito. "You know what, I feel alone since the day that my parents died. I know that Brenda won't last long, she'll leave me too." Saglit itong tumahimik. "I'm alone here in this big house of mine. I don't usually sleep in here before. I often sleep in my office and in hospital. Until I found you in the street. I don't know why did I look for you. Maybe, it's destiny itself who made me meet you." "So sinasabi mong destined tayo sa isa't isa? Sira ulo ka talaga." Mahinahong saad ko. "I think so." Sagot nito sa 'kin. "Since you came into my life, even if you're hard headed, untamed, brat---." "Hoy! Hoy! Tigil tigilan mo nga iyan! Nilalait mo na ako eh!" Inis kong saad. Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa. "Since you came here, I don't feel alone anymore." Saad nito at ngumiti. "So, in love ka na sa 'kin niyan? Sus, alam ko namang ma f-fall ka lang sa 'kin eh." "You know what, nang umalis si daddy. Magkaaway pa kami niyon dahil nga ayaw ko sanang sundin ang gusto niya na magtrabaho sa sarili naming kumpanya dahil gusto kong maging sundalo. He didn't want me to kaya nagsagutan kami." Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya at halatang nagpipigil itong umiyak. "Madalas ding sinasabi ni daddy sa 'kin na itigil ko na daw ang paghahangad na maging sundalo dahil daw malalagay lamang sa kapahamakan ang buhay ko. Hindi ko na lang pinapansin iyon until that worst day of my life happen." Ramdam ko ang sakit sa boses nito habang nagkukuwento. Kusa namang gumalaw ang katawan ko at niyakap niya. Mas lalo itong humagulhul ng iyak. Parang baby, gawin kitang baby eh! "I didn't even say I love you to him during that day. I also shouted at him. I didn't thought that it'll be the last day that we'll talk ang see each other. I regret everything." Iyak nito habang nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. I tapped his back to comfort him. Bakas ang sakit sa boses nito at hindi ko din napigilang umiyak dahil doon. "Ayos lang iyan, ano ka ba. Hindi mo naman alam na mangyayari iyon, tsaka alam naman ng daddy mo kung gaano mo siya kamahal." "Every time that I am alone in his birthday, I feel like I'm drowning with too much loneliness. I feel like I'm dying, I feel like I'm alone." Iyak ito ng iyak at ganoon din ako. "Hindi ka naman nag iisa ah. Ano bang tingin mo sa 'kin? Multo?" Dinig ko naman ang bahagya nitong pagtawa. "Thank you." Saad nito at niyakap ako ng mahigpit. Nagkuwento lang ito ng nagkuwento hanggang sa nakatulog siya sa bisig ko. Ngayon ko lang napagtantong napakalungkot ng buhay niya. Pero matatag siyang tao kaya saludo ako sa kanya. Napatingin naman ako sa mukha nito. Sadyang napaka guwapo niya pala talaga at poreless. Sarap eh kiss. Napatakip naman ako sa bibig ko dahil nagtataksil ako kay Kaizer dahil hindi ko napigilang ang sarili ko at kiniss ko siya sa pisnge at kinurot. Nanggigil ako, pero kahit na umiyak siya, hindi pa rin kami bati! Hmmmp! Hashtag, ma pride! Charot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD