Pagmulat ko ng aking mata ay mag isa na lang ako sa kuwarto na natutulog. Hindi na ako giniginaw ngayon at medyo sinisipon sipon na lang ako. Medyo naging maayos din naman ang pakiramdam ko kahit papaano. Nagugutom na nga ako eh. So iyon bumangon ako sa kama, alangan namang humiga na lang ako habang buhay hanggang sa pumuti ang mata ko sa gutom. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina. Tanghali na pala ngayon. Napatingin din ako sa wall clock at 12:55 pm na pala.
Gumapang ako papunta sa baba. Syempre naglakad ako no! Ano ba iyan, naniwala ka naman? Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng tawa ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay si Cheska ito. Alam na alam ko na kasi ang tawa niya eh. Parang nabikig na kambing! Ganon, nakakaturn off ang tawa niya. Iyong sakin naman ay parang mangkukulam lang na cute, joke syempre. Angelic kaya ang tawa ko! Dali dali naman akong bumaba at nakita ko si Brixcen na nakangiti habang nagkukuwento si Cheska kaya nainis ako!
Pababa na ako sa hagdan pero hindi pa din nila ako napansin. Nasa sofa kasi silang dalawa at mukhang may pinag uusapan at parang ang saya saya nila. Nakakairita lang kasi ang tawa ni Cheska. Pakiramdam ko tuloy ay nasa farm ako kasi may kambing eh! Hindi ko na lang sila pinansin baka isipin pa ni senyorito na nagseselos ako. Tumungo na lang ako sa kusina at mayroong isang set ng lunch dito sa food keeper. Jolibee pa talaga huh, kaya napangisi naman ako. Alangang umiyak ako diba? Kumain na lang ako at pagkamaya maya'y dumating sa harapan ko si senyorito na naka poker face. Kanina ang saya niya kay Cheska tapos sakin ganito siya? Kainis!
"How do you feel now? You okay?"
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Tinitigan lang naman ako nito na animo'y binabasa niya na naman ang kilos ko. Hindi naman ako nakakain ng maayos dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin kaya tinapos ko na lang din ito at niligpit na ang kinainan ko. Hindi naman siya umimik dahil mukhang nag iisip siya kahit na wala naman siyang isip! Joke! Naghugas na din ako ng plato pagkatapos ay umalis na doon.
Pumunta naman ako sa itaas dahil balak kong tumambay sa rooftop ng bahay niya dito. Hindi pa ako magpapakamatay mare kaya huwag kang nag iisip ng kung ano diyan. Maganda kasi ang tanawin doon at sariwa ang hangin. Muli kong narinig ang boses ni Cheska pero hindi ko na sila pinansin. Bahala sila sa buhay nila no! Harap harapan niya pa talaga akong niloloko huh! Hindi ako naniniwalang secretary niya lang iyon! s*x-xytary kamo! Siyempre sexy iyong babaeng kambing na iyon. Kahit sinong lalaki siguro'y maakit niya. Ewan ko nga ba pero masama ang loob ko ngayon. Syempre hindi siya mabuti eh kaya masama.
Pagkarating ko sa rooftop ay bumungad sakin ang pool doon at may tatlong benches na puwedeng upuan. May mga hanging plants din dito at iba't ibang uri ng halaman. Nagdilig nga ako dito kahapon. Umupo naman ako sa bench. Alangan namang sa sahig diba? Nalungkot naman ako ng maalala ko ang pamilya ko. Namimiss ko na sila. Kailan ko kaya ulit sila makikita? Napabuntong hininga naman ako. Hindi naman ako masaya dito eh. Magiging ganito na lang ba ako dito habang buhay?
"You look uglier when youre unhappy."
"Ayy itlog ni Brixcen na may kulugo!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Muntik na din akong atakihin. Ilang beses na akong muntik atakihin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung sino ang aatake. Hindi naman nito pinansin ang sinabi ko at umupo siya sa tabi ko.
"What's your problem?" Pinag ikis pa nito ang legs niya habang nakaupo. Parang bakla tuloy siya sa posisyon niya.
"Secret." Tipid na saad ko at tumingin sa malayo. Oo, malayo kasi hindi malapit.
"Tell me." Utos nito sakin kaya medyo nairita ako. Medyo lang naman. Bumuntong hininga muna ako ako bago nagsalita.
"Gaano na katagal si Cheska sa buhay mo?" Inis na tanong ko. Napatakip naman ako sa kilikili ko dahil sa biglaang tanong ko. Syempre naman mare, sa bibig! Naniwala ka naman sa kilikili ako napatakip. Imagine, kapag nagugulat tayo sa kilikili tayo napapatakip. Astig lang diba?
"What do you mean?"
"Ahh, eh ang ibig kong sabihin, gaano na katagal na secretary mo iyang Cheska?"
"6 years." Tipid na sagot nito.
"So, mga 6 years na kayong naglalandian kung ganon?"
"Huh?"
"Ahh wala iyon." Suminmangot na lang ako.
"I will enroll you to Maximiliam University tomorrow." Napatingin naman ako kay senyorito dahil hindi naman ako doon nag aaral eh. Sa Intel University kasi ako nag aaral at scholar ako doon kaya bawas bawas din sa gastusin nina inay tsaka nandoon ang mga kaibigan ko at hindi puwedeng eh transfer niya ako tsaka last year ko na naman eh.
"Bakit sa Maximillian? Sa Intel ang gusto ko, nandoon ang mga kaibigan ko." Tsaka nandoon si Kaizer no at hindi niya puwedeng malaman na kasal na ako!
"Maximillian will give you a better future than Intel."
"Ayoko doon!" Reklamo ko sa kanya kasi naman eh. Mayayaman ang nandoon tsaka wala akong pera para sa mahal na tuition nila. Si Kaizer kasi ayaw ko talagang iwan. Siya lang naman ang long time crush ko na naging kaibigan ko mula first year college. Magkakaklase din kami kasi same course kami eh. Crush ko siya dati ng first year high school pa lang ako at siya iyong sinabi kong sinuntok ko iyong kapatid niya na akala ko babae niya. Oo naman no, may crush din kaya ako!
"I will be the one who'll pay for your tuition, allowance and everything so don't worry."
"Sa Intel na lang kasi senyorito. Ayoko sa Maximillian na iyan. Pangalan pa lang mukhang magkakasakit na ako." Bahala talaga siya, kapag ako binully doon! Araw araw siyang pupunta sa guidance office, hmmp. Hindi pa naman ako nagpapabully kasi ako ang bully!
"You can't do anything about it. My decision is final." Bumuntong hininga na lang ako kasi wala na akong magagawa pa. Tinatamad na din akong makipagtalo pa sa kanya. Baka masipa ko lang ang pagmumukha niya ng wala sa oras. Pinsan pa naman ako ni Jet Lee.
"Ay pitoy ni Brixcen!" Hiyaw ko na naman sa gulat dahil hinipo nito ang boobs ko. Syempre joke lang mare no. Nuo ko ang hinipo niya.
"Youre fine now." Oo kasi inalagaan mo ako kagabi like SGAKGSKghJ,nbABMABMBJS.
"Oo, ayos na ako. Kaunting sipon na lang." Sagot ko sa kanya. Alangan namang si Duterte ang sumagot diba? Ako kaya ang kausap niya ngayon.
"Let's go."
"Saan? Sa puso mo? Ayiieeee!!" Tinusok tusok ko pa ang abs niya so he gave me a puzzled look. English iyon mare kasi nagulat ako ng kaunti lang. Napasimangot naman ako ng hinawakan nito ang pala pulsohan ko at kinaladkad na ako paalis sa rooftop.
"Bitiwan mo nga ako. Ang bilis mong maglakad!" Reklamo ko habang nakasimangt pero cute pa rin. Hindi niya naman ako pinakinggan kasi nga bingi din siya minsan eh.
____
"Saan tayo pupunta?" Medyo kinakabahan na ako ngayon kasi baka dadalhin niya na ako sa ritual nila ngunit hindi pa naman full moon ngayon kagaya ng sinabi nina lolo at lola sakin. Hindi man lang ako nito sinagot. Syempre hindi ko naman siya nililigawan kaya hindi niya ako sinasagot.
"Bingi ka ba? Hello?! May tao ba dito?" Sarkastikong sambit ko kasi ang tahimik niya. Pustahan tayo, mabilis mapapanis laway nito.
"Shut up." Tipid na usal nito kaya ngumuso na lang ako. Kapag iyong Cheska nga ang kausap niya ngumingiti siya tapos sakin hindi! Hindi na lang din ako nagsalita buong biyahe kasi nga badtrip na ako sa kanya. Hindi ko na nga namalayang nakatulog ulit ako sa biyahe.
____
Pagmulat ko ng mga mata ko'y nakita ko ang mukha ng lalaking mala anghel sa kaguwapohan na naka titig sakin at OH! MY! KULANGOT! Eh kikiss niya ba ako? Ang lapit ng mkuha niya sakin mare! Ngumuso naman ako papalapit sa mukha niya at pumikit. Naghihintay ako sa kiss niya!
"Ay pitoy ni Brixcen!" Nagulat naman ako ng may pumitik sa ilong ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakangisi sakin.
"Pitoy? What is that?" Nagtatakang tanong nito sakin.
"Tara na." Iyan na lang ang tanging nasabi ko. Akala ko sa ritual niya na ako dadalhin pero hindi pala. Nandito kasi kami sa isang Parke. Nang makalabas na kami ay nakita ko ang malaking mga letra sa entrance na "Love Birds Park : Singles are not allowed". Para naman sa mga ibon to eh! Hindi naman kami ibon kaya hindi puwede. Chos, syempre joke iyan ng isang genius.
"Magd-date ba tayo dito?" May pumormang ngisi naman sa labi nito.
"Yes, we will." Syempre iyon na nga. Kinaladkad niya na naman ako na parang hostage. Pagkarating namin sa entrance ay mayroong guard na naka bantay doon.
"Good day couple! Password please." Kumunot naman ang nuo ko dahil sa sinabi nito. Anong password ba kasi ang kailangan nito. Napaisip tuloy ako na parang genius, uhmm alam ko na ang password! Mwahahahha, ayan na naman ang tawa kong cute.
"Love! Love ang password diba?" Tanong ko kaya ngumisi si manong guard na parang asong sira ulo. De joke lang.
"Mali po, ma'am." Pinag ikis pa ni manong guard ang kamay niya sa dibdib. Feeling tanod lang ang peg! Char!
"Any clue?" Kung hindi pasasabogin ko ulo mo! May pa password password pa! Hindi na lang kami papasukin sa loob. Oo mga mare, may gate na naka palibot dito. Nalaman kong parke kasi nga may pangalang park sa labas diba? Napatingin naman ako kay senyorito, nakapamulsahan lang ito habang nakatingin sa akin habang pinagmamasdan ang mga ginagawa ko.
"Ginagawa po ito ng magkasintahan ma'am." Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya. Siyempre alam ko na no! Genius kaya to.
"Bratatat manong diba?"
"Ano po iyan ma'am?" Magsasalita pa sana ako ulit ngunit biglang may humila sa bewang ko at naramdaman ko na lang ang malambot na bagay na lumapat sa labi ko. Nanlaki pa ang cute kong mga mata ng slight lang. Oh! My! Kulangot! Hinalikan ako ni Manong guard! Naniwala ka naman? Syempre si senyorito iyon. Sino pa ba?
Hindi naman nagtagal ang halik nito at pumalakpak si Manong guard. "Perpekto!" Saad nito. Kinaladkad na naman ako ni senyorito papasok sa parke. Medyo tulala pa rin ako ng slight lang ulit. So kiss pala ang password? Hayop na iyan? Iyon lang pala, na stress pa kakaisip ang genius na kagaya ko. Pagdating namin sa loob ay may nakita akong malaking karatula na may nakasulat. "PDA is allowed." Inilibot ko naman ang mga mata ko sa paligid. May mga magkasintahang naghahalikan sa gilid gilid. May naghahawakan pa talaga ng boobs eh. Parang naiinggit tuloy ako.
"Ohh!"
"Ay pitoy ni Brixcen!" Gulat kong sigaw ng marinig ko ang isang ungol sa likuran ko. Nakita ko naman ang babae at lalaki na gumagawa ng kababalaghan sa tagong bench sa likod ng kahoy kung saan kaunti lang ang mga tao. Tumigil ako sa paglalakad at akmang sisilipin sila ng may biglang humila sa bewang ko na naman. Bigay ko na lang kaya sa kanya to! Kairita naman eh!
"Youre gonna disturb them, brat." Nagpatangay na lang ako sa kanya dahil nakapulupot lang ang kamay niya sa bewang ko habang naglalakad kami. Napalingon naman ako sa kabilang bench kasi nakakita ako ng magjowang parehong nakahiga sa bench. Nakakubabaw ang lalaki habang hinahalikan ang leeg ng babaeng humahagikhik na mukhang nakikiliti.
"Bakit mo ako dinala?" Iritang tanong ko kasi nga mag dedate na lang dito pa talaga sa lugar na to!
"We can do what they are doing here." Hinatak naman ako nito at tumigil kami sa harap ni mamang sorbetero. May mga nagtitinda din kasi ng mga pagkain dito.
"Two vanilla flavoured ice cream, manong." Magalang na sabi nito kay manong sorbetero. Ngumiti naman ito samin. Napatitig naman ako sa bigote nito. Mahaba kasi siya at kulay puti na tsaka naka braid pa ito.
"Manong, gaano na po ba katagal na hindi niyo shinave ang bigote niyo?" Nagtatakang tanong ko. Napatingin naman ako kay senyorito ng bigla niya na namang hinapit ang bewang ko kaya napadikit ako sa kanya. Kinurot niya pa ako doon ng kaunti kaya nainis ako sa kanya.
"I'm sorry manong. Mausisa po talaga kasi itong asawa ko." Kinilabutan naman ako ng tumawa si Manong sorbetero. Ang tawa niya kasi ay parang inaatake sa puso na parang hinihika na ewan.
"Ayos lang iyon. Ano ka ba? Nagtatanong lang naman ang asawa mo hijoh.Tumawa ulit ito na parang hinihika at inaatake sa puso.
"Manong, ganyan po ba talaga kayo tumawa?" Nagtatakang tanong ko ulit. Narinig ko namang napamura ulit si senyorito sa tanong ko. Problema nito? Tumawa naman ulit si manong na may kasamang ubo kaya nag aalala na ako.
"Manong sandali lang ho! Tatawag na ako ambulansiya." Nagpanic naman ako kahit walang earthquake. Akmang kukunin ko na ang cellphone ko ng pinigilan ako ni Brixcen.
"Huwag hijah. Ganito talaga kasi akong tumawa eh. Salamat sa pagmamalasakit mo." Ngumiti na lang ito sakin at hindi na tumawa pa. "Heto na ang ice cream niyo." Binigay na nito samin ang maliit na cup ng ice cream kaya tinapon namin. Syempre tinanggap mare. Alangan namang hindi. Kumuha naman ng isang libo si senyorito sa wallet niya at binigay kay Manong ngunit tinaggihan niya ito.
"Libre ko na lang iyan sa inyo." Ngumiti siya ulit sakin. "Mga dalawang taon pa lang na hindi ko shinave ang bigote ko ineng. S-Shave ko lang ito kapag binalikan na ako ulit ng asawa ko.
"Broken kayo manong? Nasaan ang asawa niyo? Anong konseksiyon ng---."
"We'll go manong. Thank you for this." Napasimangot naman ako kasi ng nakikichismiss pa ako sa ganap ng buhay ni manong. Hinawakan naman ni senyorito ang pala pulsuhan ko at hinila ako paalis doon. Bago kami nakalayo ay narinig ko pa ang tawa ni manong.
"You should zip your mouth, brat. What if you offended--."
"Nagtatanong lang naman ako eh. Bakit ka ba nagagalit eh mabait naman si manong." Ngumuso pa ako habang nagrereklamo at kumain ng ice cream. Bumuntong hininga naman siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Umupo na din kami sa isang bench at nagpatuloy lang ako sa pagkain ng ice cream. Napatingin naman ako sa isang lalaki na may kasamang babae habang papunta sa bench na kaharap ng inuupuan namin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Kaizer honey ko na kasama si Vivian. Si Vivian ang babaeng patay na patay kay Kaizer noon hanggang ngayon.
Nag init naman ang dugo ko kahit na wala namang apoy dahil sa kay Vivian. Hindi niya puwedeng landiin dito si Kaizer! Nagkasalubong pa ang mga kilay ko. Akamang tatayo na ako at lalapit kay Kaizer ng maalala kong kasama ko pala si senyorito. Nag panic na naman ako kasi hindi niya puwedeng malaman na may asawa na ako. Hindi puwede!! Dali dali akong naglakad papunta kay Brixcen at hinawakan ang kamay niya at hinila kaya napatayo siya at napatingin sakin na tila'y nagtataka.
"Tara na may nakalimu--."
"Honey?" Tila'y lumutang ako sa alapaap dahil sa pagtawag sakin nito ng call sign namin. Oo mare! Honey ang call sign namin ni crush. Kuwento ko mamaya, maghintay kayo. Kayo mag adjust okay. Napaharap naman ako kay Kaizer ng wala sa oras kahit na 2:25 pm na ngayon.
"H-honey, kamusta? HAHAH." Tatawa tawa pa ako kahit na gusto ko na siyang sapakin ngayon. Napatingin naman ako sa kamay ni Vivian nan aka pulupot kay Kaizer. Nakita ko naman siyang nakatitig kay senyorito Brixen at pati si Kaizer ay nagtatakang tinignan si Brixcen na animo'y isa itong kulangot na guwapo.
"Who is he, honey?" Kunot nuong tanong sakin ni Kaizer, honey ko.
"Ahh, boss ko nga pala honey. Sinamahan ko lang siya." May lalong nagsalubong ang kilay ni Kaizer sa sinabi ko.
"The password to get in here is kiss. Did he kiss you, honey?"
"Huh? Hindi, hindi! Kasi--."
"Yes I did." Tipid na sagot ni Senyorito kaya napapikit ako ng mariin. Hindi kasi ako dumilat kaya pumikit ako.
"How dare you!" Kinuwelyuhan naman nito si Brixcen kaya inawat ko na.
"Tama na iyan hon! Sa cheeks lang naman tsaka isa lang, hahah." Pangungumbinsi ko pero mas lalo pang nanlisik ang mga mata nito.
"She's my--." Akmang magsasalita na sana si Brixcen pero pinigilan ko.
"Sir tara na po. May kliyente pang naghihintay sa inyo, hahaha." Hinila ko na paalis si senyorito kulangot doon habang nakasimangot lang. Hindi puwedeng malaman ni crush na kasal na ako. Baka masira ang relationship namin. Chos!
"Honey!" Tawag sakin ni Kaizer kaya lumingon ako at kumaway. Napatitig pa ako saglit sa guwapong mukha ni Kaizer. Mas lalo siyang gumuwapo ngayon. Magkasing tangkad lang din sila ni senyorito kaso nga lang mas malaki lang ng kaunti ang katawan ni Senyorito sa kanya pero may abs din naman si Kaizer eh. Dami ngang naghahabol doon pero sorry na lang sila kasi nga may honey na siya at ako iyon! Oo, isa akong bubuyog! Charott!
___
"Who's that guy?" Nakasimangot na tanong sakin nito. Nandito na kami ngayon sa parking area sa gilid ng sasakyan niya.
"Honey ko siya! Nagmamahalan kaming dalawa." With feeling pang sambit ko habang naghuhugis triangle ang mata ko. Hindi puso, masyadong kinakalawang na kasi iyan. Syempre joke ulit.
"Then who's the girl beside him?" Nakangising tanong nito sakin.
"Si Vivian! Ang babaeng Vulcaseal na palaging nakadikit sa kanya. Puwede ding epoxy na lang." Napasimangot naman ako dahil bigla kong naalala si Vivian. Ang babaeng iyan dati eh nakaaway ko na. Paano ba naman pinagbintangan niya akong ninakaw ko daw ang brief ni Kaizer eh siya naman talaga ang nagnakaw. Iyon tuloy sinabunutan niya ako pero pinagsusuntok ko siya kaya nagkapasa siya sa katawan at ako nama'y nagulo lang ang buhok.
"I think they also kissed before entering the park."
Medyo na hurt naman ako sa narinig kaya natahimik ako. Bakit ba kasi kasama niya iyong babaeng iyon? May nakaraan kami ni Kaizer mare! Syempre mamaya ko na eh kukuwento no. Kayo ulit mag adjust, nakikichismis lang kayo sa buhay ko remember? Charoot! Baka naman magalit ka mare! Bawal pikon dito ah.
"It's obvious, you like that guy." Humalukipkip pa ito sa harap ko at ngumisi na tila nang aasar.
"Eh ano naman ngayon kung Oo? Oo, gusto ko siya." Inikot ko pa ang mga mata ko para magmukha akong mataray. Pa cool kasi ako minsan eh.
"I'll tell him then." Naglakad ulit ito papunta sa entrance ngunit hinabol ko siya kasi patay na patay ako sa kanya. Luh asa! Syempre para pigilan siya. Hinawakan ko naman ang braso niya kaya napatigil siya at humarap sakin na nakangisi. Sira ulo to ah! Ano, upakan ko na ba?!
"Sandali lang naman. Pag usapan natin to." Mag comeback na tayo oh! Mahal pa kita at ipaglalaban kita. Charowtt! Feeling LQ lang kasi ako ngayon mare.
"I won't tell him in one condition." Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. Nakakaamoy ako ng trouble dito mare. Amoy tae ang trouble.
"Ano iyon?" Maangas kong tanong. Feeling ganster naman kasi ako ngayon.
"Let's have our honeymoon tonight." Saglit akong napatigil dahil sa sinabi niya. So uungol ako mamaya? Totoo ba ito? Hindi, hindi! Hindi maari! Pinagsasamantalahan niya ang kahinaan ko.
"Ayoko nga! Napaka manyak mo naman ah! Pinagsasamantalahan mo ang kahinaan ko!" Hayop ka! Walang hiya ka! Papatayin kita ngayon na! Char.
"Madali akong kausap. Let my hands go. I'll tell him that youre married and--."
"Hoy walang ganyanan!" Sa presinto ka na magpaliwanag!
"I'm your husband now and were married for almost one week but still--."
"Hep, hep, hep! Tama na , tama na! Ayokong marinig!" Sawang sawa na ako sa mga paliwanag mo! Pagod na ako sa relasyon natin. Syempre joke! Napasinghap naman ako ng hinila niya na ang kamay niya at nagsimulang maglakad. Nagpanic ako ulit kahit wala namang disaster ngayon. Hinabol ko siya at sinakyan sa likod!
"Tumigil ka na! Umuwi na tayo!" Pagpipigil ko sa kanya habang nakasakay na sa likod niya ngunit hindi siya nakinig sakin.
"Oo na! Oo na! Tumigil ka na!" Tumigil din siya kaya bumaba na ako sa likod niya.
"Good." Tipid na saad nito habang nakikita ko ang ngisi niyang nakakaloko.
____
Dumiretso muna kami sa opisina niya daw bago kami umuwi. Kakalabas lang namin sa elevator at ngayon ay papasok na kami sa office niya. Nakita ko naman agad ang babaeng kambing na pinaglihi sa Epoxy. Lakas ng kapit mga mare! Solid! Hoo! Sili labuyo maanghang!
"Hi sir!" Malanding bati nito! Ano, suntukin ko na ba ang boobs niya? Umirap naman ito sakin pero hindi ko na pinansin pa. Nang makapasok kami sa loob ay sumunod din siya. Umupo naman si senyrito sa kisame. Syempre sa sosyal na swivel chair niya. Binuksan niya din ang laptop niya at nagsimulang magtipa doon. Umupo naman ako sa sofa at tumabi sakin si Cheska.
"Cheska." Tawag sa kanya ni senyorito kulangot kaya agad siyang napatayo at napangiti. Batukan ko kaya to!
"Yes sir? How may I help you? You need shoulder massage?" Sunod sunod na tanong nito.
"Nope, please leave us alone here." Hindi ko naman napigilan ang mahinang pagbungisngis ko dahil sa pagbago bigla ng mukha ni Cheska. Oo, naging si Taylor Swift siya. Nagbago kasi mukha niya. Jowk! Jowk! Lumabas naman ito habang matatalim ang tingin sakin. Hindi naman ako pinansin ni senyorito at nagpatuloy lang sa ginagawa niya. Nahiga ako sa sofa at tinitigan siya.
Nag iwas naman ako ng tingin ng maalala kong honeymoon namin mamaya. Anong gagawin ko? Tatakas ako? Oo, puwede naman sigurong tumakas ako diba? Tama, tama! Tatakas ako mamayang gabi.. Mwahahahah!! Tsaka wala naman siyang contact kay Kaizer honey ko. Pero saan ako pupunta kapag tumakas ako? Saan? Bahala na! Hindi ko isusuko ang bataan! Gagawa ako ng paraan mamaya para hindi matuloy. Hindi ko din namalayang nakatulog pala ako sa sofa.
"Wake up. 'Kinurot nito ang ilong ko' Youre drolling, brat." Tinapi ko naman ang kamay niya at kinapa ang bibig. May laway nga boysit naman oh! Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakatitig sakin habang nakangiti. Talaga lang huh? Siya lang yata ang kilala kong ngumingiti kahit nakakakita ng taong tulog na lumalaway.
"Ano nginingitingiti mo diyan?" Iritang tanong ko dito.
"You look uglier when youre sleeping." Tumawa naman ito ng kaunti. Feeling pogi naman ng tawa niya huh. Sakalin ko siya eh.
"Pakialam mo naman?" Reklamo ko at bumangon na sa sofa.
"We need to go home now."
____
Pagkarating namin sa bahay ay kaagad akong umakyat sa kuwarto ko. Kumain na kami kanina sa Jolibee ng dinner namin ng mga alas siyete impunto. Busog na busog ako ngayon at may balak akong alam niyo na. Dumiretso na ako sa CR at naglabas ng sama ng loob dahil ang dami kong nakain kanina. Pagkatapos ko ay lumabas ako ng hindi naghuhugas ng puwet. Siyempre joke, hindi naman puwede iyon no. About pala sa past namin ni Kaizer, siyempre sa susunod ko pa eh kukuwento. Maghintay kayo mga mare. Patience is a Virtue!
Paglabas ko ng kuwarto ay kaagad akong kumuha ng pera sa bag ko. Oo naman no, may pera din naman ako. Hindi nga lang kasing dami ng pera ni senyorito. Nagsuot na din ako ng Jacket at Cap dahil balak kong umuwi sa amin kasi nga hindi ko eh susuko ang bataan ko ngayon gabi. Hindi puwedeng siya ang makakuha niyon. Hindi ako papayag, tsaka ang mission ko sa kulangot. Huwag kayong mag aalala mga mare. Nakakuha ng ako ng tatlong piraso at nalagay na sa plastic. Medyo matagal pa naman ang full moon kaya may sapat na oras pa ako para gawin ang misyon.
Lumabas na ako sa kuwarto ko at nagmatyag sa paligid. Mukhang naliligo pa yata siya kaya puwede pa akong mag layas ngayong gabi. Tumakbo naman ako ng mabilis palabas ng bahay. Muntik pa nga akong madulas eh. Binuksan ko na ang gate at lumabas na kaagad. Medyo malamig na ngayon pero dahil may Jacket ako hindi ako gaanoong nilamig. Medyo malayo pa ang highway dito. Nasa subdivision kasi kami at tsaka nasa pinakadulong bahagi pa.
Naglakad lakad naman ako kasi nga may mga streetlights naman. Sasakay na lang akong sa labas kapag nakarating ako sa highway. Magpapahatid ako sa terminal patungo samin. Bawal din kasing pumasok ang hindi taga dito kaya no choice ako kundi ang maglakad. Alangan namang gumapang ako dito diba? Kahit na medyo natakot ako dahil may ibang parte na madilim na ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Napansin ko namang may dalawang lalaking naninigarilyo hindi kalayuan sa harap ko.
Naglakad naman ako ng mabilis para malampasan sila ngunit may biglang humawak sa braso ko kaya napatigil ako at napatingin sa lalaking iyon. Ngumisi naman ito sakin kaya sumimangot ako. Ang panget niya kasi, kahit may braces siya. Binitawan niya naman ang sigarilyo niya at inapakan sa lupa habang hawak pa din ang mga braso ko. Ang isang lalaki nama'y bumuga ng usok sa pagmumukha ko kaya napaubo ako.
"Bitiwan mo ako unggoy." Tumawa naman ang isa pang lalaki dahil sa sinabi ko. Binaling ko naman ang atensiyon ko sa lalaking tumawa. "Huwag kang tumawa, ang panget ng tawa mo. Kasing panget ng kaibigan mong unggoy na may braces." Si unggoy naman ngayona ng tumawa. Tumalim naman ang tingin sakin ng kasama niyang ang panget kung tumawa.
"Tikman natin ang babaeng to, Jake." Sabi ng lalaking panget ang tawa sa kay Jake kuno na isang unggoy. Ano akala nila sakin, pagkain? Titikman, hayop na iyan. Mga sira ulong to! Basagin ko future nila eh. Hindi ako natatakot sa kanila no. Sa aswang ako natatakot kasi nga gabi.
"Jackpot tayo dito Rics. Magandang hubog ng katawan. Mukhang mag eenjoy tayo nito." Binuklas ko naman ang kamay ko kaya nabitawan niya ito. Pinag ikis ko pa ang mga braso ko sa dibdib para mukhang cool.
"Hoy! Alam kong sexy ako kaya please lang, huwag kayong magpahalata na type niyo ako huh!" Sabay naman silang tumawa. Niyakap naman ako ng lalaki sa likod kaya nagulat na naman ako at napasigaw ng "Ayy pitoy ni Brixcen!." Nagpumiglas naman ako ngunit mas hinigpitan niya ang pagyakap sakin sa likod kaya nainis na ako. Mukhang kailangan ko na silang pakitaan ng mga technique ni insan Jet Lee. Charott!!
"Bibitawan mo ako o sisirain ko ang future mo?" Tanong ko sa kanya na medyo nababagot na. Nang tumawa siya ay kaagad kong tinapakan ng malakas ang paa niya at marahas na siniko ang dibdib niya kaya nabitawan niya ako. Hindi pa ako nakontento at tinuhod ko ang ari niya! Boom basag! Sisirain ko talag future nito!
"Awww!! Tangina mong babae ka!" Sigaw niya sakin.
"Sira ulo kang unggoy ka!" Bulyaw ko sa kanya ng medyo pa cool. Umatake naman ang lalaking si Rics kuno at sinuntok ako ngunit umilag ako at kaagad na hinila ang kamay niya at ipinulupot ito. Pinitik ko din ng malakas ang kaliwang mata niya kaya napadaing siya sa sakin. Bumangon naman ang unggoy kaya sinipa ko ang kaliwa niyang paa at kaagad na pinilipit ang tenga niya at sinipa ang future niya kaya sumigaw siya ng malakas dahil sa sakit.
"F*ck you!"Sigaw nito sakin.
"Pakyu ka din! Pakyu ka gago mo!" Iritang sambit ko. Nagulat naman ako ng biglang may dumating na marami pang lalaki at saglit silang napatigil ng makita nilang namimilipit na sa sakin ang mga gunggong nilang kasama.
^_^
A/N : This story is for good vibes only. So please, lower your expectations. Just relax and read.