Lanea 1

2414 Words
ALENA   "ALENA! UMILAG—" nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan, para akong sandaling nabingi at tila ba huminto ang aking mundo. Ilang sandali pa ay patakbo akong lumapit sa lalaking ngayon ay puno na ng dugo ang katawan. "S-sabi ko u-umilag ka" hirap niyang sabi habang hawak ako sa balikat.   Puno ng luha ang aking mukha habang nakatingin sa kaniya, kaagad kaming nalugmok sa lupa dahil sa tinamo niyang sugat, "A-rgos! Anong--- baliw ka bang talaga!?" inis na sabi ko habang yakap ang duguan niyang katawan. "Hindi mo na dapat ako inalala! Kaya ko naman eh!" abalang-abala ang mga tao sa paligid namin sa pakikipaglaban. Ni halos walang pumapansin sa'min. "Ilang beses ko bang sinabi na kaya ko na ang sarili ko! Ayan! Tingnan mo tuloy!" iyak ko habang kanlong siya.   Itinaas ko ang kaniyang ulo at isinandal sa mga hita ko. Mapait siyang napangiti sa kabila ng paghihirap na nararamdaman, ang labi niya ay nababahiran na ng dugo, "Walang anuman M-mahal na Lu-lumikha"   Mas lalo akong napaiyak. Ang tanga talaga kahit kailan ng magnanakaw na ito!   Mabilis akong lumingon sa paligid para humingi nang tulong. "Tulong! Tulungan ninyo kami!" sigaw ko na mukhang wala namang nakakarinig.   Hanggang sa may lumapit sa'min na isang lalaking nakasuot ng asul na baluti. "Mahal na lumikha! Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya. Itinaas niya ang kanyang takip sa mukha.   Si Elias!   "Elias! Tulungan mo kami! Si Argos!" kaagad na yumukod si Elias upang itayo ang sugatang kaibigan. Inilagay ni Elias ang kanang kamay ni Argos sa kaniyang balikat.   Mabilis ang mga hakbang namin para makalayo sa labanan.   "Sandali na lang Argos! Malapit na tayo sa kampo" mahinang bulong ko. Mahigpit na hinawakan ni Argos ang mga kamay ko na nakahawak sa bewang niya.   Tiningnan ko siya habang naglalakad kami. Ang mga labi niyang palaging mapanuksong nakangiti, ngayon ay kakikitaan mo ng sakit. Nawawala na rin ang kulay ng mga iyon.   Argos! Please wag kang bibitaw!   "Hindi ka pwedeng mamatay naririnig mo?" umiiyak na sabi ko sa kanya, “Kapag namatay ka, papatayin talaga kitang animal ka!" hindi ko alam kung ngumiti ba siya o ngumiwi. "Hindi ka pwedeng mamatay, marami ka pang utang sa'kin"   "Alena" mahinang tawag niya sa pangalan ko. "Wag kang aalis, mamamatay ako kapag umalis ka"   Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Diyos ko! Nagdedeliryo na siya! "Elias! Nagdedeliryo na ata siya! Hindi mo ba siya pwedeng buhatin papunta sa kampo?"   Panandalian kaming huminto upang isampa si Argos sa likod ni Elias. Habang si Argos naman hindi pinapakawalan ang mga kamay ko. "Pambihira ka Argos! May kapalit itong ginagawa ko sa'yo! Pasalamat ka kundi dahil sa Mahal na Lumkiha, hindi ko ito gagawin"   Kung kanina ay naglalakad kami, ngayon naman ay tumatakbo na. Palayo nang palayo sa tinig ng mga taong nakikipaglaban para sa Lanea.   Tumatakbo kami hanggang sa mapansin ko na lang na naiiwan na nila ako. Unti-unting nawawala ang pisikal na katawan ko sa lupa.   "Alena!" agad akong napatingin kay Argos. Na ngayon ay palayo na nang palayo sa'kin. "ALENA!" sinubukan kong tumakbo palapit sa kanila ngunit hindi ko magawa, tila ba may pumipigil sa'kin na gumalaw hanggang sa makaramdam ako nang malamig na bagay na bumalot sa katawan ko.   Agad akong napabalikwas sa aking higaan. "Aba! Alena! Anong oras na hindi ka pa nagigising! Walangyang ito! Magluto ka na ng almusal!" galit na sigaw ni Tiya Imelda.   Panaginip. Huminga ako ng malalim bago sinipat ang aking paligid. Panaginigp lang ang lahat. Malungkot akong napayuko. Naknampupu oh! Panaginip na naman pala!   Padabog na ibinagsak ni Tiya ang balde na pinagsalukan niya ng tubig para ibuhos sa'kin. Ayos! Instant ligo na agad. Lalagayan ko na lang ng vitress para hindi mamaho ang buhok kong walang shampoo. Pupuslit na lang ako ng ilang patak nang lotion sa kabinet niya para hindi halata na hindi ako nagsabon. Mabuti na lang at may kakinisan ang kutis ko kaya hindi gaanong halatang walang ligo.   Pupungas-pungas na dumiretso ako sa maliit naming kusina at inumpisahan ang pagtitimpla ng kape. Ang tanging almusal ko na kapag minalas, tanging laman ng tiyan ko maghapon.   "Hoy Alena, mamaya pag-uwi mo, magbihis ka lang at dumiretso ka na kina Ma’am Apple. Ikaw na maglaba doon" agad akong napatingin sa Tiya ko na ngayon ay prenteng nakaupo sa maliit naming sala.   "Tiyang, pwede po bang bukas na lang? May gagawin pa po kase ako sa school" padabog na hinampas niya ang lamesita sa kaniyang harapan kaya bahagya akong napatalon.   May school project kami na gagawin at kailangan na matapos iyon mamaya.   "Walang utang na loob na batang ito!" sabi niya habang palapit sa'kin. Kaagad naman akong napayuko, alam ko na ang susunod na mangyayari. "Baka nakakalimutan mo, Alena! Ako ang nagpalaki sayong bata ka!" sabay sampal niya sa'kin.   Mariin akong napapikit sabay dasal na sana ay hindi iyon mamula o mamasa.   "Wala akong pakialam diyan sa eskwela mo, ang importante makapaglaba ka kina Ma’am Apple dahil pera iyon! Pera! Naiintindihan mo ba?!" sabay dutdot niya sa sentido ko. "Animal na ito, wala ka na ngang silbi nagrereklamo ka pa! Sisihin mo iyang tatay mo na kinuha ka pa sa Nanay mo!"   Pasimple akong tumayo at pumunta sa kalan at nagluto. Pilit kong itinuon ang atensyon ko sa pagluluto kaysa isipin ang  paulit-ulit niyang sumbat sa akin. Ni wala na sa akin ang pagsampal niya, mukhang daily routine na niya iyon. Namanhid na rin ang katawan ko sa mga ginagawa niya.   Pagkatapos kong magluto ay kaagad akong nagpalit nang uniform papasok sa school. Pero bago iyon, dadaanan muna ako kina Ma’am Apple. Magpapaalam ako na baka mahuli ako ng dating.   Hindi ko na pinansin pa ang pagbubunganga ni Tiyang at iniwan na siyang parang sirang plaka. Dumaan ako sa isang malaking bahay sa may kanto. Ilang minuto ko muna iyong pinagmasdan bago nag-doorbell. Kaagad namang binuksan iyon ni Kuya Dante. Ang guard dito.   "Oh Alena, ang aga pa! Maglalaba ka na kaagad? Wala ka bang pasok sa eskwela?" hindi na niya hinayaan na makapagsalita pa ako dahil hinila na niya ako papasok sa kusina ng mansyon. "Aida! Nandito si Alena, may sobra bang almusal diyan?"   Pagkarinig pa lang ng salitang almusal ay agad na kumalam ang sikmura ko. Pero hindi ko iyon hinayaan na mamayani. Sa school na lang ako kakain kahit na wala naman akong baon. Wala pang gaanong tao sa kusina. Baka tulog pa sina Ma’am Apple. Kaagad akong nginitian ni Aleng Aida, siya ang punong mayordoma ng bahay. Mabait silang dalawa sa akin ni Mang Dante.   "Alena? Ang aga pa anak, mamayang gabi pa ang schedule mo para maglaba" pinaupo niya ako sa may tabi nang lamesa bago hinainan ng kanin at ulam, "Eto oh, alam ko naman na ginugutom ka niyang madrasta mong sugarol" alok niya sa'kin.   "Naku Aleng Aida, nakakahiya na po. Baka ho pagalitan kayo ni Ma’am Apple pag nalaman na pinapakain ninyo ako dito" nag-aalalang sabi ko.   "Bakit naman ako magagalit?" napalingon kami parehas sa nagsalita. Agad akong napatayo dahil sa kahihiyan. “Oh bakit ka tumayo? Hala kumain ka na Hija, ayos lang iyan, hindi ko babawasan ang sweldo ni Nanay Aida dahil lang pinakain ka niya" Hindi kaagad ako nakapagsalita.   Nasa harapan ko ngayon si Ma’am Apple na napaka ganda kahit na bagong gising lang. Hindi mo aakalain na may tatlo na siyang anak. Mukha talaga siyang Dyosa.   "S-salamat po, Ma’am Apple" saka ako umupo at kumain. Nalimutan ko na ngang magdasal dahil sa sobrang gutom ko. Basta na lang ako subo.   "Aba Alena, dahan-dahan lang, kailan ka ba huling pinakain ng madrasta mo at tila baga ikaw eh gutom na gutom?" tanong ni Aleng Aida.   Uminom muna ako ng tubig bago nakapagsalita. "Kahapon pa po ng umaga" mahinang sabi ko naman. Kitang-kita ko ang pag-iling ni Aleng Aida habang si Mam Apple naman nakatingin lang sa'kin.   "Anak, hindi pagkain ang kape" alam kase ni Aleng Aida na kape lang halos ang laman ng tiyan ko.   "Ma’am Apple, mamaya po pala, baka po medyo mahuli ako kase po may project akong tatapusin sa school" nginitian niya ako.   "Kahit bukas ka na maglaba, wala namang kaso sa'kin iyon, ang mahalaga matutukan mo ang pag-aaral mo" siguro kung hindi ko lang iniisip si Tiyang malamang natuwa na ako, kaso hindi.   Kapag hindi ako naglabada, walang pera, kapag walang pera bugbog ang aabutin ko kay Tiya.   "Salamat po Ma’am, pero kaya ko pa naman pong isama sa schedule ang paglalaba, isa pa po baka pagalitan lang ako ni Tiya kapag nalaman niya na hindi ako naglabada dito" marahas naman na napailing si Aleng Aida.   "Nakow Alena, ang sabihin mo kailangan na naman nang pera ng Madrasta mo para pang-sugal at ikaw na naman ang pinahihirapan niya" tiningnan ni Mam Apple si Aleng Aida. "Hindi ka naman binibigyan ng pera pambaon ng madrasta mo, puro kape lang ang pinapakain sa'yo"   Mabilis kong natapos ang pagkain ko at magalang na nagpaalam sa kanila. "Ma’am Apple, Aleng Aida salamat po sa pagkain, babalik na lang po ako mamayang gabi para maglaba"   Kaagad naman na may iniabot sa'kin si Aleng Aida. Isang baunan.   "Oh ayan, baon mo sa tanghali, aba nagku-kwento sa'kin si Jasmine na nasa library ka lang daw kapag tanghalian ninyo, tsaka ito pambayad mo sa school project ninyo" gulat na napatingin ako sa inabot ni Aleng Aida, "Galing iyan kay Ma’am Apple" agad akong napatingin sa ginang na nakangiti sa'kin.   "Naku Ma’am, salamat po ng marami dito" tumango naman siya habang pinupunasan ang mata. Di kaya napuwing?   "Siege po, aalis na ako" inilagay ko sa aking bag ang pabaon ni Aleng Aida saka lumabas sa gate ng mansyon. Kahit minsan minamalas ako, may mga panahon naman na ganito, swerte.   Kaagad kong itinago ang perang bigay ni Ma’am Apple. Mahirap na baka kung saan na naman ito liparin. Ayos din ito may baon ako, hindi na ako pagagalitan ni Ma’am Ramirez dahil palagi akong nakatambay sa library.   Dahil maaga pa naman, napagpasyahan ko na umupo muna sa puno ng mangga sa tapat ng room namin. Imagine malapit na akong matapos sa pag-aaral, konting tiyaga pa.   Ilang taon na lang at makakaalis na ako sa poder ni Tiya. Kapag natapos na ako ng college, talagang aalis na ako, kesyo mag-working student ako ayos lang!   Inilabas ko na lang ang notebook ko at nagbasa ng mga lessons namin. Mahigit 30 minutes na ang lumipas ng marinig ko ang pagkaripas nang takbo ni Jasmine.   Siya lang naman ang mahilig tumakbo na kilala ko. Kaagad siyang sumalampak sa tabi ko at dumungaw sa notebook ko, hoping na may makitang kakaiba.   "Ano ba 'yan! Akala ko naman tinutuloy mo iyong pagsusulat ng Lanea! Hindi mo pa ako hinintay kanina, dumaan ka pala sa mansyon" bored na sabi niya, "Ano na bang susunod na mangyayari? Sige na sabihin mo na!" excited na tanong niya.   May isinusulat akong isang kwento tungkol sa isang kakaibang mundo. Kapag wala akong gaanong ginagawa, iyon ang pinagkakaabalahan ko. Ang pagsusulat. At tanging kay Jasmine ko lang ipinapabasa ang mga isinusulat ko. Ang Lanea kase ay hango sa totoo kong buhay. Isa itong mundo na ginawa ko para makatakas sa mapait na katotohanan.   Oo, hindi naman talaga totoo ang Lanea, pero para saakin oo. Ito na lang kase ang tanging kinakapitan ko para mabuhay.   "Wala pa akong naiisip na kasunod, sasabihan naman kita pag meron na" saka ko iniligpit ang notebook ko. "Bilisan natin iyong paggawa ng project mamaya ha? Maglalaba pa kase ako kina Ma’am Apple"   Nakanguso naman na tumango si Jasmine. She's my best friend simula noong magkaisip ako. Anak siya ni Aleng Aida at Mang Dante. Mabait madalas, minsan sobrang sungit naman. Pero siya lang ang tanging kaibigan ko sa school kaya naman mahal na mahal ko siya.   Bakit siya lang ang kaibigan ko?   "Ayan na si Alena oh, balita ko ga-graduate daw iyan ah"   "Talaga? Baka naman alam mo na, may ginawa iyang kapalit noon, eh sobrang hirap kaya niyan!"   "Oo nga kaya nga pinabayaan ng sariling ina eh! Baka namatay sa konsumisyon na dala niya"   "Alena, wag mo nang pakinggan iyang mga 'yan, inggit lang sila kase maganda ka, matalino pa!" nginitian ko naman si Jasmine. Araw-araw ganito ang buhay ko. Tsismis sa school, pahirap sa bahay. Wala na talagang lugar na mapuntahan maliban na lang sa Lanea. Kaso nga lang imagination ko lang iyon.   Tahimik lang ako hanggang matapos ang klase. Tuwang-tuwa naman si Jasmine na kasabay akong kumain. Kung hindi dahil sa kaniya baka mamaya nag-collapse na talaga ako sa gutom.   Pag nangyari iyon, malamang bagong issue na naman ang kakaharapin ko. Swerte naman na wala ang teacher namin sa huling subject kaya naman maaga naming nagawa ang project namin.   Kaagad kaming dumiretso ni Jasmine sa mansion. Doon din kase sila nakatira, sa may likod ng mansyon kung saan ako maglalaba.   "Aba, mabuti namam kung ganoon, hindi ka gaanong gagabihin sa daan, isa pa kaunti lang naman ang mga ito, mga damit karamihan ni Sir Frank" nagkatinginan naman kami ni Jasmine sa sinabi ng kaniyang Mama.   Si Sir Frank ang binatang anak ni Ma’am Apple. Ang alam namin ay nasa Manila ito nagta-trabaho kasama ang dalawa pa nitong Kuya. Matanda lang sa amin ng mga apat na taon sina Sir Frank.   May crush si Jasmine kay Sir Frank. Kaya naman ang loka hindi umalis sa tabi ko habang ako naman nag-uumpisa ng magsalang sa washing machine. Ihahagis ko na sana lahat ng mga damit ng biglang may sumigaw mula sa loob ng mansyon.   "WAIT!!!" napatigil kaming dalawa ni Jasmine sa sumigaw at humahangos na palapit sa’min. "Woah! Buti naabutan ko pa! Nandiyan ba iyong pantalon ko?" tanong niya sa'kin.   Si Sir Frank pala!   "O-opo Sir, nandito po" sabay abot ko sa kaniya ng ilang pantalon. Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag.   "Buti na lang talaga!" saka siya napatingin sa akin. "Teka, Alena? Nasaan na iyong matandang babae? Iyong tiyahin mong sugarol? " tanong niya.   "Wala po si Tiya, ako po muna ang papalit sa kaniya sa ngayon, baka po sa susunod na linggo siya na ulit" nangasim naman bigla ang mukha niya.   "Nah! Ayoko sa matandang iyon, sige eto na oh, may kinuha lang ako" saka siya umalis at tinapik ako sa balikat. Mas lalong gumwapo si Sir Frank, dati tinatanaw lang namin silang magkakaatid sa malayo, ilag kami sa kanila dahil sa estado ng buhay namin, pero tulad ng kanilang Mama, sadyang mababait rin sila at hindi kami itinuturing na iba.   Bigla ko lang naisip, bagay kay Sir Frank ang maging character sa kwento ko. I smiled.   Siya ay magiging si Elias!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD