“KAYO NA?!”
Sabay-sabay na pagkagulat ang gumuhit sa mga mukha ng kaibigan nina Vander at Ticia nang sabihin nilang sila na. That’s it, they’re officially dating. Nang tingnan naman ni Ticia ang reaksyon ni Zeek nang sabihin niya kung ano ang relasyon nila ni Vander ay hindi pagkadismaya ang nakita niya kundi pagdududa. Nakakunot ang noo at nakataas ang isa nitong kilay. That’s the sign of disbelief. I need to do something para maniwala siya.
After seeing the reaction of Zeek, she grabbed Vander’s arm, held it and leaned on his shoulder. “Yes, he’s my boyfriend now,” she confirmed. “Right, babe?” dagdag pa niya nang tingnan nang malagkit si Vander. Maging si Vander ay nagulat sa ginawa niya. Pero alam naman nito na kailangan nitong sakyan iyon dahil in the first place, siya ang nakaisip na magpanggap sila.
“Yes, babe,” Vander said then kissed her forehead. A sweet gesture might help to make them believe their relationship is genuine even if it’s not. Mukha rin namang kinilig ang mga kaibigan ni Ticia dahil sa mga ngiting ipinapakita ng mga ito.
Doon pa lamang nakita ni Ticia na nagbago bigla ang mukha ni Zeek. She saw him shaking his head with a bit of smile on his face. Hindi niya mawari kung nasasaktan o nasisiyahan sa nakita. Hindi naman kasi ganoon kadali mabasa ang emosyon ng mga lalaki dahil mostly ng mga lalaki, tinatago ang totoong nararamdaman. But the important thing was, they made him believe.
“Congrats, you won this time,” Zeek said after she tapped Vander’s shoulder. He was like surrendering and waving the white flag drawn on his face.
“Salamat. I hope you won’t bother my girl from now on,” Vander replied. My girl? Parang ang sarap pakinggan para kay Ticia ng mga katagang iyon. Though he was just pretending but hearing those words from Vander was giving her the feeling of … unusual. Basta! Hindi niya maipaliwanag.
Zeek raised his both arms and said, “Promise.”
“Good.” Vander smiled.
Ganoon kasimple mag-usap ang mga lalaki. Isang salita lang at wala nang paliwanagan. Ticia observed that. Para bang nagkakakunawaan sila sa mga tingin at salita lang. But when she was talking to Vander, hindi niya maramdaman kung sincere ito o pinagtitripan lang siya.
“Just promise me one thing,” habol naman ni Zeek.
“What?” tanong ni Vander.
“If you ever hurt her, I won’t hesitate to take her from you.” Zeek’s eyes is like swearing by the way he looks at Vander.
“Don’t worry. It won’t happen,” Vander assured.
“Mabuti naman.”
Napatikhim na lang si Drae sa kanila bago pumagitna sa dalawa nitong kaibigan na nagsusukatan ng tingin. “I hope we can still be friends after this.”
“Oo naman!” korong sagot nina Vander at Zeek.
Duda pa si Ticia sa sagot na iyon ng dalawa, pero mukha namang kahit anong mangyari ay hindi masisira ang pagkakaibigan nilang tatlo.
“Masyadong mababaw kung babae lang ang pag-aawayan namin. Besides, we had a deal before na kahit iisa tayo ng babaeng nagugustuhan, hindi sasama ang loob ng isa,” narinig niyang paliwanag ni Zeek. Now she learned how their friendship work.
***
AFTER that conversation, nagsimula na ang pretending era nina Vander at Ticia. As a starter pack, kailangan nilang kumain nang magkasabay, maglakad nang magkasabay, pumasok at umuwi nang magkasabay. Hindi sanay si Ticia sa ganoong set up. She’s enjoying her time alone. Pero dahil nga kailangan nilang mag-pretend, kailangan din niyang sanayin na palaging nakadikit sa kanya si Vander at makunwaring sweet sa isa’t isa.
They were sitting on the bench together. Ticia was browsing her socials while Vander was reading a book. Doon pa lang niya napagtanto na mahilig palang magbasa ng libro ang binata. Hindi halata sa hitsura nito dahil mostly ng mga lalaking kilala niya ay kundi sports ang hobby, computer games naman ang hilig.
She suddenly felt bored scrolling her phone. Paulit-ulit na lang kasi ang nasa feeds kaya tinigilan na niya. She sighed then stared at Vander who was doing his thing. Doon pa lang niya natitigan nang malapitan ang binata. Napakalmado ng mga mata nito sa mga oras na iyon. Kapansin-pansin din ang matangos nitong ilong na para bang sinukat ng ruler sa sobrang tuwid. His jawline was also perfectly attractive when it’s clenching. Pero ang mas nakapukaw ng kanyang atensyon ay ang mga labi ni Vander and a thought came to her mind, ilan na kayang mga babae ang nahalikan ng mga labing iyon ng binata?
“I will allow you to kiss it if you want to,” bigla nitong sinabi. Nababasa ba niya ang nasa isip ko? Mabilis na ibinaling ni Ticia ang atensyon sa ibang tanawin.
“A-Ano bang sinasabi mo?” maang niya.
Bigla namang isinara ni Vander ang binabasa nitong libro bago mabilis na lumapit sa kanya at nakipagsukatan ng tingin. Ilang sentimetro na nga lang ay maglalapit na ang mga labi nila. “I saw you staring at me down to my lips.” Ganoon ba talaga kalawak ang peripheral view ni Vander para mapansin niya iyon?
“Namamalikmata ka lang siguro.” Akma niyang itutulak si Vander pero bago pa man niya makabig ang dibdib nito ay nahawakan na ng binate ang kamay niya.
“What if I want to kiss you right now? Are you going to allow me?” he asked.
“Ha?” Hindi malaman ni Ticia kung paano niya sasagutin ang tanong na iyon. Bakit naman bigla siyang gustong halikan ni Vander? Sa pagkakaalam niya ay self-help book ang binabasa nito kanina at hindi romantic novel. Paano nito naisip ang mga bagay na iyon?
Wala na lang siyang nagawa nang maramdaman ang unti-unting paglapit ng mukha ni Vander sa kanya. He was getting closer and closer kaya hindi rin niya alam kung bakit awtomatikong nagsara ang mga mata niya nang kusa at hindi nagpapaalam sa kanya. Para bang nagkaroon ito ng sariling buhay para pumikit. Ramdam niya ang mainit na hininga ng binata na mas tumitindi habang unti-unting lumalapit sa kanya.
This is not the first time we’re going to kiss but why it feels different this time? Siguro dahil biglaan ang halik na ginawa niya kay Vander noon kaya parang balewala lang sa kanya iyon pero ngayon, mas bumilis ang t***k ng kanyang puso.