Maaga akong nag-out sa trabaho since tapos ko na lahat ng ipinapagawa sa akin ni Nero. Nagpaiwan naman sina Sol at Aaron dahil kailangan pa nilang ayusin ang mga biscuits at drinks sa mga kahon. Monitoring na kasi next week for phase two, kaya kailangan handa na lahat. Tutulong na sana dapat ako, pero sabi ni Sol ay kaya na raw nila. Alam kong matatagalan pa sila roon, kaya hindi ko rin maiwasang mag-alala. Nag-iwan na lang ako ng pang-meryenda nila para kahit papaano ay hindi sila magutom. Nandoon din naman si Nero, na abala sa pagpipirma ng kung anu-ano. Hindi ko na nagawang silipin kung ano mismo ang pinipirmahan niya, nagpaalam lang ako. Alam naman niya kung saan ako pupunta. He actually insisted on driving me there, but I refused. Iniiwasan kong ma-issue. Baka may nakamata sa amin

