“Wala!” agap ko. “Magluto ka lang diyan!” sigaw ko pa habang pinanlalakihan ng mata si Steph, na naniningkit ang mga mata kakangiti. Bwisit! Sinenyasan niya ako na hindi na siya uulit, kaya saka ko pa lang tinanggal ang kamay ko mula sa bibig niya. “Hindi na,” nakangising sabi niya sabay tango ng paulit-uulit. Nakahinga ako ng maluwag at napasapo ng noo. “Pahamak ka talaga kahit kailan,” bulong ko. Akala ko kapag nakabalik na siya rito, papayuhan at sasamahan lang niya ako. Hindi ko inakalang mas malala pala sa inaasahan ko. Maya-maya, tinawag na kami ni Nero. “Dinner’s ready,” sabi niya kung saan nakahain na ang lahat sa lamesa. Umayos kami ng upo, at tahimik na nagdasal bago nagsimulang kumuha ng pagkain. It was simple food, pero halos lahat paborito ko. And knowing that Nero cook

