PROPOSAL

1078 Words
Tumayo na ako nang maramdaman kong umayos na ang pakiramdam ko. I was holding the wall when I got out of the bathroom. Nararamdaman ko ang pagtib0k ng ulo ko, kaya minsan napapatigil ako sa paglalakad, pinipilit huminga nang malalim para hindi na naman bumigay ang tuhod ko dahil sa pangangatog. I close my eyes tight as I continued walking towards my bed. No'ng malapit na ako, dumilim ang paningin ko. Pakiramdam ko hinihigop ang lakas ko palabas sa katawan ko, and just like that, I passed out. Paggising ko, madilim na. Nakaayos din ako ng higa sa kama at naka-kumot. May pumasok ba sa kwarto ko? Pero sino? Saglit akong napatitig sa kisame, sinusubukang alalahanin ang huling eksena bago ako mawalan ng malay, pero wala. It was plain black. Since I felt better now, I got up, and made my way to the bathroom. I washed my face, brushed my teeth, and stared at myself in the mirror longer than necessary, checking if I looked the way I felt, but I was not. Namumutla ako, halatang bagong gising, pero kapansin-pansin na para bang wala kabuhay-buhay ang awra ko. Nang magsawa na ako sa mukha ko, lumabas ako ng banyo at nagbihis agad. Umupo ako sa gilid ng kama at cheneck ang phone ko. No'ng makita kong maraming notification, pinatáy ko agad at ibinalik sa bedside table. Wala akong ganang magbasa ngayon ng messages at update. “Anak?” Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Mama sa labas. “Pinapatawag ka ng Papa mo. Baba ka raw saglit. Your Tita Rose and Tito Herald would like to see you too. Miss ka na raw nila.” Napabuntong hininga ako. “Opo, Ma. Sunod ako.” Nang maramdaman kong umalis na siya, nag-ayos ako. Inayos ko ang nakalugay kong buhok, naglipgloss at nagpabango. I don't usually wear perfume, but for some reason, I felt like wearing one. I gathered all my courage and got out of my room. Habang pababa ako ng hagdan, rinig na rinig ko ang tawanan at usapan nila tungkol sa kasal ng kung sino. Nang makababa na ako, tumayo agad si Nero. Lumapit siya sa akin pero nilagpasan ko lang siya, diretso ang tingin sa harap, ignoring his existence. I felt his surprise, the way he froze for half a second. I saw it from the corner of my eye. His jaw tightened, his hand half-raised as if he wanted to stop me but didn’t dare. “Rumi...” I heard him whispered. I immediately went to Tita Rose, kissed her on the cheeks, ganoon din kay Tito Herald. Pareho silang ngumiti sa akin na para bang ang tagal nila akong hindi nakita. Tumingin ako sandali kay Papa at Mama, at hilaw na ngumiti. “Magandang gabi po,” I greeted them with a smile. Uupo na sana ako sa tabi ni Mama nang hatakin niya ako paupo sa tabi ni Nero. “Ma—” “Sige na, anak,” sabi ni Mama na nakangiti habang tumatango. “Mag-ayos na kayo.” I have no choice but to sit beside him. Ramdam ko agad ang init ng katawan niya nang magdikit kami. Ang lapit-lapit niya, at medyo hindi ako komportable lalo na nandito ang mga magulang namin. I kept my hands on my lap, fists clenched, breathing slowly. “Rumi,” mahinang tawag ni Tita Rose kaya agad ko itong tiningnan. “Are you okay? You look pale.” “Ayos lang po ako,” sagot ko at pilit na ngumiti. “Medyo napagod lang po kanina. Nagdistribute po kasi kami ng kits sa mga bata.” Naramdaman kong tumingin si Nero sa akin, pero hindi ko pinansin. It felt like he wanted to ask something, but he held himself back. That was probably for the best. I didn’t want to answer anyway. “Kumusta naman ang trabaho mo sa barangay, anak?” singit ni Tito Herald. “Hindi ka naman siguro tinatambakan ng trabaho ni Nero?” I forced a smile. “Hindi naman po.” Saglit kong sinulyapan si Nero sa tabi ko na napakamot ng batok. Saglit na katahimikan ang namayani bago muling umingay ang usapan. But in the middle of all the laughter and conversation, I was in my own world, thinking about what happened earlier, na paano kung buntis talaga ako? Napapikit ako ng mariin. Ang bigat sa dibdib. Wala akong mapagsabihan. Hindi ko maiwasang mag-overthink. Bigla, naramdam ko ang marahang pagdampi ng kamay ni Nero sa likod ng sofa, malapit sa braso ko. He didn’t touch me, yet he was close enough that I could feel his warm skin, his heavy breathing. “Are you okay?” bulong niya, halos dumikit na sa akin para masigurong marinig ko ang sasabihin niya. “Masama ba ang pakiramdam mo?” Hindi ako sumagot. Hindi ko rin siya sinaway. Nanatili lang akong nakaupo ro’n, nakikinig sa usapan ng matatanda, habang sa loob ko, may isang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa akin, isang tanong na ayokong sagutin pero hindi ko rin matakasan. Sasabihin ko ba sa kanya? O ililihim ko na lang? Hindi pa naman sigurado kung buntis ako. Baka napagod lang ako ng sobra kaya nasuka ako at nahilo. Huminga ako ng malalim, handa na sanang kausapin siya nang bigla niyang ihilig ang ulo ko sa balikat niya. “Tulog ka ulit,” mahinang saad niya. “I know you're tired.” Sinubukan kong tumingin sa kanya, pero hinawakan niya ang ulo ko. He gently caressed my hair, making me feel sleepy. And to my surprise, he even kissed me there. “Nero...” “Sorry, nadala...” Natahimik ako. “Nasanay lang,” dagdag niya. “Sleep na. Dito lang ako.” Hindi na ako umimik. Papikit na sana ako nang marinig ko si Papa na tumikhim kaya napamulat ako. Umayos agad ako ng upo at kumurap-kurap. “Sorry, Pa.” Nagbaba ako ng tingin, ngunit nagulat ako nang biglang hawakan ni Nero ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. “Nero...” Sinubukan kong bawiin sa kanya ang kamay ko dahil nakatingin sa amin si Papa, pero hindi siya nagpatinag. Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa akin. “Nero please—” “Tito Arch, there’s something I’d like to say,” Nero said, his voice was firm and confident. “I’d like to ask for your daughter’s hand in marriage,” dire-deretso niyang sabi na nagpanganga sa akin. Nababaliw na ba siya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD