Pupuntahan ko na sana si Luigi nang biglang hawakan ni Nero ang pulso ko. Napatingin ako sa kanya, a bit shocked by his action. May kailangan pa ba siya? O gusto talaga niya akong pigilan? “B-Bakit?” tanong ko, medyo gulat pa rin. “Hindi pa ba tapos ang presentation?” Sandali niya akong tinitigan bago niya inilipat ang tingin sa lalaking nakatayo pa rin malapit sa pintuan. There was a long pause. The tension was heavy, and I felt like I was about to suffocate. Pakiramdam ko lumiit ang espasyo sa loob ng conference room. Ang bigat sa pakiramdam. “Here,” basag ni Nero sa nakakabinging katahimikan. “Sayang kung hindi mo uubusin.” Isinilid niya sa kamay ko ang ice cream bago walang imik na dumaan sa gilid ko at lumabas ng silid. Sumunod agad sa kanya sina Aaron at Sol, tahimik, walang ni

