ASHLEY'S POV
Pagdating sa guestroom ay in-on ko ang TV at sumalampak sa sofa.
Bwisit na lalaki yun! Hindi kasi kinukompleto yung sinasabi kaya na misunderstood ko, Tsk Tsk! Pinagtawanan pa ako ng sobra. Tawang walang bukas ang peg eh, takte!!. Happy pill yata ako nun ngayon, first time akong tawanan ng ganun eh. May pa make me happy pa na kondisiyon eh ang dali dali lang pala. Tsk Tsk!
*Door Opens*
"Wala ako sa mood makipag usap sayo Kyro!" Sigaw ko sa kaniya.
"Ha, tologo bo? Bakit kinausap mo ko kagad? BWHAHAHAHA!" Sabi niya at tuluyang pumasok. Sinara niya ang pinto.
"Ano bang ginagawa mo dito? Mang aasar? Tsk," sabi ko at bumaling sa TV.
"Hala ansungit! BWHAHAHAHA make me happy na.... in bed HAHAHAH," sabi niya na ikinagulat ko at agad siyang binalingan.
"W-what?!"
"Make me happy na... in bed HAHAHAHAH."
"Whaaaaat?!"
"Make me happy na... in bed," sagot niya.
"Ang tibay din at inulit ulit pa nga. Make your self happy, *lol ka," sabi ko at masama siyang tiningnan.
"BWHAHAHAHA mas happy kung nandyan ka eh. Tara na," sabi niya at akmang lalapit kaso agad akong tumayo at lumayo sa kaniya.
"H-huwag kang lalapit! Huwag kang lalapit!" Naiiyak na sabi ko. Napansin kong natigilan siya.
"I-I'm sorry, I'm just kidding here. Sorry," sabi niya.
Napailing ako at bumalik sa pagkakaupo sa sofa. "That's not a good joke. May phobia ako sa ganiyan kaya ganun ang iniaasta ko. I have bad past kaya.... natatakot ako sa bawat paglapit mo ngayon. Ang pangit mo kasing magbiro eh! Tsk," sabi ko.
Umupo siya sa isang sofa katapat ko at bumaling sa TV. "Hmmm... muntik ka ng.... ma-r**e?"
Natawa ako, "Yup, at hindi ko talaga inaasahan ang magtatangka sakin nun. Sarili kong.... pinsan."
"Ohhhh.. That's Family Stroke! HAHAHAH!" Biglang hiyaw niya.
"Ha, adik ka. Matatawag lang yun na Family Stroke kung pumatol ako!" Sigaw ko sa kaniya.
"Okay...okay HAHAHAH! Easy lang, ang hot mo eh," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"A-ang hot ko?!" Tanong ko.
"Oum HAHAHAH, ang hot ng head mo? BWHAHAHAHAH assuming ka," sabi niya pa.
"Bwesit ka! Umalis ka na nga rito! Trip na trip mo ko ngayon eh! Ang tindi mo mang asar! Lumabas ka na," sabi ko at nilapitan siya. Hinila-hila ko siya patayo pero halatang nagpapabigat siya.
"HAHAHAH buhatin mo ko kung gusto mo kong mapalabas," sabi niya.
"Tayo na diyan! Bilis bilis, nakakaimbyerna ka ngayon," sabi ko at hinila hila siya pero... NAGPAPABIGAT TALAGA SIYA!!
Asar ko siyang binitawan at aalis na sana sa harap niya ng hilain niya ako bigla. Napasubsub tuloy ako sa dibdib niya.
"Hoy, tarantado ka talaga minsan eh!" Sabi ko at kakawala sana sa bisig niya kaso mahigpit ang yakap niya.
"You're free to leave mamayang gabi, ipapahatid kita sa isa sa tauhan ko. Masyado ka ng nagtatagal dito at hindi pwede yun," hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kaniya.
"Sorry kung ang lakas ko mang-trip ngayon HAHAHAHA. Ini-enjoy ko lang yung natitirang oras na nandito ka. Hmmm, thanks for everything."
Nalito ako," You mean... malaya na ako mamayang gabi? Bakit? I m-mean, may deal tayo ah?" Tanong ko.
"Hmmm, pansin mo man o hindi, ang pintong yan ay hindi talaga naka-lock pag-gabi," sagot niya.
"H-hindi?! Bakit hindi niyo nilolock? Paano kung tumakas nga ako?" Tanong ko pa.
"But, you didn't do. Hindi ko pinapalock yang pinto dahil gusto kong malaman kung tatakas ka kagaad kapag nalaman mong... hindi pala nakalock yan," sagot niya.
Tumayo ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Sooo... mamayang gabi. Hmmm, thanks din."
"Why? HAHAHAHA," tanong niya.
"Hmmm, dahil hindi mo ko binaril noong unang kita natin? Ready na ko nun eh. Ngayon, excited na ako makalabas uliiiiii! Yipeeeeee," hiyaw ko nginitian siya. "Thank you talaga!"
"Hmmm, I gotta go," sabi niya at tumayo. Lumabas na siya.
Hmmm, that's sounds lame talaga HAHAH! Pero thanks God! Makakalabas na rin ako. I'm so damn excited to go home naaaaa!!!