NAALIMPUNGATAN si Esmeralda sa tunog ng motor mula sa taas. Animo’y may malaking lamok na bumubulong sa kanya. Madaling-araw na siyang nakatulog dahil nagkwentuhan sila ni Richard buong gabi. Hindi na niya pinigilan ang sarili. Gusto niya na maraming alaala sa unang lalaki sa buhay niya. Nagtrabaho daw ito sa isang cruise ship kaya maraming bansang napuntahan at kalaunan ay nakaipon. Nakaka-inspire ang mga kwento nito. Kung gaano ito kahilig sa adventure at iba’t ibang extreme sports. Kung paano nito na-enjoy ang mga kultura at tradisyon sa iba’t ibang bansa sa mundo. At sa loob ng isang gabi ay hinayaan niya ang sarili na mangarap na balang-araw ay mararating din niya ang mga iyon. At sa kanyang pangarap ay kasama niya si Richard. Nang buksan niya ang bintana ay nakita niya ang chop

