We won pero ang bagsak ko ay dito sa clinic. Kanina pa rin ako pinapagalitan ng doctor. Sa sobrang tigas daw ng ulo ko ay wag na akong umasa na gagaling ako. Mariin pa akong napapikit nang maalala ang nangyari kanina. Last set na, lamang ng isa ang kalaban. Sobra na ang kirot ng binti ko. Laking pasasalamat ko na good serve ang nagawa ko at hindi nakuha ng kalaban. Lalong naging crucial ang laban. It's a tie. We need to break it bago pa kami maunahan ng St. Celestine. Tinawag ko na ang lahat ng Santo na kilala ko bago tumalon at magspike. St. Celestine lost the ball. Malakas ang sigawan, nagsasaya ang mga taga St. Scholastica kasabay ng pagbagsak ko. I can't help but to scream. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Troye. Namilog ang mga mata ko nang makitang tumalon siya mula sa bleachers pa

