Days had passed at ganoon na ang routine namin ni Troye, he will pick me up in the morning and we will have our breakfast here with Mama. At sa hapon ay ihahatid niya ako sa bahay at inaabot nang ilang oras bago siya umuwi kahit na may mga time na hindi ko na siya pinapansin dahil nag-aaral ako. "In fifteen minutes ay nanjan na kami. I love you." Napangiti naman ako. "I love you too. Ingat ka." Sabado ngayon at nagplano sila na pumunta sa bahay nila Eiron sa Montecarlos, ang sabi nila ay meron daw falls sa likod ng farm nila Eiron at doon kami maliligo. "Mag-ingat kayo Zira, ah?" pagpapaalala ni Mama. Tumango naman ako. "Oo naman, Ma." Wala pang fifteen minutes ay nandito na sila Troye. Imbis na magmotor papunta doon ay ang van nila Vince ang sasakyan papunta doon. "Hi!" bati

