Papunta na ako sa gymnasium para sa practice namin ng volleyball at mabuti na lang ay nakumbinsi ko si Queen na mauna na siyang umuwi. Sa b****a ng gymnasium ay nakatayo si Gio.
"Hi, Zira!" He smiled.
"O, Gio." Nginitian ko rin siya. "Bakit ka nandito?"
"May practice rin kami ng basketball sa open court. Sabay ka na sa akin pag-uwi mamaya?"
Tumango naman ako. "Okay sige, kapag sabay natapos 'yong mga practice natin."
Lumawak naman ang ngiti niya. "See you later."
Kumaway pa ako sa kanya bago pumasok sa gymnasium. Nakakaloko naman akong tinignan ni Eleanor.
"Bakit, Kapitana?" tanong ko.
Napatili pa ako nang kurutin niya ang tagiliran ko. "Ikaw, ah? Sino ba sa kanila? Lacosta o Salvatore?"
Lumingon naman si Shaneya nang marinig niya ang apelyido ni Troye.
"Wag ka maingay, Kapitana!" saway ko sa kanya. Humilig pa ako para bumulong. "Boyfriend ni Altamirano si Lacosta."
Namilog naman ang mga ni Eleanor. "Really?"
Hindi siya makapaniwala. Tumango naman ako.
Maayos ang daloy ng practice namin nang biglang pumasok si Troye. Mabilis ang paglalakad niya papunta sa amin at kitang kita ko ang pag-igting ng mga panga niya.
Galita siya. Lagi siyang mukhang galit pero ngayon galit talaga siya. He's fuming mad!
Napasinghap kami nang haltakin niya ang braso ni Shaneya. Kitang kita ko ang pagngiwi ni Shaneya sa sakit nang pagkakahawak ni Troye sa braso niya.
"Excuse me, Coach. There is an emergency."
Hindi ako naniniwala kaya naman sinundan ko sila nang kaladkadin niya si Shaneya.
"Troye! Nasasaktan si Shaneya!"
Tumigil sa paglalakad si Troye at matalim na tumingin sa akin. "Wag kang makialam, Zira!"
Parang may kung ano namang dumagan sa dibdib ko nang sigawan ako ni Troye. Kahit gusto kong balewalain ang nangyari kanina ay hindi ko magawa.
Nakakainis!
Napalakas nang sobra ang pagkakaspike ko sa bola kaya tumama sa mukha ng isa naming ka-teammate.
"Sorry!" natatarantang sabi ko.
"Ang solid noon, Zira!"
Rinig ko ang bahid ng tuwa sa boses ni Coach.
"I'm sorry, Diane!"
Nagthumbs up naman siya sa akin.
Quarter to 7 na natapos ang practice at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Shaneya.
"Dalhin niyo na lang ang gamit ni Shaneya sa HQ, nagtext siya at hindi na siya makakabalik. May emergency raw," ani Coach.
Hindi ako naniniwalang may emergency! I can't believe you, Troye Lacosta! Talagang kinaladkad niya ang girlfriend niya?
Kakalabas ko palang ng HQ ay namataan ko na si Gio na palapit sa akin. Nakapagpalit na rin siya ng damit.
"Let's go?"
Tumango naman ako at pinilit ngumiti.
"Zira, would you mind if we eat dinner first before I drop you home?"
Naaalangan pa na tanong ni Gio. Papunta kami ngayon sa parking lot.
"Ah, sige. Pero saglit lang, ah? Baka kasi mag-alala na sa akin ang parents ko."
Masaya naman siyang tumango. "Kakain lang tayo tapos ihahatid na kita sainyo."
Tumango na lang ako at tipid ng ngumiti.
Nang nasa may parking lot kami ay natanaw ko si Troye na nakaupo sa motor niya at may hawak na sigarilyo.
"Wait lang," pagpapaalam ko kay Gio.
Tinungo ko ang kinaroroonan ni Troye.
"Ano ba?"
Singhal niya nang agawin ko ang sigarilyo tsaka itinapon sa sahig at inapakan.
"Can't you see?" Tinuro ko ang sign na nasa pader.
"No smoking, Troye!" naiinis na sabi ko.
"Masyado ka nang nangingialam, Zira."
Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi ni Troye. Sinuot niya ang helmet niya at pinaharurot ang motor niya.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Gio.
Tumango naman ako.
Tahimik lang kami ni Gio sa sasakyan. Hindi siya nagsasalita at nanunuri lang ang mga mata niya sa tuwing sinusulyapan niya ako.
Tumikhim siya. "Anong meron sainyo ni Troye Lacosta?"
Muling nabuhay ang inis nang marinig ko ang pangalan ni Troye.
"Magkaibigan lang kami," madiin na sabi ko.
"He likes you."
It's not a question.
Tinignan ko si Gio. "May girlfriend na 'yong tao."
"But he likes you."
Napabuntong hininga naman ako.
He just thrilled 'cause he can't have me. Hindi ako kagaya ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya kahit na may girlfriend na siya.
Kumain kami ni Gio sa isang grilled restaurant sa may Sentro.
"Remember this?" tanong ni Gio sabay ngisi.
Nanlaki naman ang mga mata ko. It was a valentine card na isiningit ni Queen sa locker ni Gio. Para kasi matapos na raw ang pag-aaway namin kay Gio ay kailangan naming magconfess at masyado kaming assumera na isa sa akin ay crush ni Gio.
Nag-init naman ang mukha ko. "Akin na 'yan!"
Sinubukan ko pang kunin ang card pero nilayo niya sa akin 'yon.
He smired. "Why?"
"Nakakahiya, Gio!" Napatakip pa ako sa mukha ko.
He chuckled.
"Bata pa ako niyan. First year high school palang." Lumabi ako.
"Exactly! Kaya hindi kita maligawan noon dahil mga bata pa tayo pero nang mag-Senior high school na tayo ay boyfriend mo na si Dustin. He's my friend kaya hinayaan ko na lang siyang ligawan ka. Akala ko kasi ay mas malalim ang nararamdaman ni Dustin kesa sa nararamdaman ko para sa'yo, Zira."
Medyo lumundag ang puso ko sa sinabi ni Gio.
"You mean?"
"Yes. I'm crushing on you since we were in Grade 4."
Namilog ang mga mata ko. "Hindi nga? E, bakit parang hindi mo ako pinapansin?"
"I hate to admit it pero natotorpe ako sa'yo, Zira."
Humalakhak naman ako.
"I admire how smart and beautiful you are. You're always the rank 1 in our grade level at nahihiya akong kausapin ka."
"Seriously? Ang isang Gio Salvatore? Ang heartthrob sa buong batch natin ay nahihiyang kausapin ang isang Zira Trinidad?" Natawa pa ako.
"I'm shy because you are Zira Rafaela Trinidad."
Napailing na lang ako.
"Hanggang kelan mo ako naging crush?"
Sobrang awkward ng tanong niya na 'yan kung crush ko pa rin siya hanggang ngayon.
"Hanggang noong bago ako ligawan ni Dustin. Narealize ko rin na imposibleng magustuhan mo 'ko. You like cheerleaders."
"Damn! I don't like cheerleaders, I like volleyball player."
Humagalpak naman ako sa tawa. "Ewan ko sa'yo!"
Bigla naman siyang sumeryoso.
"Bakit?" I asked.
"Paano kung ligawan kita? Papayag ka ba?"
Namilog naman ang mga mata ko. "Are you serious?"
"Do I look like I'm not?"
Mas seryoso siya sa pagkakataon na 'to.
"I don't think so. Kakagaling ko lang sa isang failed relationship and I don't think na nakafully moved on na ako."
He smiled. "I can wait, Zira. I will wait."
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Kita ko ang pagiging desidido niya. Siguro kung kagaya noon na gusto ko si Gio ay baka nanginig na ako sa kilig.
"We'll see, Gio."
Tumango naman siya.
Nagpasalamat ako nang nasa may tapat na kami ng bahay ko.
"Daanan kita bukas ng umaga?"
Kitang kita ko ang excitement sa mukha ni Gio pero agad din na nawala 'yon nang umiling ako.
"Hindi na."
Nagpumilit pa siya pero hindi talaga ako pumayag. Bukas ay papasok ako ng maaga dahil meron akong gagawin.
"Nakakotse na si Troye?" tanong ni Mama.
Umiling ako. "Hindi si Troye iyon, Ma."
Kumunot naman ang noo niya. "Sino?"
"Si Gio Salvatore po."
"Ha? 'Yong childhood crush mo?"
Namilog pa ang mga mata ni Mama. Tumango naman ako.
"Bakit? Hoy, Zira! Oo maganda ka dahil namana mo iyon sa akin pero hindi maganda 'yong ganyan na naglalaro ka ng puso ng mga kalalakihan. Oo maganda ang lahi natin pero wala sa lahi natin ang lalakero."
"Mama!" singhal ko. "Wala akong lalaki. Ano ba!"
Naningkit lang ang mga mata ni Mama. "Hay naku! Pinapaalalahanan lang kita, Zira, dahil totoo ang karma!"
I rolled my eyes. "Ewan ko po sa'yo, Ma. Aakyat na ko. Nagdinner na rin po ako." Humalik lang ako sa pisngi niya at umakyat na.
"Hindi porket maganda at matalino ka ay pwede ka na maglaro ng lalaki, Zira, ah!" sigaw pa ni Mama.
Napailing naman ako.
Hay naku! Si Mama talaga.
Kahit na inaantok na ay nakuha ko pang maligo dahil nanlalagkit ang pakiramdam ko. Nagpapatuyo ako ng buhok nang magvibrate ang phone ko. Nataranta pa ako sa pagkuha ko ng phone ko pero may iba akong naramdaman nang makitang si Gio pala ang nagtext. Oo na! Ineexpect ko na magtetext sa akin si Troye para man lang magsorry sa pagsigaw niya sa akin kanina sa gymnasium at sa parking lot.
From: Gio
Hi, pretty! Still awake?
To: Gio
Yup. Nagpapatuyo pa ako ng buhok, kakatapos ko lang maligo.
Mabilis naman siyang nagreply.
From: Gio
Pwede ba tayong sabay maglunch bukas?
To: Gio
Kasabay ko kasi si Queen maglunch, wala siyang ibang kasabay kung hindi ako.
From: Gio
Pwede namang isama natin siya.
To: Gio
I'll try, Gio.
Hindi ko na nireplyan pa ang huling text ni Gio. Hinayaan ko na lang na isipin niya na nakatulog na ako.
Hindi mawala wala sa isip ko si Troye.
Bakit ba siya nagagalit sa akin? Dahil ba sa hindi ako pumayag na maging kabit niya? O, dahil nabuking ko ang pagiging babaero niya?
Ngumuso naman ako. Kahit naman papano ay may pinagsamahan naman kami ni Troye.
"Zira? Parang malungkot ka?" tanong ni Zaivier.
Umiling naman ako. "I don't know, Zaiv."
"Are you thinking about another man, Zira?" paratang niya.
Umiling naman ako. "Of course not, Zaiv! I just feel sad and I don't know why. Maybe I'm just afraid na magkakalayo tayo? Summer is near to end."
He reached for my hands. "Hindi tayo magkakalayo Zira, okay?"
"Pero paano kapag nagpasukan na?"
He smiled. "I'll find ways para hindi tayo magkahiwalay, Zira."
Hindi ako nagsalita.
"Do you trust me?"
Tumango naman ako pinilit kong ngumiti. "Of Course, Zaivier."
Hindi ko alam kung ano ba 'tong bumabagabag sa akin pero mabuti na lang din ay bumalik na 'ko sa usual self ko nang maligo kami ni Zaivier sa dagat.
"I don't want to leave this place anymore, Zaivier. I don't want to leave you."
Ngayon ay nakasabit sa leeg ni Zaivier ang braso ko habang nakapulupot sa bewang ko ang kamay niya.
"Why? Naiisip mo bang iiwan mo 'ko?"
Mabilis naman akong umiling. "That's my biggest fear now, Zaiv. I don't want this to end, I don't want us to end."
Tinanggal niya ang pagkakapulupot ng isang kamay niya sa bewang ko at hinawakan ang baba ko.
"Hindi tayo matatapos, Zira. I'll do everything just to be with you and if forever doesn't really exist, at least until I'm breathing, I will fight for us, for you."
Napangiti naman ako. "Talaga?"
Tumango siya. "I'll prove it to you."
Sa isang iglap ay nagtama ang mga labi namin. Ang mababaw na halik ay naging malalim. I feel so much love in his kisses. I'm drowning in his kisses and I don't want to stop any minute now.
Halos madisappoint pa ako nang bumitaw siya mula sa nakalalasing namin na halikan. He caressed my face.
"I'll fight for you kasi dito lang pwedeng maging tayo, Zira."
"What do you mean?"
Ang bigat ng dibdib ko nang magising ako at parang pinupunit ang puso ko dahil sa sakit. Wala akong maalala tungkol sa panaginip ko ngayon at napapagtanto ko na sa tuwing nagigising ako at masakit ang puso ko ay hindi ko maalala ang panaginip ko.
Zaivier, are you protecting me from pain?
Umupo ako. Niyakap ko ang tuhod ko at isinubsob ang mukha ko. I'm crying and I don't know why. I just feel that I need to cry right now. Hindi ko talaga alam kung ano bang iniiyak ko rito.
Mababaliw na ako dahil sa mga panaginip ko pero sa ngayon ay sana wag na muna itong matapos.
Siguro ay mag-aalas kwatro na ulit ako nakatulog mula nang magising ako sa panaginip ko at ngayon ay eto alas sais y media palang ay paalis na ako sa bahay.
"Zira, hindi ka rito magbebreakfast?" tanong ni Mama nang humalik na ako sa kanila ni Papa para magpaalam.
"Hindi na po, sa school na lang."
Kumaway na ako at nagmadaling lumabas ng bahay.
Halos mabingi ako sa t***k ng puso ko habang palapit ako nang palapit sa cafeteria.
Relax, Zira! Kakausapin mo lang siya para maging malinaw kung bakit ganoon na ang trato niya sayo.
Kanina pa ako palinga linga dito sa cafeteria pero wala talaga si Troye. Nandito ako sa spot namin sa tuwing nagbebreakfast kami.
Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi na siya dadating.
Napaigtad naman ako nang marinig ang pamilyar na boses sa likod ko. Ramdam ko pa ang init ng hininga niya sa may tenga ko.
"Are you looking for me, lady?" madiin na tanong ni Troye.
Halos magwala naman ang puso ko. Damn!