Where is Amanda?

649 Words
Emily Delton [POV] Year 1994 pinanganak ko si Amanda, sobrang saya naming mag-asawa dahil di namin inaakala na magkaka anak pa kami. Dahil first time kong maging ina madalas akong nakakaramdam ng nervous, konting iyak ni Amanda natatakot na ako, well I guess ganon talaga pag ina ka. Habang lumalaki si Amanda mas nagiging busy kami mag-asawa dahil sa kompanya namin, kaya ang laging kasama ng anak namin ay yung yaya niya .Palapit na yung 3rd birthday ng anak namin kaya naisipan naming mag-asawa na ipasyal si Amanda. Tinawagan ko yung yaya ng anak namin na ayosan si Amanda at puntahan kami sa opisina. almost two hours namin silang hinintay pero wala paring dumadating kaya nakaramdam na ako ng takot at nag panic, sinusubokan kong tawagan ang yaya ng anak namin pati na yung driver pero walang sumasagot. " hon, di ko sila ma kontak. natatakot na ako baka ano nang nangyari sa kanila. " " calm down, baka nasiraan lang. " " no I can't calm down! anak natin pinag-uusapan dito kaya paano ako kakalma? " " okay let me just fix my things and pupuntahan natin sila. " Nakarating na kami ng bahay pero wala yung anak ko. Tinanong namin yung mga katulong at security guard namin pero lahat sila iisa lang ang sagot "Kanina pa po sila nakaalis Senyora. " So I decided na humingi ng tulong sa mga pulis. " wag po kayong mag-alala ma'am, we will do everything we can para mahanap ang anak nito. " " please make sure na mahanap niyo ang anak ko, kaya kong magbigay ng rewards maibalik lang ang anak ko. " Umabot na nang ilang taon pero di parin naibalik ang anak ko. Halos di na ako natutulog dahil lagi kong naiisip yung anak ko, di ko na alam kung anong gagawin ko. Francis Delton [POV] " Good evening Sir " bati ng mga katulong namin sa bahay. " ipaghahanda po ba namin kayo ng haponan? " " hindi na kumain na'ko sa labas, yung ma'am niyo kumain na ba? " " hindi pa po sir , ni hindi nga po lumalabas ng kwarto. " " hon, di ka daw kumain? di ka pa ba nagugutom? gusto mo sabayan kita? " " dumaan ka ba ng Police Station? may news na ba tungkol sa anak natin? " " Hindi ako nakadaan ng Police Station kinailangan kasi ako sa opisina kaya lang ako nakauwi. " " it's supposed to be her 8th birthday today pero di natin ma celebrate dahil hanggang ngayon hindi parin mahanap ang anak natin, pero ikaw trabaho parin iniisip mo! ganon lang ba ka dali sayo na kalimutan ang anak natin?! " " Anong gusto mong gawin ko? araw-araw akong bumalik ng Police Station para lang marinig yung balita na hanggang ngayon di parin nahahanap ang anak ko? Sa tingin mo ba, hindi ako nasasaktan sa tuwing naririnig ko yun sa mga Police? Pero kinakaya ko! Nagpapakatatag ako dahil kailangan ako ng asawa ko! Pero di mo nakikita yun! " lumabas ako ng kwarto dahil ayokong humaba pa yung pagtatalo naming mag-asawa. " Sir sa'n po kayo pupunta? " " Sa Hotel muna ako matutulog, kayo na bahala sa ma'am niyo. " Bago ako pumuntang Hotel dumaan ako ng bar kasama yung kaibigan kong si Julio para magpalamig ng ulo muna. "unti-unti nang nasisira yung pamilya ko " " Intindihin mo nalang yung asawa mo, alam mo kung gaano sya nasasaktan ngayon. " " Bakit? ako ba? Di ba ako nasasaktan? Anak ko rin yun! " " Bakit di nalang kayo mag ampon? Para habang hindi pa nahahanap yung inaanak ko ay may pagkaka abalahan siya. " Naging palaisipan sa akin yung sinabi ni Julio, Kaya humingi ako ng tulong sa kanya kung saan kami pwedeng umampon ng bata. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako uuwi ng bahay hangga't wala akong dalang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD