"Nice to see you again," ani ng isang lalaking naka-white suit habang nakikipagkamay kay Raphael. Matikas ang tindig niya, halatang sanay sa mga high-profile na meeting gaya nito. Kakarating lang namin sa Paris pagkatapos ng isang mahabang biyahe sa private jet. Halos wala pa akong tulog, at ang mga paa ko ay nananakit na sa sobrang sikip ng heels na suot ko buong araw. Ang tanging gusto ko na lang ay humiga sa isang malambot na kama at tanggalin ang sapatos na tila sumisiksik na sa kaluluwa ko. Nasa isang malaking lounge room kami ngayon—malawak, moderno, may glass walls at minimalist na décor. Dito gaganapin ang business meeting ni Raphael pero sa ngayon, tanging kami lang tatlo ang naroroon. Wala pa ang ibang delegates. Tahimik. Malamig ang simoy ng air conditioning pero mainit ang te

