“Who is she?” usisa ng isang babae na nakapikit ang tingin sa litrato sa isang dyaryo na hawak ng isang babae sa gitna ng maliit na grupo sa kanto ng plaza. “Saan siya nanggaling?” dagdag ng isa pa. “Sigurado akong hindi siya asawa niya,” sabi ng lalaki na tumitingin rin sa larawan. Dumami ang mga tao habang nagkikiyakiya para makalapit sa babae at makita rin ang larawan na hawak nito. Curiosity was contagious, kaya naman hindi nakatiis si Calista at dahan-dahang nilapitan ang grupo para masilip ang dyaryo. Pagtingin niya sa litrato, parang nawala ang kanyang mundo sa ilalim ng kanyang mga paa. Larawan nila ni Ralphael, magkasama sa Paris, may ngiting saksi sa isang gabing puno ng kasiyahan at lihim na pag-ibig. “Hindi ko alam na hiwalay na sila ni Ralphael ng asawa niya,” napailing n

