Twenty Three

1393 Words
Gusto ko lang protektahan ang sarili ko, kahit minsan. Hindi ako tulad ng mga tauhan sa palabas na kahit anong pagsubok ang maranasan kinakaya pa rin. Hindi ako perpekto. Kumunot ang noo ko nang may maglahad ng tinapay sa harapan ko. Kaagad kong inangat ang aking paningin. "S-salamat." Kinuha ko iyon at nginitian si Greg na may bigay niyon. Mabuti nama't binigyan niya ako ng pagkain. Kagabi pang walang laman ang aking tiyan.  Nawawalan ako ng ganang kumain sa tuwing maaalala ko ang masasayang nangyari at ang mga kaibigan kong parte niyon. Umupo siya sa tabi ko. Ginaya niya ako sa pagtanaw sa mga estudyanteng pakalat kalat sa field at sa ibang nakaupo rin sa mga bench kagaya namin. "Ngayon pa lang sumusuko ka na? Paano pa kaya kung..." hindi niya itinuloy ang nais sabihin at napailing na lang. "Mahirap talagang maging sentro ng laro." Nilingon ko ito na seryoso ang anyo. "Lahat ng problema ikaw ang taga-salo," dugtong niya pa. Natatawa akong sumabat. "Ano bang sinasabi mo?" "Na hindi ka dapat sumuko. Madami ang umaasa sa'yo. Sa lugar na ito parang ikaw ang superhero at kami ang mga mamamayang nangangailangan ng tulong mo." Umawang ang aking labi. Simpleng salita lang ang ginamit niya. Naiintindihan ko, pero nahihirapan akong i-absorb ang lahat sa aking utak. "At dahil ikaw ang superhero namin, dapat hindi ka sumusuko." Tila pinapalibutan ako ng salitang problema ngayon. Hindi na ako nakapagfocus sa ginagawa dahil sa kakaisip sa mga iyon. "Kick! Upper hook! Punch and sidekick!" Ginawa ko ang lahat ng sinabi sa akin ng instructor. Sinubukan kong magfocus kahit na nahihirapan talaga ako. "Done." Tinanguhan ko ito at hinubad ang suot kong gears at gloves. Umupo ako sa upuan at uminom ng tubig. Alam kong halos lahat ay sa akin nakatingin, maging ang mga ranggo at ang mga kaibigan ko. Masaya naman ako at sa loob ng ilang araw ay nabawasan na ang mga bully, nawala na nga yata talaga nang tuluyan. Isang bagay kung bakit seryoso ako sa taekwando ay dahil gusto kong ipakita sa kanila na kahit hindi ako ang dating pangalawang ranggo ay may ibubuga rin naman ako. "Improving." Tinapik niya balikat ko at naupo sa aking tabi. Ngumisi lang ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagpapansinan nila Nash. Ang tangi kong nakakasama ay sina Kirby at Odyssey. Masaya rin naman sila kasama kahit papaano at nasasanay na rin ako. "Tapos na rin ba kayo?" tanong ko. "Kakain ka na rin ba?" si Odyssey. "Oo, tara." Nauna akong tumayo at sumunod naman sila sa akin. Ang totoo niyan ay gusto ko pa sanang magtagal dahil gusto ko pang mapag-aralan nang maayos ang mga moves, pero hindi ko na kayang tiisin ang nakakatusok na tingin ng unang ranggo. Mayamaya lang ay nakarating na kami sa canteen. Um-order si Kirby at naiwan kaming dalawa ni Odyssey sa table. "I know you don't want to talk about it, pero wala ka bang gagawin para sa pagkamatay ni Maika? Huwag mo sabihing natanggap mo na lang iyon nang ganoon lang?" Nabura ang aking ngiti. "Kahit sino hindi matatanggap ang nangyari. Namatay siya sa hindi rin katanggap tanggap na dahilan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan pa nilang kumitil ng buhay ng isang inosente." "Iisa lang naman ang dahilan." Naiiling siyang bumuntong hininga. "Para humanap ng dugo na magpapalago sa Erurena, na parehas hindi alam ng lahat kung bakit ganoon kaimportante." "Bakit nga ba? Hindi naman sila papatay kung wala lang iyon, siguradong mahalaga ang bulaklak na iyon." Nilingon niya muna ang paligid. "The name of the flower itself hides it's purpose." Nang makarating na si Kirby ay sabay-sabay na kaming kumain. Alasingko na kaya naman naisipan naming umuwi na lang tutal naman ay nakuha na namin ang huli naming marka para sa taekwando. Sa isang linggo naman ay sisimulan na ang fencing, ang paggamit ng espada. Interesado akong matuto, ngunit hindi nagbago ang takot na aking nararamdaman. Iisipin ko pa lang ang itsura ng espada ay kinakabahan na ako. Nasa unang palapag ang unit nila kaya naman mag-isa na lang akong naglalakad paakyat. Kahit na madaming estudyanteng nakakalat sa hallway, pakiramdam ko ay mag-isa pa rin ako. "N-nash." Nagulat ako nang makita sa tapat ng pinto ng unit si Nash. Nakapamulsa niya akong nilingon at tinignan mula ulo hanggang paa. Akala ko magsasalita siya, pero nilagpasan niya lang ako. "N-nash." Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin kaya wala akong ibang magawa kundi ang tawagin ang pangalan niya. "I'm in a hurry, I have to cook for dinner." Hinarap niya ako at tinanggal ang kamay ko na nakakapit sa braso niya. "If you won't mind, kailangan ko nang umalis." Napako ang paningin ko sa ginawa niya. Unti-unti kong naramdaman ang sakit at ang pag-init ng palibot ng mga mata ko. Tuluyang tumulo ang nagbabadyang luha sa aking pisngi. "H-hanggang ngayon ba... ako pa rin ang sinisisi mo?" Halos pumiyok na ako. Natigilan siya sa akmang paghakbang. "Nash... naiintindihan kita, pero nasasaktan na ako." Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao at ang paglaglag ng kaniyang paningin sa ibaba habang nakatalikod sa akin. "Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko rin ginusto ang mawalan nang kaibigan... h-hindi ko ginusto." Lumakas ang hikbi ko, naubos ang mga tao sa hallway. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang silang nawala. "Alam ko kung ano si Maika sa'yo, pero sana... sana naman naisip mo rin na nasaktan din ako. Kaibigan ko rin siya, Nash! Kaibigan mo rin ako! Kung alam ko lang..." "Kung alam mo lang ano?!" Namumula ang mukha niya nang harapin ako, nagsisimula na ring magtubig ang kaniyang mata. "Kahit anong sabihin mo hindi mo na maibabalik ang oras! Hindi mo na maibabalik si Maika! Hindi mo ba napansin? Ikaw ang target ni Ejento Yomashi! Alam kong maging si Maika napansin iyon! Kaya nga siya ang namatay ngayon 'di ba?! Sino ka ba naman para ipagbuwis ng buhay? Ultimong siya nga hindi mo napagkatiwalaan!" Natigilan ako. Kung ganoon... "L-lintik lang Frezz! Akala mo trinaydor ka niya?! Hindi ka niya trinaydor para lang sa sarili niya! Ni hindi mo man lang siya pinagpaliwanag!" "H-hindi kita maintindihan." "Hindi mo talaga ako maiintindihan dahil wala kang alam! At huwag ka nang umasa na sasabihin ko pa sa'yo dahil magmula ngayon kakalimutan ko nang nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo. Dahil kung totoo kang kaibigan hindi mo muna paiiralin ang galit mo at uunahin mong intindihin siya. Hindi lahat gumawa lang nang masama. May dahilan ang bawat kilos, Frezz." Matapos ay marahas niyang pinalis ang luha na pumapatak sa pisngi niya. "Aalis na ako." Nanghina ako. Wala akong magawa kundi ang pigilan ang hikbi ko habang tinitignan siya na naglalakad palayo sa akin. Napaupo ako sapo ang aking mukha. Bakit hindi niya masabi sa akin ang dahilan ni Maika? Bakit ba hindi na lang nila sabihin sa akin ang lahat? Bakit kailangang ako pa ang umalam? Ang malawak na hallway na kinaroroonan ko ay napuno ng aking hikbi. Tila ibinigay ang oras na ito sa akin para umiyak at ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Kahit umiiyak ay pinilit kong iangat ang paningin ko para tignan kung kaninong pares ng sapatos ang nakikita ko. "I can't bare to just watch you cry..." Imbis na huminto ay mas napahikbi pa ako. Nanginig ang kamao ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa malamig kong kamay at ang pag-angat niya sa baba ko. Kaagad kong tinabig ang kamay niya at buong lakas na tumayo. "Sinabi ko na namang layuan mo ako hindi ba? Ano pang ginagawa mo rito?" Ngayon alam ko na kung bakit nawala na lang bigla ang mga estudyante sa hallway kanina. "I already told you. I just can't stand in the corner and watch you." Bigo ko siyang tinignan, nagmamakaawa. "Huwag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Puwede ba?" Tatalikuran ko sana siya, pero natigilan ako nang mag-teleport siya sa harapan ko. "What did I do to make you feel in pain?" Humakbang siya papalapit kaya kaagad akong humakbang paatras. Naiinis akong tumawa bago pinunasan ang sarili kong luha. "Bakit tinatanong mo pa ako? Alam mo dapat iyon. Dahil lahat naman nang ginagawa mo intensyonal 'di ba?" "What are you trying to say?" Ngumisi ako bago tumingin sa sahig at muli siyang hinarap. "Naiintindihan ko na ang lahat." "I don't get you." "You don't have to get what I've said, dahil alam kong alam mo iyon at hindi mo na kailangang mag-isip. Bakit nasa harapan kita ngayon? May balak ka na bang ipakilala ang sarili mo?" Sarkastiko akong natawa nang hindi siya nakasagot. Mas lalo akong nasasaktan. Pakiramdam ko'y bumagal ang oras habang unti-unti kong nakikita ang paglalaho niya. Naiwan akong nakatingin sa puwestong inalisan niya. "Gusto kitang pagkatiwalaan, pero paano kung ganito ang ginagawa mo?" Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD