Nakakapagod ang pagharap sa mga bisita pero hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ni Samaya. Pero si Sergio, napapansin niyang tila wala na ito sa mood, bihira na ring tumawa kaya naman binulungan niya ito.
“Mahal, doon ka na sa room pahinga ka na muna doon. Ako na ang bahala dito, sorry masyado ka na yatang napagod,” bulong niya dito.
“Hindi naman mahal, medyo pagod pero mas nangingibabaw naman ang saya,” nakangiting pahayag nito.
“Salamat naman kung ganon, masaya ka rin pala,” tipid ang ngiting sagot niya dito.
“Mahal naman, syempre napakasaya ko kasi sa wakas pag-aari ko na ang pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa!” masayang wika nito.
Pero bakas pa rin ang tila matamlay nitong kilos kaya alam niyang pagod na ito at baka inaalala lamang siya nito.
“Okey po, pero sige na mahal pahinga ka na muna doon ha. Ako na muna dito, balik ka na lang kapag nakapag-recharge ka na.” buong giliw na wika niya ulit sa asawa.
“Sure ka mahal? Uhmm ang totoo medyo pagod na talaga ako eh. Alam mo na, katulong ako nina Mark kahapon magtayo ng basketball court diyan sa may tabing bahay para naman kapag gusto kong maglaro, diyan na lang ako hindi na ako dadayo. Para naman hindi ako napapalayo sayo ng matagal.” magiliw na wika pa nito.
“Ay sus, napaka-maalalahanin mo talaga mahal. Thank you ha, sige na sleep ka na muna. Hindi pa kita masasamahan eh,” nakangiting wika niya dito.
“Sige, doon muna ako mahal ha.” paalam na nito, tumango naman siya at lumapit na sa isa nilang ninang na kinawayan siya.
Nahagip pa niya ng mata ang asawa, napansin niyang ngumiti ito kay Recca. Medyo napakunot ang noo niya doon dahil hindi ito nasisiyahan kapag nandiyan si Recca.
Lalo na kapag nagdi-date sila, lagi ngang saling pusa ang kanyang bestfriend kasi gusto din naman niya iyon. Lalo na noong mabigo daw ito sa boyfriend nitong hindi pinapakilala sa kanya.
Balak sana niyang magmasid pa, pero agad na naagaw ang atensyon niya ng magsimula ng magtanong ang ninang nila.
SAMANTALA
Kanina pa init na init sa suot niya si Sergio, nabubwisit na rin siya sa dami ng bisitang kailangang pakiharapan. Kung bakit naman kasi kailangan pang mag-invite ng sandamakmak na bisita ang magaling na si Samaya.
Kung siya lang ang masusunod, ayaw na niyang may mga bisita pa at kung pwede nga wag na silang ikasal kaya lang kapag kasi di nya pinakasalan si Samaya, hindi rin siya makikinabang sa mga naipundar nito.
Tsaka nangako pa naman itong magtatayo ng negosyo para siya na ang magmanage.
Ayaw naman kasi niya magalit o madis-appoint sa kanya si Samaya, aba mahirap na. Baka mapurnada pa ang mga plano niya.
Pero alam naman niyang hindi siya nito kayang iwan o ipagtabuyan, pero sa ngayon magpipigil muna siya sa mga request nito. Ngunit ngayon lang iyon, ipapakita niya sa babae na siya ang batas!
Sino bang lalaki ang papayag na maging sunod-sunuran sa asawa. Lalo pa at di naman niya mahal ang babae. Ang taba-taba na nga, nagpi-feeling prinsesa pa!
Maganda naman sana si Samaya, pero mataba na pinakang hate niya sa babae. Kung sana hindi lang ito matakaw at mataba baka mabaling pa ang atensyon niya sa babae.
Kaya lang walang tigil ang bunganga kakanguya eh. Para sa iba ganong body daw ang sexy, pero para sa kanya kasi ayaw niya ng malaman.
Minabuti niyang humiga na sa kama, at matulog na lang ng mahimbing kesa naman makipag-plastikan pa siya sa mga bisita.
Papikit na siya ng biglang maramdaman ang pagpulupot ng mainit na braso sa kanyang bewang.
Agad siyang napabalikwas, inakala niyang si Samaya iyon.
“Sam, pagod ako…” reklamo niya pero natigilan ng mapagtanto kung sino ang nasa kanyang likuran.
“s**t! Babe! Gag*! Anong ginagawa mo dito?!” bulalas niya pagkakita kung sino ang pumasok sa silid.
Si Recca ang bestfriend ni Samaya.
“Babe naman! Okey lang iyan, bakit ba natatakot ka eh hindi naman papasok ang bruhang Samaya na iyon dito! At saka huwag mong sabihing excited ka sa honeymoon ninyo ng porkchop na ‘yon!” sambakol ang mukhang wika nito.
Agad niya itong niyakap at siniil ng halik sa labi.
“Ano ka ba naman babe, huwag mong sabihing nagseselos ka sa baboy na iyon? Babe, alam mo naman ang plano natin di’ba? Ikaw talaga, tsaka alam mo naman na sa katawan mo lang naman ako baliw na baliw eh.” malambing na wika niya dito habang patuloy na hinahalikan ang nakahantad nitong balikat sa suot nitong gown.
First love niya si Recca, pero iniwan siya nito dahil sa wala siyang pera ni wala nga siyang kakayahang bilhan ito ng bulaklak kaya naman ipinagpalit siya nito sa may perang lalaki. Pero hindi niya nagawang magalit dito dahil mahal na mahal niya ang babae.
Para bang nahahamon ang kanyang p*********i dahil sa ginawa nito at naitaga niya sa bato na babalik din sa kanya ang babae. Pero talagang mailap sa kanya ang swerte dahil kahit na anong gawin niya hindi talaga siya makatagal sa isang trabaho kaya naman ni hindi pa man lang siya napo-promote ay umaalis na siya sa kompanya.
Hanggang sa makilala niya si Samaya, ang matabang babae na kanyang tinulungan ng minsang mahold-up ito sa papasok sa kanilang lugar. Kababa lang nito ng kotse ng tambangan ito ng tatlong kalalakihan.
Doon niya nakilala ang babae, sa iisang lugar lang pala sila pero palagi pa lang wala doon ang babae dahil noong lumipat daw ang mga ito doon sa amerika na ito namalagi.
Huli na rin ng matuklasan niyang sa iisang school lang pala sila nag-aral dati, mataba na siguro ito dati kaya di nya napansin.
Nang ihatid niya ito pauwi, pinasakay siya nito s akotse nito eh. Hindi niya akalain na ang magandandang bahay pala sa dulong bahagi ng kanilang lugar ay pag-aari ng mga magulang nito. Maraming beses na niyang inasam na sana makatira sa ganoong magandang bahay.
Kapag nagagawi kasi siya doon isang matandang babae lang ang nandoon at isang matandang lalaki kaya akala niya walang ibang nakatira doon.
Sabi nga niya noon kung may dalaga lang doon liligawan niya.
Pero doon na nagsimula ang kwento nilang dalawa ni Samaya. Maganda naman ito kaya lang mataba, na isa sa ayaw na ayaw niya sa babae. Pero sobrang bait at maalalahanin. Madali din niyang mauto kaya naman simula ng naging sila, ito na ang gumagastos sa lahat.
Magmula sa date nila, damit niya, sapatos, allowance. Hanggang sa bumalik na ito sa Amerika matapos ang ilang buwan nilang relasyon, tatapusin lang pala nito ang kontrata dahil nagpasya na itong magpakasal sila.
Ayaw pa sana niya dahil mahal na mahal pa rin niya si Recca, pero biglang bumalik si Recca matapos ni Samaya na bumalik sa Amerika. At doon siya nagpasya na pakasalan ang babae dahil na rin sa kagustuhan ni Recca.
Na bestfriend pala mismo ni Samaya. Minsan ng nabanggit ni Recca ang bestfriend nitong nasa ibang bansa pero hindi naman niya akalain na si Samaya iyon.
Makikipag-break na sana siya kay Samaya kaya lang nanghinayang siya sa plano nitong pagtayo ng negosyong siya ang mamamalakad. Tsaka ng banggitin niya kay Recca iyon, ito na mismo ang nagdesisyon na magpakasal siya kaya wala na rin siyang magawa.
Kaya lang hindi talaga niya maiaalis ang pagmamahal niya sa kanyang ex, kaya heto palihim silang magka-relasyon kahit na si Samaya ang kanyang pinakasalanan.
“Eh, pano ba iyan? Kaya mo ba akong tiisin ha?” malanding wika ni Recca, sabay alis ng zipper ng gown nito.
Hinayaan nitong malaglag iyon kaya nahantad sa kanya ang sexy nitong katawan, lalo na ang malusog nitong dibdib.
Halos magkanda-laway siya sa kagandahang nasa kanyang harapan.
Baliw na baliw talaga siya pagdating sa babae. Lahat gagawin niya basta mapaligaya lang ito.
“Sino bang may sabing titiisin kita babe ko? Alam mo namang baliw na baliw ako sayo diba?” halos magdeliryo na siya habang binibigkas iyon.
Agad siya nitong kinabig at sinubsob ang mukha niya sa pagitan ng malusog nitong dibdib.
Halos magkanda-ihi na siya sa sobrang pagkasabik na susuhin ang dibdib nito.
SAMANTALA
“Wait lang besh ha, tingnan ko muna si Gio sa kwarto namin. Nag-aalala kasi ako baka kung ano nangyari pagod na pagod kasi siya kanina.” paalam ni Samaya sa kaibigang si Helen.
“Ginawa mo namang baby iyong asawa mo, pasaway ka.” natatawang wika nito.
Kontra talaga ang pasaway sa kanyang asawa.
“Shhh… baby damulag ko kasi iyon.” pabirong sagot na lamang niya dito.
Tsaka naglakad na siya patungo sa hagdan para magtungo sa silid nila ni Sergio. Naiiling na nasundan na lamang siya ng tingin ni Helen, nilingon kasi niya ito at kitang kita ang pagkadisgusto sa mukha nito.
Hindi lang kasi nito kilala ng mabuti si Sergio, pero kapag nakilala nito ng husto ang kanyang asawa. Siguradong makakapalagayan din nito iyon ng loob.
Minabuti niyang magpatuloy na sa pag-akyat, di kasi siya mapalagay talaga kasi nais niyang i-check ang kanyang asawa.
ITUTULOY