“Huy bruha ka, Ano bang sinasabi mo diyan ha?! Halika na nga, hindi ba sinabi mo na uuwi ka na?” Biglang wika ni samaya sabay takip sa bibig ni Recca na inaakala yata na totoong pinagsasabihan siya nito. Kay galing talagang umarte ng babae kaya napakadali lamang nitong napapaniwala si Samaya na tunay itong kaibigan. Hindi tuloy niya maintindihan kung ano ang magiging reaksyon sa asal na iyon ng kanyang girlfriend. Kung siguro dati eh masisiyahan pa siya at talagang maaaliw pero ewan ba niya simula kagabi talagang parang natitimang na siya at para bang nawawala na siya sa kanyang sarili. “Sabi ko nga uuwi na ako, naku eh may sinasabi lang naman ako dito sa asawa mo. Ikaw talaga masyadong bini-baby ang lalaking 'to kahit na pinaiyak ka na! Okey, wala na akong sinasabi. Oo na po, pahing

