"Huwag mo nga akong pinaglolokong babae ka, ano pa ba ang gusto mo ha hindi ba at nais muna mapalapit sa akin. Tapos ngayon kinokontra mo ako sa gusto ko. Hindi ba gusto mo na matanggap kita pero paano ko magagawang tanggapin ka? Humiling ako hindi mo pa ako mapagbigyan, grabe akala ko pa naman gaya ng sabi ni Sergio gustong-gusto mong makuha ang loob ko. Pero papaano mo makukuha ang loob ko kung ganyan ka?! Kaya ayaw na ayaw kita para sa anak ko eh!" Galit na galit na pahayag pa nito sa kanya. Siya naman ay hindi na napigilan ang hindi maluha dahil yun ang unang beses na may nanampal sa kanya at nanay pa ng kanyang asawa. Samantalang ang kanyang mama at papa hinding hindi siya nagawang saktan. Kahit na kurutin nga, hindi siya nagawang saktan pero ito bigla-bigla na lamang siyang sina

