Kahit masama ang kanyang kalooban, sinunod na lamang niya ang kagustuhan ng kanyang asawa. Kaya heto siya sa silid ng kanyang mga magulang at nililinisan iyon, malonis naman na iyon dati pero inulit pa rin niya. Maging ang kobre kama at mga unan ay pinalitan na lamang din niya pero nagpasya siya na kumuha na lamang ng ibang kobre kama at mga kumot dahil ayaw din ng mama niya na papakialaman ang mga kagamitan nito. Lalo na kapag punda at kumot para dito kasi ay personal na gamit iyon kaya minabuti niya na kumuha na lamang doon sa mga dating stock. Mga magaganda pa naman ang mga iyon kaya hindi halata. Pagkatapos niyang mapalitan ang punda ng unan pati na kobre kama at mga kumot ay lininis naman niya ang sahig, matapos iyon isinunod naman niya ang mga figurine na alagang alaga ng kanyan

