Sa totoo lang nagulat si Samaya dahil sa naging reaksyon ni Sergio sa mga sinabi niya dito. Pati na ang sinabi niyang maghanap na ito ng sasakyan na maghahakot mg gamit ng pamilya nito. Alam naman niya hindi ito magtutungo sa kanilang bahay dahil kahit na napakaimportanteng lakad nila hindi nito maisakripisyo. Basta Siya ang nag-aya at tungkol sa kanya wala.otong oras at panahon. Pero ngayon nagmamadali na umuwi para lamang makausap siya at ngayon para itong timang na nagmamakaawa sa kanya na huwag niyang abandonahin ang pamilya nito. Pero ewan ba kasi niya, kakaiba talaga ang turing nito sa kanya. Hindi ito ang tipo ng lalaking magmamakaawa. “Love naman bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Hindi ko kayang mawala ka, hindi kumpleto ang buhay ko kung wala ka. Bigyan mo pa ak

