Nakapag-decide si Samaya na patawarin na lamang ang pamilya ni Sergio, mali lang kasi ang pagkakaunawa ng mga ito kaya pala ganun ang naging turing sa kanya Pero ngayon, nakita naman niya habang nag-uusap ang magpapamilya na parang sincere naman ang mga ito kahit ang malditang si Shane ay talagang mararamdaman mo ang pagkasinsero nito sa sinabing humihingi ng tawad sa kanya. Napailing na lamang siya dahil napatunayan niya na kahit papaano pala ay may tinatago pa ring hiya ang mga ito. Lalo na ang magkapatid, ang nanay naman ni Sergio naisip niya na baka dahil sa hindi nga siya nito gusto. Kaya ganun na lamang siya kung ituring, pero ngayon kitang-kita naman sa mukha nito na parang nagsisisi talaga sa mga ginawa sa kanya. Masyado lang itong naging mayabang dahil ang akala nito ay pasar

