kinabukasan naka ilang ring yung cellphone ko kaya nagising ako. CC is calling... "hello" antok kong sagot [Mika where are you! anong oras na dapat maaga tayo!] napatingin naman ako sa wall clock at sht nalimutan ko. dapat palang maaga kami dahil mag last practice pa kami bago kami mag perform. nakaramdam naman kagad ako ng kaba dahil hindi ko alam kung kaya ko ba. "sige sige dadalian ko na sorry talaga" sabi ko kay CC at binabaan ko na sya at pumasok na sa bathroom. hindi ko alam kung ligo ba talaga ginawa ko dahil sa sobrang bilis ko maligo. pagkababa ko nakita ko si lolo sa living room may hawak na dyaryo at si miko na inaayos yung uniform sa may living room ay napatingin sakin. "bakit parang nagmamadali ka apo" tanong ni lolo "ah lolo kasi late na po ako" sagot ko sa kanya

