nagmamadaling umalis si miss camilla hindi ko alam kung anong nangyare dahil tumawag sakin si miss arian. nakita ko pang ipinahid ni miss camilla ang luha nya bago sya tumakbo papunta sa elevator. "Mashikina!" gulat akong napatingin kay sir zamiel dahil sa sigaw nya at hindi lang iyon isinigaw nya yung pangalan ko. teka may problema ba? bakit nya ako sinigawan "bakit mo pinapasok si camilla" sabi ni sir zamiel nasa tabi nya pa si sir miko na nakatingin din sakin. "s-sir hindi ko na po sya napigilan dahil dare daretso po syang pumasok" sabi ko napayuko ako dahil sa kahihiyan first time may sumigaw sakin bukod kay mama. "sa susunod wag kang mag papasok ng iba" sabi ni sir zamiel at pumasok ulit sa office nya. nakatayo lang ako at nakatunganga iniisip ko parin yung pag sigaw ni sir

