IRON'S POV *tok.tok.tok* "Iron, gumising ka na!" *tok.tok.tok* "Iron!" *tok.tok.tok* Shit. "Iro—" "Ito na, gising na!" Bumangon ako sa kama at inayos ang mga unan at kumot. Pagkatapos, binuksan ko ang pinto at sinamaan ng tingin si Sandra. "Anong oras na?" Nanlaki ang mga mata niya, nag-panic siya bigla-dahil lang sa tanong ko. "Ahhhh-ang huli kong tingin kanina, 6:30." Tumungo ako, hinawi ko ang buhok ko na nakaharang sa harapan ng mukha ko tsaka ako tumingin sa kanya. "Anong kailangan mo? Natutulog pa ko, di ba?" "Pero nagluto ako ng almusal, tikman mo naman." Tinaasan ko siya ng kilay. "Tsk. Kadiri ka. Anyway, hindi ako pupuntang Holmberg ngayon kaya patulugin mo ako." sabay sara ko ng pinto. Psh. Istorbo. Napaupo ako sa kama. Haaay. Tutal naman at

