IRON'S POV "Sir Xenon, she was now in the good state." Thanks God. Tumayo si Xenon at niyakap ang doktor. "Can I come in?" "Yeah sure, go ahead." Pinihit ni Xenon ang door knob at nakita ang dalaga na nakahiga sa puting kama. Dinala niya si Iron sa bahay niya at tinawagan ang kilalang doktor para gamutin ang natamong sugat ni Iron dahil sa pagkakabaril. Isinarado niya ang pinto. Hinila niya ang upuan sa gilid ng kama na hinihigaan ng huli at tinitigan ito. Hinubad niya ang itim na tuxedo at isinampay sa likod ng upuan. Isang puting long sleeves na lang at kurbata ang pantaas niya. Haaay. Tumayo siya at pinatay ang aircon. Nilalamig na rin kasi siya at nag-aalala rin siya na baka nilalamig na si Iron. Matapos nun ay bumalik siya sa pagkakaupo at pinagmasdan ang huli na natutulog.

