IRON'S POV Pinaandar ko ang kotse. Nang malayo-layo na ako, tsaka ko pinindot ang Auto-control button. Isa iyong button na katumbas ng Auto-pilot sa eroplano, at meron lang ng system na yun ang kotse na pagmamay-ari ng agency. At isa na ang kotse na ito sa mga yun. Mabalik tayo, ang Auto-control system ay isang program kung saan ang tao sa agency ang siyang kokontrol sa sasakyan ng taong nasa loob nito. Kung sino ang na-assign para sa Auto-control system, hindi ko na alam. Nagmag kulay pula na ang button, bumagal ng kaunti ang takbo ng sasakyan matapos magsalita ang boses robot na babae sa loob ng sasakyan. "Your engine is under controlled." Pumunta ako sa likod ng driver seat kung saan nandun ang bag. Binuksan ko ito at kinuha ko sa loob ang female tuxedo na sinuot ko nung Media Confe

