IRON'S POV Hinanap ko ang lugar kung saan may nagbebenta ng ticket para sa media kaso parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa nakikita kong itsura ko nang malaman ko na kanina pa ubos ang tickets. Marami pa ring estudyante na nagkalat sa school ground. Parang hindi naman nabawasan simula nung umalis kami ni Fleen kanina. Pero ngayon, saan ako kukuha ng ticket? Ngayon na desidido na akong sumama sa pupuntahan nila, ngayon pa ako naubusan? "Iron!" lumingon ako sa tumawag sakin. It's Cream. Ano namang kailangan ng isang 'to? Lumapit siya sakin tapos pinatong niya ang braso niya sa balikat ko. "Anong kailangan mo?" bungad ko. "Wala. Nakita lang kita kaya pinuntahan kita," he grinned. "Sobrang saya mo ah," sabi ko with my monotonous tone. "Ikaw, sobrang lungkot mo

