IRON'S POV Nanlaki ang mga mata ko. Tumakbo ako para pigilan ang lalaki. Hindi pwede 'to. Kailangang makarating kagad yung mga lalaki na nasa baba dito para pigilan itong lalaki sa balak niya. Itatakas niya ang katawan kong walang malay kahit na may mga tao na sa baba. Palihim niya yung ginagawa para hindi siya marinig ng mga lalaking naka white shirt. "Tulong! Tulong! Kailangan ko ng saklolo. Tinatakas niya ako!" ang weird pakinggan nung sinigaw pero ginagawa ko pa rin. Sinuntok-suntok ko na ang lalaki pero tumatagos lang lagi ang kamay ko sa kanya. Para lang akong kaluluwa sa kanilang lahat. Invisible. Hindi nakikita't nararamdaman. *buuuug* *jiiiiing* Napalingon ako sa harap ko. Bumukas ng malakas ang pinto at nabuksan ang ilaw. Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos kong makita

