SOPHIE XIANNE
Alam nyo ba ang pakiramdam na may taong nag mamahal sainyo? Syempre bukod sa family mo, yung lalaking mahal mo na handa ka ring mahalin? Kasi ako hindi ko naranasan yun eh.
Nagmahal ako, pero hindi naman ako mahal. Ano nga ba ang tawag dun?
ONE SIDED LOVE.
Naaalala ko pa ang sabi sakin ng mommy ko na "humanap ka ng lalaking mag papangiti sayo, hindi yung lalaking nakangiti pa rin kahit umiiyak ka na." May ganun pa bang lalaki? Kung nabubuhay lang sana ang mga magulang ko hindi sana ako ganito kalungkot ngayon.
Sophie Xianne Nares, nung dalaga pa ako. Pero ngayon ako na si Mrs. Kutler. I'm a married woman na sa isang bato. Joke. Sa lalaking mahal ko na hindi naman ako mahal. Hindi pag mamahalan ang maiitawag ko dun.
Mahigit three years na kaming kasal ni Liam James Kutler, at mas pinili naming manirahan dito sa America para sa business nila dito, at sa Pilipinas naman ang mom nya. Mag bestfriend ang mga magulang namin, sabi nga ni mommy Remie Lianne hindi pa daw kami tao sa mundo napagkasunduan na daw nilang ipakasal kami. Well nagkataon na babae ang anak ng parents ko at lalaki naman sakanila. 20 years old ako nang mamatay ang parents ko dahil sa plane crush. Simula noon kayna mommy Remie na ako tumira sa Pilipinas. But after a year nag decide si mommy Remie na ipakasal na daw ako kay James. Bata pa lang kami gusto ko na sya, pero hindi nya ako pinapansin noon well wala namang pagbabago kasi until now hindi nya pa rin ako pinapansin. Funny right? Mag asawang walang pakialaman.
Dahil no choice naman si James kaya napilitan na din sya. He was already 22 years old that time at busy sya sa pag papalago sa company nila sa America, so mommy Remie and I went to America then the next thing I know, I am a married woman.
Hindi ko naman inexpect sa age na 21 years old ay may asawa na ako. Hindi naman sa nag sisisi ako, mahal ko naman sya. Pero sa loob ng three years minsan ko lang maramdaman ang mahalin ng sariling asawa. Laging si mommy Remie ang kasama ko. Lagi nya sinasabi sakin na pag pasensyahan ko na lang daw si James, at pagsasabihan nya. Pero wala namang nangyari. 24 years old na ako ngayon, at wala pa ring pagbabago.
"Xianne?" parang bigla akong nagising nang may tumawag sakin. Si James pala, kakarating nya lang galing sa office.
"Yes?" tiningnan ko lang sya at tatayo na sana ako pero bigla syang nagsalita ulit.
"Bakit gising ka pa?" Nakakunot noong tanong nya sa akin. Akala mo naman may mali na naman akong nagawa.
"Syempre hinihintay kita. Ganun naman ang mag asawa diba?" masayang sabi ko.
"Sabi ko naman sayo hindi mo na kailangang gawin yun. Matulog na tayo." Malamig pa sa yelo na sabi nya sakin. At paakyat na sana sya nang nagsalita ako ulit.
"Kumain ka na ba James? Nag handa ako ng hapunan natin." sabi ko na umaasang makakasabay ko sya sa hapunan, kahit sobrang late na.
"Oo, kumain na ako. Aakyat na ako, sumunod ka na lang pag tapos ka na dyan." hindi man lang tinanong kung kumain na ba ako. Wala na nga yata akong halaga sakanya. Kasi hindi nya naman talaga ako mahal, swerte ko kasi sa loob ng tatlong taon wala pa kami sa process na mag divorce. Since napilitan lang naman sya na ikasal kaming dalawa.
Katulad ng dati, kumain ulit ako mag-isa. At umakyat sa kwarto namin. kailan nya kaya mare-realize na asawa na nya talaga ako. Masakit para sakin na sa relasyong to ako lang ang nag mamahal. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang panghawakan ang pagmamahal ko sakanya.
Naabutan ko syang tulog na tulog na sa kama namin. Humiga na ako sa tabi nya pero bago yun, katulad pa rin ng dati hinalikan ko sya sa noo. At sinabi ko ulit ang mga salitang tatlong taon ko ng pinapa ulit-ulit na sabihin kasi baka sa panaginip nya makasama ako at ma-reliaze na nya na asawa na nya ako.
"Good night husband, kahit mahirap kakayanin ko. I love you. sweet dreams. Sana bukas mahal mo na din ako."
Pag kasabi ko non ay humalik ulit ako sa noo nya at nahiga na ng tuluyan, dahil sa sobrang antok nakatulog na din ako.