[Puro 3 years ago muna ang mga scene and sa mga susunod na chapters pa. Para may background muna tayo kung ano ang nangyari sakanila bago sila ikinasal. And if naguguluhan kayo sa mga characters comment lang po kayo.]
THREE YEARS AGO
Akala ko wrong timing ang tawag ni Cade kanina. Sayang kasi ang chance ko na makausap sana si James kaso mukang nag mamadaling umakyat sa room nya. Buti na lang talaga available pa yung drawing tablet kayna Cade.
(Ito yung part kung paano naging close sina Cade and Sophie. Ito yung namatay yung parents nya. Nasa America pa din si Liam James noong mga panahon na nagkakilala sina Cade.)
Since kasi umuwi ako galing France, kung kailan namatay ang parents ko madalas akong mag puntang mall para bumili ng Double Caramel Fudge Sundae pag kumakain kasi ako nun parang nagiging masaya ako and gumagaang ang pakiramdam ko. One time nag pahatid ako sa driver sa mall bibili lang sana ako ng Double Caramel Fudge Sundae nakita ko si Cade sa may parking lot nasa loob pa sya ng car nya, napatigil ako sa harapan nya kasi para syang baliw na nagsisigaw tapos sinasabunutan nya ang sarili nya. Hindi nya yata alam na hindi tinted ang sasakyan nya. Dahil mabait ako at kilala ko si Cade, dahil since preparatory level ay nasa iisang school na kami. Matagal na silang magkakaibigan nina James kaya kilala ko na din sila but i'm not sure if kilala ba nila ako kasi one year a head sila sa akin. Lumapit pa ako lalo sa sasakyan ni Cade at kinatok ko yung salamin ng sasakyan nya. Agad naman syang nagulat kaya mas natawa ako sa reaction nya. Akala ko magagalit sya sa pagtawa ko at aalis na lang or worst baka sapakin nya ako. Pero hindi, bumaba sya at napa atras na lang ako sa kaba ko.
"Hey!" sabi nya sakinm
"Hello? ah. Ano kasi. Nakita kita na sinasaktan mo yung sarili mo kaya ano. Ahh nilapitan kita. Tsaka ano. Nag alala ako na baka masaktan ka. Ano. Yung ano mo kasi. Ano ahh yung sasakyan mo kasi hindi tinted. Kaya nakita kita. Ayun." naka hinga ako, kinakabahan kasi ako eh.
"Eh bakit puro 'ano' na lang ang naintindihan ko sa sinabi mo? Natatakot ka ba sa akin?" tapos nag lakad sya palapit sa akin. Mas lalo akong kinabahan, lumingon lingon pa ako para sana hanapin kung nasaan ba ang driver namin pero kung minamalas nga naman ako walang tao ngayon sa parking lot.
"Eh. Hindi naman sa ganun." atras pa ako nang atras.
"Bakit ka kinakabahan? Hmm Sophie Xianne Nares." mas lalong nanlaki ang mga mata ko kasi kilala nya ako.
"Kilala mo ako?" balik tanong ko sakanya.
"Oo. Ikaw lang naman ang paboritong i-bully sa school noon diba? Tingnan mo nga naman ngayon, wala ka pa ding pinagbago." Oh God! Ayoko na maalala yung dati na wala akong friends. Loner kasi ako dahil hindi nila ako gusto kasama kasi puro aral lang naman daw ako.
"Paanong walang pinagbago? Na loner pa din ako? Na wala pa din akong kaibigan?" matapang nasabi ko sakanya. Kasi na offend na ako sa sinabi nya sa akin. Alam ko naman yun kaya hindi nya na kailangan ipamuka sa akin yun. Lalo na ngayon na namatay ang parents ko. IIlang buwan na silang nawala sa akin pero parang kahapon lang ang lahat.
"No. I don't mean that Sophie. You're still the same, too innocent and beautiful." namula yata ang muka ko dahil sa sinabi nya sakin.
"Sus wag mo na akong bolahin. Ano ba yan. Teka pauwi ka na ba?" pag iiba ko ng usapan.
"Hmm oo? bakit gusto mo ihatid na kita?" sabi naman nya. Sayang naman yayayain ko sana sya para mag ice cream.
"Hindi pa ako uuwi. Kakarating ko lang. Oh paano una na ako ah." sabi ko at paalis na sana ako.
"Pwede pa naman ako mag stay. Gusto mo ng company? Free naman ako." sabi nya, napangiti naman ako kaya tumango ako.
"Hmm. Kung sasabihin mo sa akin kung bakit para kang baliw kanina." napangiti na naman ako sa reaction nya "Ano deal?" sabi ko.
"May magagawa pa ba ako? Sige deal." sabi nya at napailing na lang. Nag lakad na kami papasok ng mall.
"Saan naman tayo unang pupunta?" tanong nya sa akin.
"Lilibre muna kita ng favorite kong Double Caramel Fudge Sundae." napakunot ang noo nya sa sinabi ko.
"Ice cream? Hindi ako mahilig sa matamis." sabi nya. Pero sure akong magugustuhan nya yon pag natikman nya na ang paborito ko.
"Hindi mo pa nga nasusubukan umaayaw ka na? Tsaka pag natikman mo yun baka maging favorite mo na din sya." tumaas baba pa yung kilay ko.
"Sige na nga, dahil first time mo ako ililibre pagbibigyan kita." napangiti ako at hinatak ko na yung kamay nya kasi nakita ko na wala pang masyadong taong naka pila.
Nag order na ako ng Double Caramel Fudge Sundae, dahil magkkwento pa sa akin si Cade kung bakit sya parang baliw doon kanina sa loob ng kotse nya. Naghanap na din kami ng pwedeng upuan namin, sa pinaka dulo ang napili nya. Napansin ko lahat ng babae dito ay naka tingin sakanya. Iba talaga kamandag nito sa mga babae, nag order din ako ng cheese burger and yung large fries nakakahiya naman kasi kung ice cream lang at baka hindi pa nga sya nakakakain sa ganitong fast food chain. Binigyan na lang ako ng number para iserve, papunta na ako sa napiling table ni Cade nang may babaeng kumakausap sa side nya. Ngumiti lang ako at nalaglag ang panga noong mga babae sa paligid namin. Siguro nagtataka sila na ang isang Cade Aguirre ay nasa ganitong kainan at heto ako bigla biglang uupo sa harapan nya ng walang pasabi samantalang sila ay nakuntento na lang sa pasulyap sulyap at ang iba ay kinakausap pa sya. Dumating ang order namin.
"Ma'am, Sir. 2 sundae, 2 cheese burger, 2 large fries and 2 pineapple juice. Orders complete." tumango lang ako dun sa nag serve samin.
"Kain na. Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya nag order pa ako ng burger and fries." sabi ko sakanya pero kinain nya na ang fries. May narinig akong nagbubulong bulungan sa gilid naman, hindi ko alam kung gusto ba nila iparinig talaga sa akin ang mga sinasabi nila.
"Ano ba yan. Nasyadong desperada at sya pa nanlibre kay Cade". sabi nung isa. I'm sure narinig din ni Cade yun.
"Sayang maganda sana pero sya pa ang naghahabol" what? Gwapo si Cade, oo pero hindi ko sya hahabulin dahil si James lang ang gusto ko.
"Sino ba kasi sya. Bakit sya kasama ni papa Cade." sabi ng isa. Mas mabuting hindi nila ako kilala kasi mas gusto ko na low profile ako para nakakagala ako sa kahit saan, unlike yung mga sikat lagi na lang sila ang laman ng mga chismisan.
"Sophie, do you want to transfer somewhere?" tanong ni Cade. Siguro ay naiirita na sya. Iba talaga pag low profile ka lang.
"No Cade, it's fine. Let's eat. Ganito kasi kainin ang fries, isawsaw mo sa Double Caramel Fudge Sundae. Ohh diba mas masarap yan." sabi ko habang ginagawa ko yung idi-dip ang fries. Yummy.
"Ewww. Anong klaseng babae yan." narinig ko na naman sa kabilang table. Bakit ba. Anong pakialam nila. Sa ganito ako kumain eh. Ang sarap kaya.
"Really? Okay i'll try that." ginawa nga din ni Cade. Natatawa ako at talagang nilalasap nya ang fries. Nag dip ulit sya tapos itinapat nya sa bibig ko. Susubuan nya ako. Kaya binuksan ko ang bibig ko. Narinig ko ang mga ungulan sa kabilang table. Sus wag kayo mag selos sakin. Ngayon ko nga lang nakasama tong si Cade ng matagal eh.
"What the.. PDA.."
"Flavor of the month."
"Baka flavor of the day ni Cade, ngayon ko lang sila nakita na mag kasama." seryoso ba sila? Stalker much. Napatigil sa pagkain si Cade at nilingon ang mga babae. Ako naman ay hindi affected dahil hindi naman totoo yun. Nag punta lang naman ako dito para bumili ng Double Caramel Fudge Sundae tapos nakita ko si Cade na parang baliw sa parking lot kaya sinama ko dito.
Nagulat ako kasi hinampas ni Cade yung table namin at napatayo sya. Kahit ako ay natakot sa reaction nya. Grabe pala to magalit, tumakas na kaya ako? Baka mamaya sa akin nya pa ibuntong ang galit nya dahil ako ang nagsama sakanya dito, pero diba ang sabi nya free naman sya at kusa ang pag sama nya sa akin.
"Listen! Never insult this girl in front of me, or don't you dare to insult her again. Not because she's just sitting here and silently eating you can talk and say anthing about her. If you don't know her, well she's my friend and she is the only daughter of the owner of SXN Mall, she's no other than Sophie Xianne Nares. Let's go Sophie, before I can kill anyone here." nakakatakot si Cade. Loko to ah. Pinapanatili ko nga ang low profile ko dito sa Pilipinas binunyag naman nya. Narinig ko ulit sila.
"Yung bagong fashion designer from France?"
"Sila ang may ari ng pangalawa sa pinaka malaking retailer sa mundo."
"Oo sila nga yun. Next to Kutler Stores Inc. sila ang 2nd largest retailer in the world."
"Kaya naman pala pamilyar sya. Nakita ko sila sa magazines."
"Sya yung Ms. Sophie na nakita ko sa news dahil baguhan sya sa fashion industries pero mukang kilala agad dahil sa quality ng mga gawa nya."
Nag init ang pisngi ko dahil ako ang pinag uusapan at nakatingin pa sila sa akin. Naman eh. Ayoko sa lahat ang attention ng mga tao na nag chi-chismisan eh.
"Let's go Sophie." pag uulit ni Cade. Ngayon gusto ko na talagang tumakbo palayo dito. Pero bago yun kinuha ko muna yung dalawang Double Caramel Fudge Sundae bago tumalikod at mabilis na lumabas ng fast food na yun. Naka sunod pa rin sakin si Cade.
"Uyyy Sophie hintayin mo naman ako." sabi ni Cade. Naglalakad ako papuntang 3rd floor nitong mall para konti lang ang mga tao doon.
"sa 3rd floor Cade." sabi ko at pumunta ng escalator.
"Bakit doon? walang restaurant doon. Doon na muna tayo sa 2nd floor." sinamaan ko sya ng tingin bago binigay ang Double Caramel Fudge Sundae nya. Kinuha nya yun at tumabi sa akin habang paakyat kami ng 3rd floor.
"Alam mo ba ang ginawa mo dun Cade kanina? Nakakainis ka ahh. Ngayon lang kita nakasama tapos gumawa ka pa ng eksena." simula ko sakanya bago nag lakad ulit.
"Hindi mo ba naririnig ang mga pinag sasabi nila sayo? Binabastos ka nila nang harap harapan Sophie. Sinabi ko lang naman ang totoo." nagtataka naman sya sa inaasal ko.
"Yun nga ang kinakainis ko Cade. Hindi mo naman kailangan gawin yun, dapat hinayaan mo na lang sila sa gusto nilang isipin sa akin. Ako nga hindi affected sa nangyari eh. Kaya okay lang ako." paliwanag ko sakanya.
"Pero Sophie, ako hindi ko maatim na ganun ang iniisip nila sayo. Kaya ka na bu-bully dati kasi ganyan ka pala mag isip. Aapihin ka nila pag lagi kang ganyan. Sa ngayon palakasan ng family influence, power!! Iyon ang kailangan para irespeto ka nila." doon kami nagkaiba ni Cade, malayong malayo.
"Cade, hindi ako katulad mo o nang kahit sino pa man na gagawin ang lahat para ipangalandakan ang yaman, I want to keep my profile sa public, I don't need those attention Cade, naiintindihan mo ba? Gusto ko na malaya akong nakaka alis ng bahay nakakapunta kahit saan na hindi ako pinag uusapan. Gusto ko mag karoon ng totoong kaibigan, hindi yung napipilitan lang sila dahil mayaman ako. Hindi ako kumuha ng course about business dahil ayokong gamitin ang nasimulan ng aking magulang. Kumuha ako ng Fine Arts at nag aral ng mabuti para gumawa ng sariling pangalan ko, kahit kailan hindi ko nanaisin na maging sikat dahil lang sa mayaman ako at dahil sa impluwensya ng pamilya ko." tinitigan ko sa mga mata si Cade, may halong galit ang pagsasalita ko sakanya. Naiinis kasi ako sakanya hindi lang dahil pinangalandakan nya ang pangalan ko kundi dahil isa sya sa mga taong kilala ko na ginagamit ang pangalan ng pamilya. Sinong hindi makakakilala sa isang Cade Yrral Aguirre.
"Sorry Sophie, hindi ko naman kasi alam na ganun pala ang iniisip mo." tiningnan ko sya sa mata at hindi mapakali ang mata nya kung saan titingin.
"Hindi lahat ng tao ay katulad mo mag isip Cade, hindi lahat ng tao pera at kapangyarihan ang hangad. May mga simpleng bagay lang nakakapag pasaya sa ibang tao, hindi porket binigyan mo ng kung anu-anong luho ay masaya na sya. Itong Double Caramel Fudge Sundae, ito lang sapat na para mapasaya ako Cade. Sabihin na natin na ganito ako kababaw pero sa mga simpleng bagay lang, sumasaya na ako Cade." paliwanag ko sakanya. Ngayon naman ay nakatitig na sya sa mga mata ko.
"I'm so sorry Sophie, hindi na ulit mauulit pa. Kung gusto mo ay babawiin ko pa ang sinabi ko kanina. Or kung gusto mo ano." pinutol ko na ang sasabihin nya, ang nagawa ay nagawa na wala ng mababago pa dun. kaya hayaan na lang.
"No need Cade, wala na tayong magagawa pa. At tsaka may deal pa tayo diba? Magkkwento ka pa sakin kung bakit ka parang baliw kanina?" bago natawa ako ulit sa reaction nya. Kinain ko na din ang malapit na matunaw na Double Caramel Fudge Sundae.
"It means pinapatawad mo na ako? Friends?" tanong nya na naka ngisi.
"May choice pa ba ako? Tsaka ikaw na mismo nag announce sakanila na friend mo ako kanina kaya wala nang bawian pa. Friends na tayo." sabi ko. Ang sarap magkaroon ng kaibigan.
"Oo Sophie, ako na ang bago mong kaibigan. Pangako magiging mabait akong kaibigan. At bestfriend na tayo dapat ah." Ngayon lang may nag alok sa akin ng friendship na sincere unlike sa iba na makikipag kaibigan dahil gusto nilang mag invest ang family namin sa company nila o kaya naman ay para bumango ang pangalan nila sa parents ko. Sad to say noong nawala ang mga magulang ko ay wala na ring nakipag kaibigan sa akin dahil alam nilang wala akong interest sa company. Sina Tita Remie and Tito Marlon ang in-charge sa company since ikakasal naman kami ni James at magiging isang company na lang kami.
"Pero before that friendship thingy na to. Yung deal natin bilis magkwento ka na." sabik lang talaga ako sa kausap since sina Tita Remie ang madalas ko kausap and noong nasa France naman ako kakaunti lang ang naging kaibigan ko doon, dahil noong nalaman din nila na sa amin ang branches ng SXN Mall sa Europe hindi naman sila nag offer ng friendship kundi nakikiusyoso lang kung sino ba ang anak ng may ari non. Mga tao nga naman, akala ko sa Pilipinas lang pati pala sa France ganoon din.
"You mean, dito tayo mag uusap?" nilibot ni Cade ng paningin nya ang buong lugar.
"Syempre uupo tayo. Ayun oh. Tara milktea naman tayo." buti walang tao ang sa loob ng shop nila ngayon.
"Anong order mo Cade?" tanong ko sakanya, ako naman kasi ang taong hindi kuripot minsan lang naman.
"Ahh. Paano ba to? Hindi kaya sumakit ang tiyan natin sa mga foodtrip natin?" nag aalalang sabi nya.
"Sige okay lang. Sanay na kasi ako sa ganito." sabi ko at pupunta na sana ako para mag order.
"Wait Sophie, i'll pay." tumayo sya sa tabi ko at naglakad kami para mag order.
"Yung large wintermelon po." sabi ko at tumingin din kay Cade. Ilalabas ko na sana ang wallet ko ng biglang nag abot ng 500php si Cade.
"Dalawa. Yung katulad ng order nya." natawa ako sa sinabi ni Cade. Umalis na kami doon at nag punta sa unang pwesto na napili nya kanina.
"Ang hilig mo sa sweets." sabi nya.
"Oo, ganito talaga ako, nakaka relax kasi pag kumakain ng sweets. Bago nga pala mapunta ang usapan kung saan. Bilis mag kwento ka na kung anong nangyari sa parking kanina." wala eh. Excited lang ako may makausap eh.
"Kala ko naman nakalimutan mo na yun. Wag ko na lang kaya ikwento, baka mag bago pa ang tingin mo sa akin at hindi mo na ako gawing kaibigan." sabi ni Cade, ako pa ba ang magiging choosy sa pag pili ng kaibigan na nag ooffer na sa akin.
"Cade, hindi ako katulad ng mga ibang tao. Sabi ko naman sayo iba ako mag isip. Tsaka friends na tayo diba?" sabi ko. At biglang may lumapit sa amin para ibigay ang dalawang wintermelon namin.
"Good luck sa tyan ko mamaya." natatawang sabi ni Cade.
"Hindi naman siguro. Hindi mo naman naubos ang Double Caramel Fudge Sundae mo eh." ako lang talaga matakaw samin. Buti kahit gaano kadami ang kinakain kong matamis ay hindi ako nataba.
"Lagi mo ba tong ginagawa Sophie? Ang kumain ng matatamis, tapos ikaw lang mag isa?" Mukang curious sya. Nako, iniiba nya talaga ang usapan.
"Ahh. Oo, simula kasi nang mawala ang parents ko tuwing nalulungkot ako or ma tripan ko lang kumain ay pupunta ako ng mall. At isa pa kahit naman gustuhin ko ng kasama, wala akong kaibigan na matatawag at makakasama." nag iba ang aura ni Cade, ayoko ng kinakaawaan ako.
"Don't worry Sophie kahit kailan mo gusto kumain ng Double Caramel Fudge Sundae at after iinom ng milktea sasamahan kita. Itext mo lang ako. Oo nga pala anong number mo?" natatawa ako sa ginagawa namin ni Cade para kaming baliw. Nag palitan kami ng contact. Nakakatuwa pala itong si Cade kahit na kilala sya sa dami ng babaeng naka palibot sakanya.
"Ayy nako Cade, iniiba mo lagi ang usapan ah. Ano na ang kwento?" napailing na lang sya. Wala na kasi syang kawala pa eh.
"Sana talaga wag mo akong itakwil na kaibigan. Ganito kasi yun, alam mo naman at sigurado akong alam mong maraming babaeng laging nakapalibot sa akin. Dahil doon nagalit si Dad kasi hindi ko daw sineseryoso ang trabaho ko, kaya naman naka banned ang mga sasakyan ko, hindi ko pwede gamitin ang Ferrari 599XX at ang BMW 328i ko. Kaya ngayon ay nag ttyaga ako sa Toyota Camry XLE ko tapos hindi pa tinted at ang malas ko nakita mo pa ako.” napangiwi ako sa reasons nya. Pero hindi ko naman sya pwedeng i-judge. Napakamot sya sa ulo nya.
“Alam mo Cade, I think tama naman ang ginawa ng Dad mo para naman maging seryoso ka sa business nyo and okay lang naman kung yung Toyota ang gamit mo diba? If ang problem mo hindi sya tinted magagawan naman ng paraan yun. Wag kang ma depress na parang baliw ka kanina sa parking, okay naman nung nakita kita diba? Atleast ngayon friends na tayo?” kahit pampalubag loob lang sakanya.
“Really? Hindi ka maiilang sakin dahil sa sobrang babaw ng reasons ko?” sinusuri nya ng maigi yung muka ko.
“Ewan ko sayo Cade, sanay ka sa mga ganoong bagay, friends tayo kaya hindi kita basta basta iju-judge lalo na kung hindi naman kita kilala talaga. Mas safe gamitin ang Toyota Camry XLE kesa sa BMW 328i.” para namang naaliw sya sakin kung makatingin.
“Hindi talaga ako nag kamali na maging kaibigan ka Sophie, paano mo nalaman yung about sa mga cars? Mahilig ka din ba?” tanong nya.
"Not really, si Dad kasi noong nabubuhay pa napag uusapan namin yun lalo na pagnabili sya. Ang sabi nya mas pipiliin daw dapat kung saan ka magiging safe, hindi dahil expensive safe ka na, hindi dahil kilala safe ka na. Minsan dapat suriin ng maigi.” How I miss my parents right now.
“I’m sorry. Wag ka na malungkot. Gusto mo ibili pa kita ng marami Double Caramel Fudge Sundae or bilihin na natin ang buong milktea house na to?” natatawa talaga ako kay Cade, magaan ang loob ko sakanya.
“Pero Cade, hindi lahat ng bagay nadadaan sa ganun, may mga bagay na hindi na pwedeng ibalik pa.” paliwanag ko sakanya.
“Pero pwedeng mapalitan? Ako diba? Pwede mo akong friend, or pag na mimiss mo ang parents pwedeng ako din, o kaya naman pag gusto mo ng kuya, ate, boyfriend, maid, professor, model or kahit ano pwede ako. Pwede mo akong maging ‘Substitute’ sa kahit ano.” bigla akong natawa sa sinabi ni Cade. See? Simpleng sinabi nya napatawa nya ako.
“Cade, grabe! Natatawa ako sa mga sinabi mo. Hindi ko ma-imagine na ikaw ang Dad ko." Di ko talaga napigilan ang matawa nang malakas.
"Tapos minsan ikaw si Mommy. Grabe talaga Cade!” halos lumabas na ang kaluluwa ko kakatawa sa mga pinag sasabi ni Cade.
“I’m serious Sophie, if you need someone to talk to, I’m always available. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko, pero masaya ako dahil kahit papaano napapatawa kita.” Sincere na sabi nya
"Sus. Always available daw eh. Paano ang mga girlfriends mo? Syempre you are not always available, and may sariling buhay ka naman.” Sabi ko. Ayos lang na maging friends kami pero ang kuhanin ang buong oras nya parang unfair ko naman no.
“No, Sophie! Kaya kong ipagpalit ang lahat para sayo. Para sa friendship natin. I’m serious when I said I’m always available if you need me. Hindi ko alam kung bakit pero sa lahat ng tao ikaw lang ang hindi humusga sa akin, ikaw lang yung babaeng hindi yata na aapektuhan ng hotness ko. At ngayon lang ako naka kain ng libre mo, mukang favorite ko na din ang Double Caramel Fudge Sundae, at itong milktea first time ko din ito. Ngayon lang kita nakasama ng ganito katagal Sophie, pero magaan ang loob ko sayo. Kaya naman kayang kaya ko talagang ipagpalit ang lahat ng babae para sayo.” Maiiyak yata ako sa sinabi ni Cade, kasi ngayon lang talaga ako nasabihan ng ganun. Kung paano ma appreciate ng isang tao.
"Thank you Cade, pero you don’t need to limit yourself sakin syempre pwede ka namang mag girlfriends. Hindi naman 24 hours dapat mag kasama tayo. Parehong may ibang buhay tayo diba.” Sabi ko sakanya. At pinahid ko ang ilang tumakas na luha sa mata ko
“Sophie, you’re crying.” Inabutan nya ako ng panyo nya. Agad kong kinuha at pinunas sa mata ko.
“Masyado lang ako masaya Cade, ito ang unang pagkakataon na may kaibigang naka appreciate sa akin.” Sinabi ko sakanya ang totoong nararamdaman ko.
“See? Kaya kong hindi mag girlfriends, Sophie! Hindi natin masasabi kung kailan mo kailangan ng isang Cade Yrral a.k.a Super H.” natatawang sabi nya kaya natawa na din ako.
"Are you serious Cade? Ikaw makakaya mong walang girlfriends? For real? At anong a.k.a Super H?”
“Oo. Deal yan Sophie, kakayanin ko. Ako pa! And dahil sa sinabi mo kanina parang gusto ko na lang mag work muna kay Dad, para naman hindi na sya magalit sa akin at isa din sa reasons nya ay ang pagiging playboy ko din kaya may mas lalong magandang reasons para itigil ang girlfriends and mag seryoso na talaga. SUPER H as in Super Hotness. Ako yun Sophie. Ako lang naman ang hot na friend mo.” natatawang sabi nya. Ewan ko talaga kung tama ba to? Baliw na talaga si Super H. I mean si Cade. Baka mamaya mahawa ako.
“Baliw ka talaga Cade, sige Deal yan! Para matulungan mo na din ang Dad mo Super H.” bago nagtawan pa kami. Hindi nga siguro sasakit ang tyan namin dahil sa kinain namin, pero baka naman dahil sa kakatawa.
Bigla akong natawa noong naalala ko yung first meet up namin ni Cade dati. Mag iisang taon na din pala yun? Ang tagal na din pala. Maka tulog na nga at bukas ililibre ko pa sya ng favorite naming Double Caramel Fudge Sundae at ng Wintermelon milktea.