Lolet. Binagsak ko ang sarili sa sofa matapos kong makausap ang Mommy niya. Nanginginig ako at bigla nalang lumuha. Alam kong mahal niya ako, oo alam ko iyon. Natatakot lang ako sa maaring mangyari kapag nalaman nang mommy niya ang tungkol sa amin. Hindi tatagal makakarating sa kanya ang balitang ito. Paano ako? Paano ang trabaho ko? Alam kong maraming trabahong papasukan, pero kaya ko bang iwanan siya? Mahal ko si Leonordie hindi dahil sa may nangyari sa'min, basta mahal ko siya sa hindi alam na dahilan. Ganon naman talaga hindi ba? Kapag mahal mo na ang isang tao hindi mo alam sa anong dahilan, basta gusto mo siya o mahal mo yon na yun. Hindi ako interisado sa yaman niya o ano mang bagay na mamahalin. Mas interisado akong makilala siya ng buo. Yung siya mismo, totoong siya. Alam ko

