Lolet. Sumalubong ang mata namin, kaya ang lintik na puso ko t***k ng t***k. Hinihingal siya dahil sa paghalik, at kita ko ang basa niyang labi. Kahit pa kinikilig ako hindi pweding ganito, baka maging mapusok siya kapag hindi pinatigil. Tinulak ko siya ng mahina para magkaroon kami ng ispasyo. Hindi ako na bigo sa pagtulak sa kanya. Saka pinanliit ng mata. "Ano hahalikan mo nalang ba ako magdamag Leonordie at huwag nang umalis?" Dinilaan niya ang sariling labi bago kinagat. Napalunok ako nang laway sa nakita parang nanadyang nang aakit sa ginagawa. "Anong ginagawa mo?" Hindi ko mapigilang tanong. Ngumiti siya. "I like the way you call me baby, ang sarap pakinggan kapag ikaw ang bumanggit." "Sira ulo," sagot ko nalang. Big deal sa kanya yon tssk. Hindi na mawala ang ngiti niy

