Lolet. "Please Lolet let me explain," saad niya. Wala naman dapat siyang ipaliwag dahil nakita ko kung paano niya ipilit nilalayo ang babae. Ngunit ang talanding babaing to, kung makahalik kay sir parang linta. Iniwan niya ang babae para mapuntahan ako, "maniwala ka man o sa hindi umiwas ako Lolet," paliwanag niyang muli. "Bakit ka ba bumalik rito?" lakas loob kong tanong sa babae, kaya naningkit ang mata niyang tumingin sa'kin. "It's none of your business, and who are you?" balik niyang tanong. Napangiti ako nang may maisip akong kalukuhan. Tumingin ako sa mukha ni sir saka ngumuso. Alam kong nagtataka siya sa ginagawa ko. Lumapit ako kay sir Leo para magpacute, bahagyang umawang ang bibig niya sa ginawa ko kaya maslalo akong lumapit sa kan'ya. Hindi pa ako nakuntinto sa ginawa ko

